Showing posts with label clp. Show all posts
Showing posts with label clp. Show all posts

Wednesday, October 14, 2009

The Christian Ideal: Loving God (CLP Talk 5)


"Bring them all back home to me..."

Whew! Ambigat ng naging talk kahapon sa CLP. Si Tita Penny De Leon ng CFC (Couples For Christ) ang naging speaker namin. Naalala ko tuloy nung MMC(Metro Manila Conference), isa din kasi siya sa speaker nung MMC sa baguio na talaga namang nakaka-aliw at heartfelt ang pagto-talk. Hmmm, usually, 'di ako masyadong nakikinig nakakapakinig sa mga speakers namin sa CLP ngaun. Medyo busy lang..(ows!?, busy ba talaga o nakikipag-daldalan ka lang?!) hehe, medyo lang naman. Pero nung nalaman kong si Tita Penny yung magto-talk, ayun wala ng pumilit sakin na makinig. Kasi alam ko talaga na magaling mag-talk si Tita Penny, and for the second time na nakinig ako sa kanya, she didn't fail my expectation.

Isa sa mga striking words na narinig ko sa kanya eh yung mismong words na nanggaling kay God. Yes!, God spoke to her. (He is talking to all of us, just learn to listen) It goes... "Bring them all back home to me..." Wow!, napaka-bigat na responsibility nun!, hindi lang sinabi ni God na "Bring them back to me." but His command is strong and clear, "Bring them ALL back home to me." hindi lang asawa nya, hindi lang family nya, hindi lang ang CFC, hindi lang ang community kundi LAHAT tayo. God wants us to be with Him. And in His words, He also reminding us na bisita lang tayo sa mundo. He said, "Bring them all back HOME to me." Clear! Earth is not our home but Heaven.

With this fact, na-mention din ni Tita Penny the words from her father that she'll never forget, "Whatever is excess in what you NEED is no longer yours." See? the word is NEED not WANT. Kung ano 'yung sobra sa gusto kailangan mo, hindi na 'yun sayo. So kung hindi sa'yo 'yon, eh kanino??? It's for God and for God's nation. Huh? Ano daw??? Want to know? simple! Sabi sa kanta,
"So blessed, I can't contain it.
     So much I got to give it away"
Nakita mo na? If you are blessed enough, then give. help. Wala namang nasasayang sa paggawa ng mabuti 'di ba? Pati sabi nga ni St. Francis, "It is in giving that we receive", that is so true, kapag nagbigay tayo anu ba mapapala natin? It's joy of heart, happiness(enervon) of spirit and you glorify God. Masaya kapag nagkakaron ka, pero mas masaya kapag nakapag-pasaya ka. 'di ba! 'di ba!. Hehe.

Loving God with all your Heart; with all your Mind; and with all your Soul. That's the christian ideal. Madaling sabihin pero mahirap gawin.When you are blessed, it is easy to be faithful(to God). Pero pa'no kung down ka na? Will you still be faithful? That's the very common problem with christians(that are lacking in spiritual nourishment). We're easily giving up at times of hardship and sorrows. Nagda-doubt na tayo kay God kaagad kapag nahihirapan na tayo, the same God na nagbigay sa'tin ng lahat-lahat kahapon lang. 'di ka ba nagi-guilty?

"Never doubt in the dark
     what God has told you in the light."
Just be faithful. Pray. Love.

Tita Penny has told us a story about a woman who truly lives up her love to God. To make the story short, 'yung babae na 'to may asawa at 2 anak. Nakalimutan ko kung iniwan s'ya o namatay na ung asawa n'ya. Basta hiwalay na sila nung asawa n'ya and found another man. With her new man, nagkaron sila ng siyam na anak. Yes! Nine (9) but they're not married. They happened to attend one CLP and felt guilty. Why they felt guilty? One thing. Adultery. They are not married right? Free yung lalaki, i mean single. 'Di nagtagal natapos nila yung CLP. Then the night nung graduation, nagkaron si babae ng pagkakataon na mag-share. So she does. Humarap s'ya sa asawa partner n'ya and then she said,

"Mahal na mahal kita at alam mo 'yon...(more loving words)...but this will be the last night na magkakasama tayo. (nagulat lahat sa sinabi nya lalo na ung guy syempre) You are free but I'm not. Ako ang nagiging dahilan ng pagkakasala mo. At ayokong hilahin kita sa kasalanan. We cannot continue living together because we can't help loving each other."

See her love? Mahal na mahal n'ya 'yung partner n'ya. Pero nung nalaman n'ya na hindi 'yun ang kagustuhan ni God, kahit mahirap sa kanya, she let go of him. Hindi biro magpalaki ng labing-isang anak(9+2, math 'to!) mag-isa at hindi biro ang i-let go ung love mo na nakasama mu na sa buhay ng matagal. She never ask anything from her partner but financial support for their 9 children. She chose to be on God side. She chose to listen. She chose to follow. She trusts. She never doubt.

"He who did not spare his own Son, but gave him up for us all—how will he not also, along with him, graciously give us all things?" - Romans 8:32

Wednesday, September 16, 2009

Kwento Lang

--Umaga--

P50 nalang ang laman ng wallet ko, at inutang ko pa un kay Lota (housemate friend *buti nlng andyan si lota, hehe) dahel walang-wala na kong pera sa mga panahong malapit na ang sweldo(kawawa naman), haha. 'Di na ko bumili ng breakfast sa 7-eleven sa boni na madalas kong binibilan pag umaga dahel gusto ko munang ma-sure na my sweldo na kame bago ko gastusin ung last money ko, kaya ayun, ang ginawa ko eh pumasok muna ko sa office tapos nag-check ng atm at pag-check ko, charaaannn!!! MAY SWELDO NA! wuhuu, makakakain na ko. (haha, poor!)

Bumili lang ako ng hotdog sandwich sa 7-eleven sa harap ng building namen para sa breakfast ko. Tapos di nagatagal, lunch n pala! (di nagtagal dahil as usual, late akong pumasok kya sandali lang ang nilalagi ko sa ofis twing umaga *kunyare pang nagulat 2ng si jd eh lagi naman syang late!* haha)


--Lunch--

Madalas kong kasabay si Monch(office mate before and turned to be a close friend) mag-lunch dito sa makati dahil mgkalapit lang kame ng ofis. Aun nga, kahapon, nagpataan muna ko sa time bago ko bumaba para mag-lunch(kase naman 'tong si monch lagi akong pinag-hihintay pag maaga kong naka-baba). Nung mga 11:50 na, nun palang ako lumabas ng ofis para bumababa for lunch, not knowing na tatlo pala ang sira sa apat lang na elevator ng building!!! hay nako napaka-hirap bumaba! Hanggan 15 floor lang ang Globe telepark dito sa makati, pang 9th floor ako, kaya kapag pababa na ung nag-iisang umaandar na elevator eh punong-puno na! Hai nako talaga! Inabot din ako ng mga 20mins sa paghihintay ng elevator hanggang sa naisipan kong mag-round trip nalang para ma-sure na makaka-baba na ko. So aun nga nagtagumpay naman ako sa pagbaba. (Congratulations!!!)

Dahil sa late na 'kong naka-baba, naubusan kame ng pagkain sa kinakainan namin sa Cityland. (Wawa, haha) Kaya naisip namin na sa GT Tower nalang kumain.

Monch: Antagal-tagal mo naman!
Ako: Eh kasi sira ung elevator eh.
(Pumunta sa kainan sa Country Style sabay sabi ng tindera, "wala ng kanin!")
Ako at Monch: (napatigil at na-blanko ang muka)
Monch: Ayan, san tayo kakain?
Ako: Sa GT nalang.
(Lumabas na ng building papuntang GT)
Monch: Sa GT pa tayo kakakin eh wala nga akong pera! (*kunyari pa pero sumusunod din naman sa paglakad)
(hindi galit si monch, ganyan lang talaga sya magsalita, parang laging naiinis, kaya masanay na kayo kapag nagkukwento ko tungkol sa kanya, haha *Peace Monch!*)
Ako: (Sige lang sa paglalakad at parang walang narinig purket bagong sweldo, haha)


Habang papuntang GT, naalala kong wala akong dalang tumbler, (mahal pa kase 'pag dun bimili ng drinks, gagatos ka ng mga P100, mahal na yun sakin at 'wag ka nang magulat, haha)

Ako: Hala 'di ko pala dala ung tumbler ko!
Monch: (tingin lang na parang ewan, haha)
Ako: Sa tokyo-tokyo nalang tayo kumain, ganun din naman gagastusin natin pag sa GT.
Monch: Hay nako anung oras na, mawawalan na ko ng trabaho. Sige ok lang bahala sila(mga boss nya) dahil naiinis nila ko.
(ganyan talaga si monch, magrereklamo sa una pero biglang papayag din sa huli, haha)


kaya imbis na sa GT sa Tokyo-Tokyo nalang kame kumain, ganun din kase magagastos sa GT dahil wala nga kameng dalang inuminan (mga kuripot!, haha). Ayun, final answer na, Tokyo-Tokyo nalang talaga. Hehe.

Pagdating sa tokyo-tokyo: ang haba ng pila!!! Pero tumuloy na rin kami, kesa naman bumalik pa kami. So, pumila kami, umorder at... binigyan kami ng number. NUMBER???!!! so maghihintay pa kame para makakain???!!! *petience, patience* Humanap nalang kami ng upuan at nagkwentuhan. --30minutes later-- Inaaliw na lang namin ang isa't-isa para kumalma. (Bakit ba antagal ng service dito???!!!) Haiii, tatllong crew na nila ang pinag-follow-up namin ng order, ay hnde!, lima na ata, pero antagal pa din! Anu ba yan! Pagdating ng order namin...

Monch: Ay, parang ang konti ng kanin.
Ako: O-order pa ba ko?
Monch: Ou, eh kakasya ba satin 'yan eh construction worker ka kung kumain.
Ako: (wala ng nasabi, umorder nalang) 1 extra-rice.
Monch: Isa lang? dalawahin mo na!
Ako: Aun, dalawa na daw ('di makapalag, haha) Magkanu ba rice?
Crew: Five pesos po.
Ako: (shocked) Five lang?! (kelan lang libre pa ang rice dito)


Di nagtagal, halos maubos na ulam namin, pero ung rice... ung rice... andameng rice! Haha, hindi pala namin kayang ubusin, ang dami-dami. Na-takaw tingin lang kami dahil sa sobrang tagal ng pinaghintay namin. (hay, kasi ba naman!) Ayun, nasayang lang ung mga 2 cups pa yun. Parang katumbas nung extra rice na inorder ko yung 'di nakain.

Ako: Ui kumain ka pa!
Monch: Anu b?! 'Di na nga ako nahinga dito sa sobrang busog eh!
Ako: Ayan ka, umorder-order pa tayo ng extra rice. Haha.


Kaya ayun, hanggang hapon meryenda na yung kinain namin. Hehe.


--Gabi--

May CLP(Christian Life Program) ulit kami kaya maaga kong umuwe(lagi naman akong maaga umalis ng ofis, anung bago?), pati may isasama kong kaibigan, si Lhen(classmate nung college sa bulacan), dahil gusto daw nyang maging SFC(Singles For Christ). So ayun, I'm more than willing na isama sya.

Mga 7pm, dun kami nagkita sa Mcdo Boni, after nun dumeretso kami sa apartment para naman sunduin si Djem na hindi pa pala nagbibihis. (hay nako!, haha) Pero ok lang kasi ako din naman magpapalit pa. Kaya yun mga 7:30 na rin kami nakaalis ng bahay. Buti nalang hindi kami na-late, hmmm, actually parang maaga pa nga kasi medyo matagal din naghintay sila bago mag-start ung Talk 1. Kahapon, ayun nag-serve ako as music min sa CLP. Natuwa ako kasi parang bumalik sa 'kin ung time na ako yung participant ng CLP. Pero mas natuwa ako nung nakita ko sila Djem na nag-she-share na rin sa groups nila after ng talk. Hehe. God is really working in a way we would never understand.

After ng CLP, I felt happy. Nakakatuwa kasi nasama ko sila sa CLP, lalo na si Djem. Nung tinatanong ko kasi sya dati parang ayaw pa nya. Eh si Lhen walang problema kasi Go na Go sya. Hehe. Isa pa, atleast 'di na ko masyadong mag-aalala sa kanila na baka wala silang makausap dahil bago palang sila, dahil ayun nga sila na yung parang laging magkakausap kapag may talk. Ayun, sana kahit malayo at gabi na, sana regular silang maka-attend, syempre gusto ko din talaga silang maging part ng community ng SFC. Masaya kaya! and at the same time nakakapag-serve ka pa kay God.


Ayan ang haba na ng blog ko. Haha, andami kasing nangyari kahapon. Pati ang saya-saya. Next time ulit. (^^,)

Tuesday, September 8, 2009

Stand up For Christ

Ayun.. ekskayted na ko sa CLP(Christian Life Program) namen mamaya! hehe.. Orientation na eh, sana madaming umatend. Para sa mga 'di nakakaalam, ang CLP eh program ng CFC-Singles For Christ pra s mga single men and women ages 19-40 na gustong magservice sa church as SFC (Singles For Christ).

Bale nung time namen ng mga ka-batch ko, dun ginanap sa Sta. Rita chapel ung CLP namen, basta sa may Barangka Drive sa mandaluyong *para sa mga nakakaalam* Eh ngaun, dun naman sa St. Joseph, 'di ko alam sang street yun sa mandaluyong, alien din kase ko dun. Haha.(nasa makati kase ko ngaun kaya "dun" ung term na ginamit ko *nagpapaliwanag pa!, haha).

Hmmm.. first time ko 'to magservice team sa chapter namen (POLA chapter[Parish of Our Lady of the Abandoned]) since ka-gagraduate lng namen as SFC last June. At take note!, i'm part of our music ministry!(whaaat????) 'wag ka nang umalma, ganun talaga ehehe. Oha! Oha! Hmmm, aminado naman akong 'di ako magaling kumanta, pero bakit ba!, hindi naman kelangan mala-mariah carey o mala-eric santos ang boses para mag-serve sa music ministry, basta mron kang commitment. Pati gusto ko talagang kumanta at talagng nagpumilit akong masali sa music ministry. Haha, sapilitan to! Pati sa tingin ko naman dun ako makakapag-serve ng lubos(tagalog na lagalog) 'yun ang importante. Kapag naman marami na kaming kumakanta 'di na naman masyadong naririnig 'yung boses ko kaya parang nasa tono na din. Haha.

Kung 'di man ako marunong kumanta, my options pa naman. Pede naman ako sa instrument. Kaso ang problema, wala naman akong instrument na alam tugtugin, ahahaha. Kaya ayun balak ko rin mag-aral mag-gitara, para naman kahet pano eh meron akong kahit isang instrumentong alam tugtugin. Ayun, papaturo nalang ako sa mga ka-chapter ko. (Janjan nako dapat turuan mo ko!, hindi pwedeng hindi, wala kang choice!, haha) Sana matuto ko agad. This is for God's glory.