Showing posts with label friends. Show all posts
Showing posts with label friends. Show all posts

Monday, June 28, 2010

Aldino Greetings (Bati)

Yun oh! Kasabay ng pag-graduate namin bilang SFC eh nakilala ko silang makukulit at magugulo na mga ka-batch ko. At kasama nga dun si Aldino a.k.a. Mayor Herbert Bautista. Haha. Bakit Herbert??? Eh kasi nung una palang namin syang makita sa CLP nila Monch eh para na naming nakita si Mayor Herbert. Ehe.

Anyway, isang taon na rin simula nung makilala ko 'tong si Aldino at maka-group (household) ko sa SFC, sa isang taon na yun, kahit pano marami na rin kaming napagsamahan. Nakita ko na yung ibang side ng emotions nya, pati ibang ugali. Lover boy. Maraming kalokohan. Napaka-adventurous! Kunyari healthy living at nagpapaka-active lifestyle. Haha. Walang paglagyan ng energy. Ewan ko ba dito kay Aldino, nabo-bored yata masyado kapag walang activity sa loob ng magkasunod na araw. Lahat na yata ng "run" gustong attenan. Masyadong kaladkarin. Kahit saan mo ayain payag, hindi manlang magpakipot kunyari at magpa-pilit manlang. Haha. Hanga ako dito kay Aldine kasi ang galing-galing sa mga kalokohan. Ang daming nalalaman! Ang bilis mag-isip ng mga kwento at alamat. Ang galing mag-segway. At in fairness may potential maging script writer, hehe.

Minsan ko lang 'to nakitang nagalit... at galing umarte ah, effective! Medyo kinabahan din ako kasi nun ko lang sya nakita na ganun. Ehe. (Oh sige na ikaw na artista!)

Kahit na parati mo kong inaasar at nakisali ka pa sa pang-iinis sakin nung thursday!!!!!!! (hmp!) Eh natutuwa naman ako dahil nandyan ka kasama namin. May you continue to be a good friend to everybody and may the Lord be always with you! More girls to come! Ay! Years pala, more years to come. Haha.

HaPpY Birthday Aldino!

Monday, May 24, 2010

Mnemosyne

Kung gano na ko katagal nagtatrabaho eh ganun ko na din katagal kaibigan 'tong si Djem. Hindi ko nalang sasabihin kung ilang taon na sya at sikreto lang din na lagi na nyang iniinda ang pagsakit ng kanyang tuhod pero ang alam ko lang eh 3rd birthday na nya 'to na magkasama kami. Hehe.

Unang salang ko palang sa Pelatis, nandun na si Djem, pero hindi pa kami close nun, ni hindi ko pa nga sya kakilala non at hindi man lang kami nagpapansinan. Kasama kasi sya ng grupo ng mga kontra-bida, yung mga compilers. Sila yung nag-aapprove kung tama o hindi yung ginawa naming mga scorer. Basta ganun. In short, isa syang kalaban. Haha.

Nung pangalawang beses ako mapasok sa Pelatis para naman mag-technical support, magka-team na kami at hindi na sya kontra-bida, kaya naman nagpapansinan na kami, hehe. Mga 1 and a half years din yata kami sa Pelatis until sa hindi maintindihang dahilan eh bigla nalang kami nawalan ng trabaho. Hayyy.

Anyway, after naman nun eh naging mag-housemate kami ni Djem. After kasi sa Pelatis, nakakuha ko ng job order sa Makati kaya kinailangan ko umupa dito sa Manila, at sobrang nakakatuwa naman dahil welcome ako sa tinutuluyan nya.

Batang may hubog daw, haha. Medyo may kaliitan kasi 'tong si Djem pero small but terrible 'yan! Disiplinado sa mga studyante nya. Madaldal din, haha. Pero ok lang yun dahil matakot ka kapag nanahimik na yan. Halatang-halata kapag nagsi-sinungaling kaya nako kapag may ginawa kang kalokohan at kasama mo sya dapat wag sya ang ipang-front mo. Haha. Mabait, sweet, masipag, dedicated, passionate, creative, artist, responsible, diretsa kung magsalita. WYSWYG (What-You-See-is-What-You-Get) na klase ng tao. Matary, ma-puna, ma-pintas, minsan matalas ang dila at minsan ma-reklamo din. Pero nako, magaling maglinis ng bahay, marunong magluto mag-prito at mag-saing haha. Kapag may pinagawa ka sa kanyang trabaho sobrang pag-aaralan talaga nya at sobrang paglalaanan ng pagod at panahon. Hindi ko nga lang masama 'to sa SFC pero siguro in time, hehe. May nakalimutan pa ba 'ko??? Paki-comment nalang kapag meron pa... hehe...

HaPpY Birthday Djem!

Hope ma-achieve mo lahat ng gusto mo sa buhay, maipa-ayos mo na yung bahay nyo sa Bulacan makapag-sarili na kayo ng mga mama mo, bumalik ulit sayo ang magical feelings, at syempre good health, happiness and love. May God bless you more and may His peace be with you olweiz.

*Mnemosyne ang title dahil si Djemnhalie is a.k.a Mnemosyne at hindi ko na matandaan kung bakit. Hehe.

Wednesday, April 7, 2010

Holy Week

Tulad ng maraming pinoy na grdauate na sa mga kalokohan sa skwelahan, inaabangan ko talaga ang Holy Week. Bakit kamo??? Dahil sa mahaaaaaaaaaaaaaaaaba ang bakasyon! Wuhuu! Ito lang kasi yung time para makatakas sa stress ng Manila.

Last Holy Week naki-probinsya ulit ako kila Lorie sa Lobo Batangas kasama si Mark. Last yir dun din ako nag-semana santa kasama naman sila Alex at Monch. Nung una medyo nag-aalangan pa ko sumama kasi magpi-pilgrimage sila mami sa Baguio ng Holy Week kaya walang makakasama mga kapatid ko sa bahay, pero sa huli di naman sila natuloy kaya ayun nakasama ko kila Bebe. Unang plan Saturday kami uuwi kasi birthday ni Dugal ng Sunday, baka umuwi sya ng Isabela at my reunion din kasi sila nung linggo na yun, eh ewan ko ba biglang nabago na naman ang ikot ng mundo kaya biglang Sunday nalang kami nauwi.


Unlike before, tanghali ng myerkules santo kami lumuwas papuntang Batangas. Kainitan. Pero kagaya ng dati, nasiraan din yung sasakyan na sinasakyan namin. At grabe! nasa Bicutan palang kami non! Nak ng! Kaya ayun nagtulak kami hanggang sa SM Bicutan. (Imaginin mo nagtutulak ako ng Van sa SLEX!, hehe) Pero it's a blessing in disguise kasi nakapaghulog ako sa BDO. Kelangan ko kasi talaga maghulog nun sa bangko para kila mami, eh naubusan na ko ng time nung umaga dahil may pasok pa ko sa opisina, tapos wala din namang BDO sa bayan sa Lobo. (anu bang klase??) Haha. Actually, that's what I love about this town. Kumbaga, sobrang probinsyang-probinsya yung dating. Simple lang. Tapos nag-carousel pa kami nila Bebe sabay sumakay sa mga animals na umaandar. Medyo nakakahiya pero pinagbigyan na namin ang batang si Bebe, baka maglupasay pa dun mas lalong nakakahiya. Pero ok lang masaya naman pala. (Haha, kunyare pa!)


This time, nagkaron kami ng pagkakataon na makapunta dun sa mga lugar na gusto naming puntahan na hindi namin narating last yir. Syempre sino pa ba ang pasimuno??? Eh di si Bebe the bibe! Narating namin yung dulo sa dulo ng Lobo. Sa Eastern part is yung Parola ng Malabrigo at sa Western part naman eh yung MonteMaria na project ni Fr. Suarez. At syempre, mawawala ba naman ang dagat??? Nakakatuwa kasi ang linis nung dagat na napuntahan namin. Dati kasi mabuhangin tsaka ang daming damo sa ilalim, medyo nakakatakot tuloy lumakad-lakad dahil hindi mo ala kung anung nilalang yung nasa mga damo na yun. Haha. Ang weird.



At the end of the day, sobrang naging masaya nung vacation namin. Relaxing at nakakawala talaga ng stress. Isama mo pa ang kakulitan ng mga tao dun. Thanks kay Bebe at sa family nya na sobrang accomodating. 'Till next time.(^^,)


At ayan, pagkauwi namin ng Manila nognog na ko. Haha. Pero ok lang. It's fun!

Monday, March 29, 2010

Ang layo pala ng Ilaya Park

Yesterday has been a long looooonngggg day!

Nakakapagod. Pero hindi ko naman alam kung bakit kami napagod ng husto eh parang dun lang naman kami nagpunta sa mga usual na lugar na pinupuntahan namin sa pang-araw araw naming buhay. Haha.

Ganito kasi ang itinerary:

7:15AM - 8:15AM Simba (Palaspas)
8:15AM -11AM I-experience ang Ferry sa Pasig (habang hinihintay ang binyag at si Mark na rin na mag-eexam pa. At para din hanapin ang bato ni Bea at Loydi, haha.)
11AM - 1PM Aattend ng binyag sa baptist
1PM - 2PM Pupunta kila Ate Gie
2PM - 7PM Pink Sisters' Convent

Oh di ba busyng-busy! Haha. Eh eto na nga, nung bumangon ako kahapon at pagtingin ko sa phone, hala! 8AM na! Hindi ako nagising sa alarm! Tapos my mga text na 'tong si Mark, "Wer n kau?.d2 n me..", "Uy san n kau?.mgsi2mba pba kau?.hala d n ata ngising t0ng mga to..hmMmp..". WaaaahH! Actually narinig ko naman talagang my nagtetext nung umaga pero di ko nalang pinansin kasi di pa nga nag-aalarm yung fone kaya feeling ko naman maagang-maaga pa. Eh kaya naman pala hindi ako nagising sa alarm eh dahil wala naman pala talagang alarm. Yung na-set ko palang alarm nung Saturday night eh pang Mon-Fri lang. Haha, ang T! Tinext ko nalang 'tong si Mark na 7PM nalang kami magsimba, tutal hindi pa rin naman nya kasama si Bebe. Kawawang Mark, ang aga nya sa skul para sa exam. Hehe.

Tulog nalang ulit ako dahil antok pa talaga. Paggising ko ng 10AM, si Bebe naman ang nagtext, punta  na daw ako sa kanila para sabay na kami pumunta sa binyag. Ligpit-Ligo-Bihis-Lakad. Ito namang si Bebe, naka-dalawang misa na pala! (Hindi daw kasi nag-basbas ng palaspas nung unang misa) Hindi daw nya matext si Mark dahil wala na daw palang syang load. Haha.

7:15AM - 11AM schedule, SCRAP!

12PM nagstart yung binyag (sa mga baptist, paghahandog ang term), halos 10mins lang yung ceremony, parang seminar lang yung katumbas sa katoliko. Tapos ayun nakasama na rin namin si Mark sa handaan. Tumagal kami don hanggang 2PM, nakakahiya naman masyado kung mag eat and run kami, ang PG. Haha. Isa pa, hinihintay din naman namin nun si Monching na alas dos na eh nasa Tanay Rizal pa! Hayyy.

1PM - 2PM Pupunta kila Ate Gie, RE-SCHEDULED.

Mga 2:30PM nag-decide nalang kami na sa Paco Park sa Manila nalang kami magpunta via Pasig River Ferry. Atleast matutupad yung isa naming plan na mag-Ferry (hanapin ang bato) at pumunta sa Paco Park (at hanapin sa Lolo Yuri dahil baka makita na rin namin ang soulmate namin, haha).

2PM - 7PM Pink Sisters' Convent, CANCELLED.

Pumunta nalang muna kami sa Kalentong para mamili ng mga paninda nila Bebe for Monday. Mga 3PM nagtext si Monch na nasa Ortigas na sya at naalala kong wala nga palang Ferry kapag Sunday! Nak ng! Dahil don, nag-iba na naman ang plano.

3:30PM - 7PM Paco Park + Ferry, CANCELLED.

Punta nalang kami ng La Mesa Ecopark, pero since halos 4 na yun at baka sarado na kapag nakarating kami, plano nalang naming magsimba sa Antipolo. Mga 4PM nakarating na rin kami sa canteen nila Bebe, then nagtext tong si Monch na baka hindi rin daw kami umabot sa Antipolo dahil hapon na, maraming tao at siguradong traffic. So ano pa ba???

7PM Antipolo, CANCELLED.

Nag-isip nalang kami nila Bebe kung san malapit pumunta na walang gastos. Intramuros? (ok lang di pa ko napupunta don). CCP? (ikaw lang masisiyahan Bebe dahil sa bike mo). Luneta? (mag-Museong Pambata ka nalang Be tapos hihintayin ka nalang namin ni Mark sa labas, haha). Manila Zoo? (huh???). MOA? (Magastos, wag na). Megamall? (Dapat nga walang gastos!). Sa galleria bili ng Belgian Burger? (ok lang, pero hindi exciting). Kila Luriel? (Malayo). Kila Ate Rak? (eh di sana umuwi nalang ako). Barasoain? (Normal nalang saking pangitain yon!).

Dahil sa wala talaga kaming maisip, bigla nalang nasabi ni Lorie, "Eh kung mag MRT nalang tayo dulo sa dulo? tapos LRT!". Hindi ko alam kung ano ba nasinghot nitong si Bebe para maisip nya yung bagay na yon. Medyo nablangko muna yung reaksyon namin ni Mark bago kami natawa ng sobra dahil sa adik na suggestion ni Bebe.

Then naisip namin magsimba nalang sa di pa namin nasisimbahan. Binondo? (gabi na, pati maliit lang don). Quiapo? (Delikado). Manila Cathedral? (ayun sige!). Kaso si Mark parang ayaw. Hmp. Sabagay, sana kanina pa, gabi na namna kasi kaya hindi rin namin ma-eenjoy yung view. Hindi naglaon napagod na rin kami mag-isip, at alam nyo ba kung san kami nakarating??? Bumili kami ng mais at dun namin kinain sa park sa Ilaya facing Pasig river. Sa tinagal-tagal ng pag-iisip namin, dun lang din pala kami babagsak. 6PM na kami nagsimba, san pa ba eh di sa normal na sinisimbahan namin ni Mark every Sunday, sa San Roque. Hehe, Manila-Manila Cathedral pa ah, walang tatalo kay Father Andy!

After ng simba, pupunta sana kami kila Ate Gie dahil nga di kami nakapunta nung 1PM, ang kaso naiba na naman. May pasok yata sya, kaya ayun dun nalang din kami kumain ng hapunan sa Barangka. Pero atleast natupad na rin yung isang pangarap ni Bebe na makakain sa Satur. Hehe.

10PM na ko nakauwe at hindi ko alam kung bakit daig ko pa ang nag-construction worker nung araw na yun sa sobrang pagod. Sa dinami-dami ng gusto naming puntahan eh ni isa wala kaming narating. Mas mabuti pa talaga ang biglaang lakad natutuloy. Ang planado hindi. Haha. (^^,)

Monday, January 11, 2010

Wedding Motif: Green

Una sa lahat, gusto ko munag i-congratz ang aking parang kapatid na na si Cecil dahil status:Married na sya! Wuhuu! Congrats Ces!

(Sorry blurred yung pix)

Nung una nyang sinabi sakin na ikakasal na sya, di talaga ko naniniwala makapaniwala. Pa'no naman ang alam ko...hmmm sabihin nalang natin na nasa I-NEED-SPACE status sya. Tapos bibiglain nya ko na ikakasal na pala sya! Ito namang si Cecil masyado kong pine-pressure, nagpakasal kaagad. So feeling ko naman naiiwanan na ko. Haha.

Tapos ayun, abay daw ako at wala na kong choice. Hehe. Syempre gusto ko naman. Unang-una, first of all. Pangalawa, secondly. Haha. Kasi syempre parang kapatid ko na nga sya, tsaka, palalagpasin ko ba naman ang isa sa pinaka-importanteng araw sa buhay nya? Syempre hindi.

Hmmm, sinabi nya sakin yun bago ko mag-berday last year. Sabi nya lang basta January daw ang kasal. Tapos, nitong linggo, nagtext sakin yung isa naming classmate nung college, si Cynthia. Sabi nya punta daw kami sa kasal ni Cecil sa 10. Waaaaaattt!!!?? 10 na ba yun??? Ni sa hinagap ng aking kautakan eh wala manlang akong clue na 10 na pala ang kasal! Hay nako hindi manlang ako nakapag-handa. Ito talagang si Cecil gustong-gusto kong nagugulo. Haha.

At ayun, umuwi nako ng Bulacan last saturday right after namin umattend sa CFC Conference, then kinabukasan na yung kasal. Hmmm, sakto lang nung dumating ako sa simbahan dahil pumipila na yung entourage mga abay. (muntikan nang ma-late) Pagka-baba ko sa napaka-elegante naming sasakyan na tricycle, nakita ko agad si Ces sa loob ng kotse. Sinenyasan ko sya kung kinakabahan sya, at ayun, hindi maka-imik, mukang kabang-kaba nga! Hehe.

Itong si Cecil talaga napaka-iyakin! Habang lumalakad sya papuntang altar hindi talaga mapigilan yung emosyon. Siguro nga iba talaga yung feeling na moment na ikakasal ka na. At maiintindihan ko lang talaga siguro yun kapag kinasal na ko. Kelan kaya? Hehe. Anyway, bago pa ko ma-pressure, ayun nga sobrang nakakatuwa na panuorin si Cecil habang kinakasal. May mga moment na hindi pa rin talaga ko makapaniwala na si Cecil na talaga yung kinakasal. May mga moment din na parang medyo nalulungkot ako. Kasi syempre, kasal na sya. May partner na. Kaya medyo mahahati na yung oras nya sa lahat ng bagay. Minsan nalang namin sya makakasama. At ayun, syempre nakaramdam din ako ng selos dun sa lalaki. Haha. Normal naman siguro yun noh! Syempre sa kanya na si Cecil. Alam mo yun. Selos ako Ces! Ehe.

Hope maging strong, healthy at happy ang family na bubuuin nyong dalawa. I'm really happy for you. And may your relationship grow in God's love. I love you Ces! (^^,)

Thursday, December 31, 2009

Manilyn Castaneda

Un oh! Apee berday Lhen! Ayan ah, Lhen nalang hindi na Manilyn (sa title naman manilyn). Hehe.

Classmate ko to nung college sa Malolos. At gaya ng maraming friends ko ngayon, naging close ko lang 'to after na naming gumraduate. Ang labo. Hehe. Hindi kami close nung mga panahong nag-aaral pa kami. Ewan ko ba, siguro wala lang pagkakataon. Pati iba ang circle of friends naming dalawa nun. Ang pinaka-naaalala ko dito kay Lhen eh mahilig makipag-talastasan sa mga prof namin (Active na active sa lecture). Lalo na nung may batang pulubi na nanghihingi sa kanya. Wala syang kasama nun at parang na-corner sya nung bata na namamalimos. Di nya binigyan yung bata tas pilit nyang pinapa-alis, eh tapos parang badtrip pa si Lhen nun, kaya parang naka-sibangot pa sya. At siguro nagsawa na rin yung bata kaya tumigil na sya, pero dun ako nagulat at medyo natawa natawa ng sobra nung hindi nagpatalo yung bata. Hinawakan nung bata yung puting-puting uniform ni Lhen at hinilamos sa limahid nyang mukha. San ka pa! Haha. Loko-lokong bata yun, hindi papayag na hindi mu sya bibigyan. At yun, ang kawawang Lhen lalong nainis. Hindi ko na alam ang sumunod na tagpo...ehe.

As of now, kapatid ko na rin to sa SFC community. And I'm happy for her. I hope magtagal kami sa community at s pagse-serve.


HaPpY Birthday Lhen!

Monday, November 23, 2009

That's my boy!

It's birthday again! Talaga naman, ang daming nagbe-birthday kapag patapos na ang taon and this time it's Kua Leo's! Who's Kua Leo?

Hmmm, nakilala ko si Kua Leo through SFC(Singles For Christ) Community. Nung time na yun isa pa sya sa di ko pa masyadong napapansin kasi iba ang hawak nyang participants, ang mga kakilala ko lang syempre eh yung mga madalas kumausap sakin. First impression ko kay kua Leo, parang suplado. Kasi nga di nya ko pinapansin napapansin. Haha.

Habang tumatagal syempre mas lalo kong nakikilala si kua Leo. Hindi naman pala sya suplado. In fact, may sapi din pala to, may topak din kagaya namin. Haha. Sa totoo lang, tumaas ang repect ko dito kay kua Leo nung mga panahong nakikilala ko na sya, kasi sobrang dedicated sya sa pagse-serve sa community(He is already 7 years in the community) and he never complain. Pati basta nakakatuwa sya, hindi ka maiilang sa kanya. Mabait, matalino, masipag, masarap kasama, maraming napapansin, magaling makaramdam, songer, mahilig mang-asar, kengkoy, thoughtful... other side naman, hmmm... (nahirapan? haha) Meron bang bad side si Kua Leo??? Siguro dahil sa hindi pa talaga kami ganun nagkakakilala ng lubusan, wala pa kong nakikitang bad side, well tingnan natin...hehe..


HaPpY Birthday Kuya Leo!

(That's my boy ang title dahil muka syang kasali lang sa "That's My Boy" dun sa favorite nyang picture nya 
na wallpaper nya sa phone at primary picture nya sa facebook, hehe)

Thursday, November 5, 2009

Banidoso

Birthday po ulet!, this time its Alex's.

Sino ba si Alex??? Tulad ni Lorie at Monch, nakilala ko si Alex sa Pelatis. Nung una, ilag ako dito, kasi naman sobrang misteryoso ng dating, ang arte! Haha. Hindi nya kasi masyadong kinakausap 'yung mga 'di nya ka-close (tulad ko), ang kakilala lang nya eh 'yung mga ka-close nya kaya ayun. Tapos ang napansin ko pa dito kay Alex laging bulong ng bulong sa mga kaibigan nya, feeling ko tuloy laging may issue. Ewan ko ba, basta parang laging may nalalaman syang showbiz chikka. Haha. Isa pang naalala ko kay Alex nung hindi pa kami ganung ka-close eh nung naka-sama ko sya sa isang project. Tapos ang bilis nyang nagawa yung binigay kong task sa kanya (Integrator kasi ko dati sa AOR, eh kinailangan namin ng tulong kaya kasama si Alex sa backup), napahanga tuloy nya talaga ko nun(magaling! magaling!). Mabilis! Hehe.

I can say na medyo nakilala ko si Alex nung nagresign na ang halos lahat ng naka-close nya sa Pelatis. Syempre, alangan namang 'di pa nya ko masyadong pansinin eh apat nalang kaming natira don. Hehe. Ilang months din kami nagkasama ng ganun lang kami kadami kakonti, kaya ayun medyo naging kampante na 'yung loob ko sa kanya hanggang sa ayun nga, nagsara na 'yung company. 'Di din naman nagtagal after namin mawala sa Pelatis, lagi na ulit kami nagkikita ni Alex. Una, dahil kila Lorie at pangalawa, dahil sa SFC(Singles For Christ).

Si Alex na ata ang pinaka-badingdoso banidosong nakilala ko sa tanang buhay ko. Haha. Hay nako, natural nalang sa kanya ang pagiging maarte. Ayaw nya ng mainit, mga mumurahin, at ayaw nyang nagpapagupit sa tig-P40 na pagupitan. Ang nakakatuwa kay Alex, halos kabisado nya ang mga malls malapit sa mandaluyong, lahat ng puntahan, lahat ng simbahan, skwelahan, palengke, talipapa, sementeryo, PUJ at TODA, kaya kapag may hindi ako alam na lugar o kung may pupuntahan ako si Alex talaga ang tanungan ko, in short para syang Google map ng mandaluyong. Ano pa ba? medyo generous naman din to kapag mapera, madaldal, matanong, mahilig maki-usyoso, matalino kaso tamad lang. Haha.


 HaPpY Birthday Alex!

 One more thing, mahilig din pala to magpa-picture. Haha.

Monday, October 26, 2009

Bebe the Bibe

Birthday ni Lorie last friday (October 23) and 1st time ko maki-celebrate sa kanya. Bakit nga ba 1st time pa lang??? Hmmm... mahabang istorya kaya 'wag mo na 'kong piliting ikwento. Pero sige na nga eto na, (haha, adik) dati kasi, hindi kami close.

Nakilala ko si Lorie sa Pelatis (dati naming opisina sa Ortigas), nauna lang ako dun ng ilang weeks sa kanila. Crush ko yung mata nya non(noon lang???) hehe. Taz una ko silang (ni Sheila) nakasama nung kinuha namin yung ATM namin sa Equitable(BDO) sa Madison. Sikip na sikip pa nga kami sa tricycle kasi pinagkasya talaga namin ang mga sarili namin sa isang tricycle lang. Alam mo na, kuripot eh. Oh 'di ba napaka-meaningful ng una naming pagsasama. 'Di nagtagal, ayun 'di pa rin kami ganung ka-close. Toink! 'Di ko rin masyadong naka-trabaho si Lorie pagdating sa mga projects. Pang-matalino kasi yung sa kanila, Flex, ako php lang. Tapos ayun, dumating din naman yung time na nakasama ko siya, pero 'di naman nagtagal 'yun, basta mahabang istorya na naman, hanggang sa dumating na rin 'yung time na nag-resign na sila dahil sa -tootooot-.

Naging close kami ni Lorie kung kelan hindi ko na s'ya ka-officemate. Ang labo 'di ba! Nung mag-start akong magtrabaho sa Makati, ilang weeks din bago ko nalaman na magkakalapit lang pala kami ng ofis kaya ayun, nagsasabay-sabay kami maglunch minsan hanggang sa naging regular na. Madalas sa Ministop sa Columns kami nagla-lunch, kasi dun malapit yung ofis ni Lorie, kami naman ni Monch bumibili sa Jolly jeep (para s'yang karinderya, marami n'yan sa Makati, makikita mo sa sulok-sulok) kasi mura at dinadala nalang namin dun. Ilang months ding ganun ang setup namin, kwentuhan buong lunch break, hanggang sa lumipat na si Lorie ng ofis (how sad).

Si Lorie din ang nag-invite sa'kin sumali sa SFC(Singles For Christ) nagbigay sa'kin ng phone (businesswoman 'to kung 'di n'yo naitatanong) at ng mga sidelines at nagsama sa'kin sa Batangas(wuhuu!). Haha. Ayun, mabait s'yang "bata" mala-Dora ba! Hehe. Hmmmm, ano nga ba si Lorie?

Si Lorie, mas kilala sa kanila na "Bebe" (muka daw kasing bibe, Ay! hindi pala, joke lang pala 'yon!) wala, ewan ko ba kung bakit. (Bakit nga ba 'bebe' Lorie??) Sweet, matalino, mabait na ate, mahilig super-duper mega-over ADIK kay Sarah Geronimo('wag ka lang magkakamaling magsalita ng 'di maganda tungkol kay Sarah dahil aawayin ka n'yan!), boses ipis ma-cute ang boses, magaling kumanta, mahilig magluto, mahilig din kay Dora at Sakura, tsaka makulit din at CERTIFIED businesswoman! Kung naghahanap kayo ng uupahang bahay, kelangan nyo ng supplier ng hardware (mga bubong, insulator atbp.), kelangan n'yo ng mauutangan, kukuha kayo ng kumot o monoblock chairs, magpapaluto sa handaan, magpapagawa ng website, kukuha ng pahulugan, magrerenta ng truck at kung ano-ano pang pwede n'yong maisip na business eh eto na ang hinahanap n'yo! (Ayos ba bebe?) Hmmm, sa kabilang banda, medyo sensitive, minsan moody, kapag nainis yan sa'yo silent treatment ka, drakula din to minsan umaga na kung matulog(tsk, tsk). Ayun, nakaka-dami na 'ko baka tamaan na'ko kay Lorie n'yan. Hehe.


HaPpY Birthday Lorie!

(Bakit "Bebe the Bibe"??? Mahilig kasi 'yan sa bibe... bakit kaya??? hmmmm...basta! Masama ba? Ako nga mahilig sa kambing eh!)

Monday, October 19, 2009

Manong para!

Naranasan mo na ba minsan ang mahirapang pumara sa jip o sa bus? Siguro lahat naman tayo naranasan na 'yung lumagpas sa bababaan dahil sa tulin magpatakbo ni manong, o di naman kaya eh dahil sa lakas ng sounds n'ya na parang may party na sa loob ng sasakyan, o kaya eh dahil lang talaga sa ang lalakas magsipag-daldalan ng mga kasama mong pasahero. May mga pagkakataon din na kapag pumara ka eh halos boses ipis ka na sa hina ng boses dahil sa matagal kang 'di nagsasalita sa haba ng biyahe. Pwede din naman na bingi lang talaga si manong driver. Normal lang ang mga pagkakataon na ganyan para sa'kin, pero ang mahirapang pumara sa tricycle...(huh?) ibang usapan na 'yan. Halos katabi mo na nga lang si manong sa tricycle mahihirapan ka pang pumara??

Last Friday may fellowship kami ng mga brothers ko sa SFC(Singles For Christ). 7pm kita-kits sa Pioneer. After office(6pm) 'di muna ko tumuloy dun, umuwe muna ko samin para sana kumain at mag-ayos ng gamit, pero 'di pa ko nakakababa ng bus eh nag-text na agad 'tong si Mark na pumunta na ko sa kanila para sabay na kami(ano ba 'yan!)...fast forward... Pagdating sa bahay, binaba ko lang ang gamit ko sabay alis para sumabay nalang nga ako kay Mark dahil unang-una ayoko namang magpunta 'dun mag-isa at 'di ko alam 'yung lugar na pupuntahan namin.

ako: Ano sasakyan natin?
Mark: Sogo para deretso na.
ako: (kampante)

Pagsakay sa jip...

Mark: San na daw ba sila?
ako: Andun na daw. (saan nga eh!)
Mark: San don?
ako: Sa -tootooot-. (secret, hehe)
Mark: Sino-sino na sila 'don?
ako: Ewan ko, si Aldine lang ang kausap ko eh.

Jip. Pasok sa tunnel, labas, robinsons, metro, madisons square... Si Mark lilingap-lingap...

ako: Alam mo ba kung san 'yon?
Mark: Alam ko dito lang 'yun eh. (waaaaatt?!?!)
ako: Huh? akala ko alam mo?
Mark: Alam ko 'yon, kaso 'di ko lang makita.
ako: (taranta na) Hala 'wag ka ngang magloko, 'di ako naniniwala.
Mark: Haha, pwede naman tayo maglakad eh.
ako: (blanko muka...ano pa kayang say-say na sumakay kami at maglalakad lang din???) Ano? 'san tayo bababa???
Mark: Tara dito na.

Pagbaba..............Robinsons pioneer 'din pala bagsak namin. Haiiiiii. Ok sige move on. Tumawag na lang ulit ako kay Aldine para naman masigurado ko na kung pano nga ba talaga kami pupunta sa -tootooot-. Sabi nya sakay nalang kami ng tricycle sa pioneer at sabihin namin na ibaba kami sa -tootooot-. Ok. Kinausap nalang ni Mark si kuyang driver na ibaba kami sa -tootooot- at sumakay na kami sa tricycle n'ya. Nakaktuwa 'yung mga tricycle dun dahil talikuran 'yung sidecar nila. Bale anim na katao ang pwedeng maka-sakay(4 sa sidecar, 2 sa likod ng driver). 'Dun kami sa likuran ng sidecar naupo ni Mark. Nakakatawang experience talaga. Para lang kaming naka-sakay sa ferris wheel sa peryaan. Haha. 'Taz basta kakaiba. Dahil traffic sa pioneer, halos naka-dikit na sa tuhod naming dalawa 'yung mga nguso ng mga sasakyan na kasunod ng tricycle na sinasakyan namin. Pati para kaming naka-spot light dahil sa mga headlights nung mga sasakyan na 'yun na nakatutok saming dalawa. Hai, grabe, walang maitago. Haha.

Mark: Si jd kapit na kapit. Haha.
ako: Eh syempre kung mahulog ako dito?! (tawa ng tawa)

'Di nagtagal, nakita ko na 'yung lugar na pupuntahan namin(ahmm, nakita ko lang 'yung signage).

ako: Uy Mark dito na ba??
Mark: Ewan ko.
ako: Sabi ni Aldine 'di ba -tootooot- daw? 'yun un 'di ba?? (turo sa signange)
Mark: Ewan ko. (Walang kwenta)
ako: Pumara ka na!
Mark: (Ngiti lang sakin na parang ewan)

Dahil 'don nataranta na ko dahil palayo na kami sa lugar na pupuntahan namin. Pagtingin ko sa driver, hindi ko siya makita dahil nahaharangan ako ng 2 naka-sakay sa harap ng sidecar. Hala!, pano ko papara??? Sa katarantahan ko, nautusan ko pa si ate na nakasakay sa harap, "Ate pa-para naman." (Wow Close???) Pero 'di n'ya ko pinansin. (Grrrrrr) Dahil 'don wla na 'kong choice kundi sumigaw...

ako: Manong para! (walang nangyari)...
ako: Para! Para! (asa ka pa!)
ako: Kuya dito na lang! (wala!, as in walang say-say)

Dahil nga sa walang say-say ang pag-para ng pa-sigaw at mukang 'di manlang nakaka-halata ang mga pasahero sa harap ng sidecar na nasa likod namin, pinilit ko nalang isingit ang braso ko sa masikip na gilid ng tricycle sa loob ng sidecar para lang mahablot makalabit ang braso ni kuya at ng mapansin manlang kami. At 'yun!, successful! Haizt. Nun ko lang naranasang mahirapang pumara sa tricycle. Grabe! Akala ko masayang sumakay sa likod ng sidecar. Pahirap pala pumara dun(Ayan ka!, enjoy na enjoy ka pa ah!) Haha. So ayun, buti nalang tumigil na si kuya sa at naibaba na kami. Sa huli, naglakad pa din kami ni Mark.

Saturday, September 19, 2009

Ms. Glamorous

Ayun oh! Berday na naman. Patanda na ng patanda. Haha. Pero ok lang, 'di naman halata. (bumawe, hehe) Well, ayun nga, berday na ulit ni Monch, ilang taon ka na nga ba??? (wala na mang bastusan!) Ai ou nga pla, sabi mu dapat 'di na tinatanung ung age ng mga...u know. (yabang!, haha)

Pano nga ba kami nagkakilala nitong si Monch na taga-Rizal at Laguna?? (MMK??) Nagkasama kami sa dati naming company(Pelatis BPO) sa Ortigas at 'yun, naging officemate kame. Nakaktuwa kasi siya 'yung unang-una bumati samin ni Ate Rachel nung time na nagte-training palang kami for TSR. Nung una medyo 'di pa kami ganung ka-close, pero nakakasama-sama ko na naman din sila.(Lorie, Luvz, Alex at Rob *sila kasi madalas na magkakasama before, basta!, mahabang istorya*) Pero kahit ganun, natutuwa ako sa kanya kasi sobrang thoughful n'ya sa 'kin. Basta, lagi n'ya kong inaayang kumain, kinakamusta, inaaya maglakwatsa, tapos madalas tinitiran nya ko ng fud o kya binibigyan ng kung anu-anu. Hehe. Walang malisya 'yun ah, sweet lang talaga s'ya. And it was all been appreciated. Then 'di nagtagal, nag-rersign silang isa-isa dahil sa hmmmm... basta, confidential. Haha. Tapos ayun hanggang sa 'di na kami nagkikita.

Ilang months after nila mag-resign, kaming mga natira naman 'yung napunta sa alanganin. Magsasara na 'yung company na pinapasukan namin, kaya ayun, we have to look for another company na papasukan at swerte naman dahil 'di ako nabakante. Friday, last day namin sa Pelatis then monday after that may trabaho na 'let ako.(Yipee!, God is so Good!) Ilang weeks din ako sa Makati when I realized na magkakalapit lang pala kami ng office nila Lorie and Monch. Nung una, nagkaka-ayaan lang kami mag-lunch hanggang sa naging regular na. At dahil dun, unti-unti akong naging close sa kanila. Hanggang ayun nga, dumating na rin 'tong SFC(Singles For Christ) and wake up one morning na "yes, we're close friend".

Hmmm, sa una siguro maiinis kayo kay Monch. Kahit ako naman nung una parang nailag sa kanya kasi deretsahan s'yang magsalita pati mataray. Pero pag naman nakilala n'yo na s'ya, maiiba na yung pagkilala 'nyo sa kanya. May mga time din na naiinis ako sa kanya, pero normal lang naman 'yun. Hindi ka maliligaw sa kanya kasi sinasabi n'ya mga napapansin n'ya. (pwera lang sa lugar, dahil short memory 'tong si monch pagdating sa pag-kabisa ng lugar, haha) Mahilig tumawa, pasensyosa (huh???, kabaliktaran, haha), medyo emo (gaya ng maraming SFC, hehe), madaling magsawa, reklamador din, thoughtful, compassionate, malakas boses, active, maraming napapansin, matalino (programmer 'yan noh!) at CERTIFIED adik sa facebook! haha. May nakalimutan pa ba ko??? Basta, dagdagan nyo nalang sa comment. Hehe.

HaPpY Birthday Monch!
(ayan ah, yung magandang picture ang kinuha ko, baka magreklamo ka eh! haha)



*Kaya pala glamorous ang title nito eh dahil ayun 'yung pinerform n'ya nung graduation(Lord's Day) namin nung SFC. Hehe, wla naalala ko lang.

Wednesday, September 16, 2009

Kwento Lang

--Umaga--

P50 nalang ang laman ng wallet ko, at inutang ko pa un kay Lota (housemate friend *buti nlng andyan si lota, hehe) dahel walang-wala na kong pera sa mga panahong malapit na ang sweldo(kawawa naman), haha. 'Di na ko bumili ng breakfast sa 7-eleven sa boni na madalas kong binibilan pag umaga dahel gusto ko munang ma-sure na my sweldo na kame bago ko gastusin ung last money ko, kaya ayun, ang ginawa ko eh pumasok muna ko sa office tapos nag-check ng atm at pag-check ko, charaaannn!!! MAY SWELDO NA! wuhuu, makakakain na ko. (haha, poor!)

Bumili lang ako ng hotdog sandwich sa 7-eleven sa harap ng building namen para sa breakfast ko. Tapos di nagatagal, lunch n pala! (di nagtagal dahil as usual, late akong pumasok kya sandali lang ang nilalagi ko sa ofis twing umaga *kunyare pang nagulat 2ng si jd eh lagi naman syang late!* haha)


--Lunch--

Madalas kong kasabay si Monch(office mate before and turned to be a close friend) mag-lunch dito sa makati dahil mgkalapit lang kame ng ofis. Aun nga, kahapon, nagpataan muna ko sa time bago ko bumaba para mag-lunch(kase naman 'tong si monch lagi akong pinag-hihintay pag maaga kong naka-baba). Nung mga 11:50 na, nun palang ako lumabas ng ofis para bumababa for lunch, not knowing na tatlo pala ang sira sa apat lang na elevator ng building!!! hay nako napaka-hirap bumaba! Hanggan 15 floor lang ang Globe telepark dito sa makati, pang 9th floor ako, kaya kapag pababa na ung nag-iisang umaandar na elevator eh punong-puno na! Hai nako talaga! Inabot din ako ng mga 20mins sa paghihintay ng elevator hanggang sa naisipan kong mag-round trip nalang para ma-sure na makaka-baba na ko. So aun nga nagtagumpay naman ako sa pagbaba. (Congratulations!!!)

Dahil sa late na 'kong naka-baba, naubusan kame ng pagkain sa kinakainan namin sa Cityland. (Wawa, haha) Kaya naisip namin na sa GT Tower nalang kumain.

Monch: Antagal-tagal mo naman!
Ako: Eh kasi sira ung elevator eh.
(Pumunta sa kainan sa Country Style sabay sabi ng tindera, "wala ng kanin!")
Ako at Monch: (napatigil at na-blanko ang muka)
Monch: Ayan, san tayo kakain?
Ako: Sa GT nalang.
(Lumabas na ng building papuntang GT)
Monch: Sa GT pa tayo kakakin eh wala nga akong pera! (*kunyari pa pero sumusunod din naman sa paglakad)
(hindi galit si monch, ganyan lang talaga sya magsalita, parang laging naiinis, kaya masanay na kayo kapag nagkukwento ko tungkol sa kanya, haha *Peace Monch!*)
Ako: (Sige lang sa paglalakad at parang walang narinig purket bagong sweldo, haha)


Habang papuntang GT, naalala kong wala akong dalang tumbler, (mahal pa kase 'pag dun bimili ng drinks, gagatos ka ng mga P100, mahal na yun sakin at 'wag ka nang magulat, haha)

Ako: Hala 'di ko pala dala ung tumbler ko!
Monch: (tingin lang na parang ewan, haha)
Ako: Sa tokyo-tokyo nalang tayo kumain, ganun din naman gagastusin natin pag sa GT.
Monch: Hay nako anung oras na, mawawalan na ko ng trabaho. Sige ok lang bahala sila(mga boss nya) dahil naiinis nila ko.
(ganyan talaga si monch, magrereklamo sa una pero biglang papayag din sa huli, haha)


kaya imbis na sa GT sa Tokyo-Tokyo nalang kame kumain, ganun din kase magagastos sa GT dahil wala nga kameng dalang inuminan (mga kuripot!, haha). Ayun, final answer na, Tokyo-Tokyo nalang talaga. Hehe.

Pagdating sa tokyo-tokyo: ang haba ng pila!!! Pero tumuloy na rin kami, kesa naman bumalik pa kami. So, pumila kami, umorder at... binigyan kami ng number. NUMBER???!!! so maghihintay pa kame para makakain???!!! *petience, patience* Humanap nalang kami ng upuan at nagkwentuhan. --30minutes later-- Inaaliw na lang namin ang isa't-isa para kumalma. (Bakit ba antagal ng service dito???!!!) Haiii, tatllong crew na nila ang pinag-follow-up namin ng order, ay hnde!, lima na ata, pero antagal pa din! Anu ba yan! Pagdating ng order namin...

Monch: Ay, parang ang konti ng kanin.
Ako: O-order pa ba ko?
Monch: Ou, eh kakasya ba satin 'yan eh construction worker ka kung kumain.
Ako: (wala ng nasabi, umorder nalang) 1 extra-rice.
Monch: Isa lang? dalawahin mo na!
Ako: Aun, dalawa na daw ('di makapalag, haha) Magkanu ba rice?
Crew: Five pesos po.
Ako: (shocked) Five lang?! (kelan lang libre pa ang rice dito)


Di nagtagal, halos maubos na ulam namin, pero ung rice... ung rice... andameng rice! Haha, hindi pala namin kayang ubusin, ang dami-dami. Na-takaw tingin lang kami dahil sa sobrang tagal ng pinaghintay namin. (hay, kasi ba naman!) Ayun, nasayang lang ung mga 2 cups pa yun. Parang katumbas nung extra rice na inorder ko yung 'di nakain.

Ako: Ui kumain ka pa!
Monch: Anu b?! 'Di na nga ako nahinga dito sa sobrang busog eh!
Ako: Ayan ka, umorder-order pa tayo ng extra rice. Haha.


Kaya ayun, hanggang hapon meryenda na yung kinain namin. Hehe.


--Gabi--

May CLP(Christian Life Program) ulit kami kaya maaga kong umuwe(lagi naman akong maaga umalis ng ofis, anung bago?), pati may isasama kong kaibigan, si Lhen(classmate nung college sa bulacan), dahil gusto daw nyang maging SFC(Singles For Christ). So ayun, I'm more than willing na isama sya.

Mga 7pm, dun kami nagkita sa Mcdo Boni, after nun dumeretso kami sa apartment para naman sunduin si Djem na hindi pa pala nagbibihis. (hay nako!, haha) Pero ok lang kasi ako din naman magpapalit pa. Kaya yun mga 7:30 na rin kami nakaalis ng bahay. Buti nalang hindi kami na-late, hmmm, actually parang maaga pa nga kasi medyo matagal din naghintay sila bago mag-start ung Talk 1. Kahapon, ayun nag-serve ako as music min sa CLP. Natuwa ako kasi parang bumalik sa 'kin ung time na ako yung participant ng CLP. Pero mas natuwa ako nung nakita ko sila Djem na nag-she-share na rin sa groups nila after ng talk. Hehe. God is really working in a way we would never understand.

After ng CLP, I felt happy. Nakakatuwa kasi nasama ko sila sa CLP, lalo na si Djem. Nung tinatanong ko kasi sya dati parang ayaw pa nya. Eh si Lhen walang problema kasi Go na Go sya. Hehe. Isa pa, atleast 'di na ko masyadong mag-aalala sa kanila na baka wala silang makausap dahil bago palang sila, dahil ayun nga sila na yung parang laging magkakausap kapag may talk. Ayun, sana kahit malayo at gabi na, sana regular silang maka-attend, syempre gusto ko din talaga silang maging part ng community ng SFC. Masaya kaya! and at the same time nakakapag-serve ka pa kay God.


Ayan ang haba na ng blog ko. Haha, andami kasing nangyari kahapon. Pati ang saya-saya. Next time ulit. (^^,)