Showing posts with label music. Show all posts
Showing posts with label music. Show all posts

Monday, May 24, 2010

SFC United Concert

"With eyes on high we praise You
    And with one voice we come together
Our one desire to praise You
    And lift You up in our surrender
We are living to make Your Name high
Jesus"

It's been almost 3 months of preparation and practice...and finally we have attained our goal. United in God through music and praise.

Hayyy, matagal-tagal din ang ginawa naming pag-papraktis para mabuo yung concert last Saturday night. And thank God that it turned out good. Hindi ko alam kung sino naka-isip na magkaron ng concert ang cluster namin sa SFC, pero kahit sino pa man sya, eh sobrang laki ng naging tulong nya sa cluster because we're definitely became united.

There are four chapters in our cluster: (1)Fatima, (2)Divine Mercy at San Roque combined, (3)Sacred Heart and lastly, (4)POLA (Parish of Our Lady of the Abandoned) where I belong. Bawat chapter may 4 na solo-ista (2 brothers and 2 sisters) at participation sa choir. At ako, part ng choir. Cute! Hehe.

Brother Zhyke has been a great coach para sa music ministry. He shared his knowledge learned from his voice lesson saming mga "songer" and it greatly helps. Nung una medyo mahirap kasi hindi ko pa talaga yun (breathing exercise) nagagawa pero as time goes by medyo nasanay na rin ako. Pinaka-fav kong part ng lesson eh yung pool training. Hehe, bukod sa masarap mag-swimming, medyo challenging kasi nakikigamit lang kami ng pool sa California Gardens kaya medyo suspense, haha.

Marami ding dumating na oppressions tulad nga nung muntik-muntikan na talaga kaming hindi makapag-pool training dahil nga nakiki-gamit lang kami ng pool, may mga hindi magka-sundong schedule kaya hindi nakakapag-praktis ng kumpleto, minsan yung instruments naman ang pumapalya, yung mga ganon. But it didn't keep us from attaining our goal. The concert is a BIG success! See? Walang malaking balakid at problema ang hindi malalampasan sa mga gawain para kay God.


May God be Praised!

Monday, December 7, 2009

Studio

"Music min kita kits 7pm jobe maysilo."

Gaya nga ng nasabi ko before, member ako ng music ministry namin sa SFC-POLA. At since sa Saturday (December 12) na ang Lord's Day celebration namin, kelangan naming mag-praktis ng mga kakantahin for the occasion. Isa pa, balak kasi nilang mag-full band kaya kelangan talaga ng praktis. Usually, nagsisimba kami ni Mark sa San Roque ng 7:15pm but since 7pm ang call time ng music min, 6pm sana kami magsisimba. Ang kaso, itong si Mark, hindi umabot sa misa! hmp... (Member din si Mark ng music min) Galing daw syang MOA at sinamahan yung pinsan nyang galing Baguio. Ok. Forgiven.

Dumating kami sa Jollibee Maysilo mga 7:20pm at ayun, as usual hindi pa rin kumpleto ang grupo, kaya kumain muna kami. After nun, nilakad nalang namin from Maysilo gang dun sa pagpapraktisan naming studio sa may Boni Ave. malapit sa Club Mwah. At pagdating namin sa studio...     computer shop na pala. Wala na yung studio. Nyeh! Akala ko nakapagpa-reserve na sila bago pa man kami mag-praktis. Pero ayun, ano pa bang magagawa? Hinintay nalang namin yung iba dun. Pagdating nila Kuya Leo, nag-try naman kami dun sa Barangka. Meron daw studio dun sabi ni Kuya Egie (chapter head namin sa SFC). Ok, lumayo pa kami nung una meron naman pala sa barangka. Haha.

Pagdating namin sa place...     sarado. Waaaattt??!! Hayyy, makakapag-praktis ba kami? Buti naman my kumausap samin nung lilingap-lingap kami sa studio. Binigay nung babae yung number nung may-ari ng Dredd (studio) at ayun, na-kontak naman ni Kuya Leo. Ang kaso...    wala palang instrument na available. Narentahan daw lahat kaya sarado. Hayyy... Pero buti nalang natanong ni Kuya Leo kung san meron pang studio na pwede, at sabi nung may-ari ng Dredd, sa Roaa daw sa San Joaquin. Kaso ang sabi nila Jan-Jan mahal daw dun. So pano na? Bago pa man kami maka-alis sa studio na yun, may dumaan dun na 4 na lalaki na parang naghahanap din ng studio. Yung 2 may dalang gitara. At yun, hinabol nila Doc Anna at Kuya Leo para tanungin kung may alam sila na iba pang studio. Pagbalik nila Kuya Leo, sabi nila wala na daw alam yung 4 na lalaki. Wala na kaming choice kundi dun sa Roaa. Sayang naman yung gabi kung hindi kami makakapag-praktis.

Nag-taxi nalang kami para mabilis. Past 8pm na kasi nun. At pagdating namin sa Roaa, thank God at sa wakas eh bukas sila at my available na studio! Yipee! At ang nakakatuwa pa,  P120 lang pala per hour. Air-conditioned room pa! First time ko din to mag-rehearse sa studio kaya medyo excited akong mag-ingay. Hehe. At 'di nagtagal habang nagpa-praktis na kami, nakita namin sa labas ng studio yung 4 na lalaki na nakita namin sa barangka na sabi eh wala na silang alam na studio. (Wala na palang alam ah)

Ayun, naging ok naman yung una naming praktis, kahit medyo sabog pa ang drums. Todo bigay kami nila Doc Anna. Haha. Hope maging maganda ang kalabasan ng mga kakantahin namin sa Lord's Day. For all of these, May God be Praised.

At Last!

Jan-Jan: San ka na? dito nko. cnbi ng auko nghhnty eh. hmpf. twag k skn

Hai nako 'tong si Jan-Jan masyadong strikto! Para 5 mins. lang naman akong late. (Nagpapaliwanag pa!) Hehe. Nagpasama kase ko sa kanya last Saturday na bumili ng gitara. Sya expert eh. Ehe. Magkikita sa Mcdo Boni barangka 1pm, eh quarter plang nandun na agad sya kaya naghintay tuloy sya! (Sinisi pa!, haha)

Sabi nya sa Sta. Mesa daw bilihan ng gitara. Maganda daw quality. At since medyo malapit lang naman kami dun, dun na kami nagpunta. Natatawa nga ako sa sarili ko kasi wala akong kaalam-alam sa lugar. Parang bata. Kada may kakaiba lagi kong tinatanung kay Jan-Jan kung nasan na kami, parang mawawala, haha. At habang nasa daan, eto namang si Jan-Jan eh na-inspire mag-share ng love life nya. Yihee!

Ng dumating kami sa mga tindahan, ayun nagtanong-tanong na 'tong si Jan-Jan ng mga gitara. Nakakatuwa sya kasi 'di nya ko pine-pressure sa pagpili. Sya bahala, sya din ang tumatawad. Sinasabi nya sakin kung maganda. So ayun, palipat-lipat kami ng tindahan. Kada labas namin sa tindahan ang dami kong tinatanung sa kanya about sa mga napag-uusapan nila nung mga nagtitinda. (Anu pinagkaiba ng nylon strings sa steel? Pareho lang ba tunog nila? Mas maganda ba ang fiber sa kahoy? Ano ba yung pickup? etc.) Since first time ko palang talaga maggi-gitara, wala talaga kong alam sa mga yun. Hehe. Pati andami talagang mga instruments! (Music Stores yun, what do you expect???) Siguro in less than  an hour na pagtingin-tingin sa mga tindahan meron na kong napiling bilihan. Sabi din ni Jan-Jan maganda na yun. P2,500 daw ksama na yung pickup, bag at strap. Yung medyo color red sana ang gusto ko, kaso nung pina-check ko kay Jan-Jan may mga scratches pala, kaya yung itim nalang ang kinuha ko. Sabi pa nga ni Jan-Jan, "Wow, puti nga ang gusto mo. Puting-puti ang napili mo eh!, haha" Sabi ko kasi sa kanya nung una kulay puti ang gusto kong kulay ng gitara. Puti as in Puti talaga. Haha. Since ilalagay pa yung pickup sa gitara, inaya muna ko ni Jan-Jan sa Centerpoint, sinabi namin sa tindero na babalikan nalang namin.

Mga 1 oras din siguro kami sa Centerpoint hanggang sa naisipan naming bumalik. Naaliw kasi kami sa mga adik na naglalaro sa Quantum. Hehe. Pagbalik namin sa tindahan.......

Tindero: Ay sir may problema!
Ako: (Nagtataka at hinihintay ang susunod na sasabihin ng lalaki)
Tindero: Binenta na po namin sa kanila (Sabay turo sa mga lalaki na pinagbentahan nila ng gitara) yung gitara. Antagal nyo po kasi akala namin 'di na kayo babalik. Hindi na po kasi kami naniniwala sa mga customer na sasabihing babalik tapos hindi na bumabalik.
Jan-Jan: Huh? Bakit ganun?!
Tindero: Eh akala kasi namin hindi na kayo babalik. Sana nagdeposit kayo. Gusto nyo sir pumili nalang kayo ng ibang kulay?
Ako: (Sa isip-isip: binenta nyo yung bibilin ko sana at ngayon gusto nyong bumili pa ko sa inyo?!)
Tindero: O kaya sir ipipili ko nalang kayo dun sa isa naming tindahan. (sabay turo sa kabilang kalsada)
Jan-Jan: Jd ikaw nalang pumili. Sige kuya kami nalang ang pupunta.

Ayun lumabas na kami. Badtrip! Ano bang klase yun? 'di ba kami mukang kapani-paniwala ni Jan-Jan sa mala-anghel naming itsura??? (walang kokontra, blog ko 'to!, hehe) Hai nako. At gusto pa nya sya na pipili ng bibilin ko para sa kanila pa rin kami bumili?! Hayyyyyyyyy... Kalma, kalma...

Dahil nga sa nabuwisit na nila kami, dun nalang kami tumingin ulit sa una naming tiningnan na tindahan ni Jan-Jan. Nung una wala pa kong mapili. Parang na-desperado na yata ako dahil sa tindero kanina. Pero 'di naman nagtagal may nagustuha na rin ako. Hmmmm, kulay dark maroon sya. Kasing ganda din sya nung dapat na bibilin ko kanina pero mas naka-mura kami. P2,200 lang ang turing samin kasma na lahat. Great! So hindi na ko nagdalawang-isip pa! pinalagyan na namin ng pickup at hinintay na rin namin dahil baka na naman pag umalis kami at balikan nalang eh mabenta pa ulit. Haha.

Ayun, masaya naman ako sa nabili ko. Isa pa, nakamura pa ko! Salamat at matiyaga si Jan-Jan sa pagsama sakin. Hehe. Hindi ko pa napipicturan eh. Post ko nalang minsan. Sana matuto ko agad.