Habang nakasakay kami sa jeep papuntang Antipolo at dinarama ang kalagkitan at kainitan ng hangin sa syudad ng Pasig, bigla nalang nag-aya itong si Djem na magpunta daw kami sa Taytay Falls bago magpasukan sa June. Medyo na-excite naman ako pero sa loob loob ko hindi naman yun matutuloy. Ahaha. Kaya ayun umoo nalang ako para naman hindi masyadong sumama ang loob nitong si Djem. Hehe. 'Di na kasi bago sakin yung idea na yun. Dati pa din kasi namin pinaplano na magpunta dun nila Monch, at ayun, ni hinagap ng Taytay Falls eh hindi manlang namin naramdaman.
Pero dahil gusto ko din naman talagang pumunta don at medyo tag-araw pa naman (last week), nag-set na kami ng sked kung kelan kami pwede at nilatag na rin lahat ng kelangan. Actually, wala nga palang kailangan. Haha. Damit at pera lang. May bahay kasi sila Monch dun, (alam nyo naman 'tong si Monch kalat sa buong bansa ang pamilya) kaya hindi na namin problema ang tutuluyan.
4PM ng Saturday kami umalis ng Manila at gabi na kami nakarating sa bahay nila sa Sta. Cruz, Laguna. Grabe, akala ko matagal na ang 2hrs na byahe yun pala 2:30 to 4hrs! Ang layo pala! Si Monch kasi parang libangan ang pag-uwi don dati kaya ang akala ko tuloy sandali lang ang byahe. Anyway, pinlano namin na dun na nga lang kila Monch matulog ng Saturday night para Sunday ng umaga kami pupunta ng Majayjay.
6AM wake up time at syempre 6:30 ako nagising. Haha. (Sori naman, maaga pa nga yon eh!) Ayun, hindi na rin naman ako naligo dahil yun din naman ang gagawin namin sa Majayjay kaya kung maliligo pa ko at maliligo din ako sa Majayjay eh redundant na masyado! Haha. Hindi ako nagdadahilan, ganun talaga yon. (Bakit ba ko nagpapaliwanag???) Sumakay kami ng tricycle papuntang bayan then jeep papauntang Majayjay then jeep ulit papuntang Taytay. Nabilang nyo ba?? Hehe, basta tatlong sakay lang yon.
Pagdating sa Taytay, ibaba kayo mismo sa Baranggay Hall. Tapos dun, magpaparegister at magbabayad ng P20 para daw sa pondo ng maintenance ng lugar. Ok lang naman, sa maliit na halaga nkapag-nature trippings ka na, nakapag-swimming ka na, nakatulong ka pa sa pag-aayos nung lugar. (Sana lang sa pag-aayos talaga napupunta yan ah) Galing sa baranggay hall medyo maglalakad pa ng mga 1 kilometro papunta sa mismong falls. Sa paglalakad palang matutuwa ka na dahil sa dami ng makikita sa bundok. (Nakakita din kami ng ahas sa mismong dinaanan namin, pero maliit lang naman, pero ahas pa din yon! hehe.)
Ang Taytay falls at Majayjay falls eh iisa. It flows from the famous Mt. Banahaw sa Brgy. Taytay, Majayjay, Laguna. Ayun. Nasabi ko lang kasi nalilito din ako dati. Hehe. Kahit ano pa man, pareho lang yon. Hindi sya ganung ka-garbo o kaganda katulad ng ibang falls na bumibida sa mga turista, pero sobrang linaw at sobrang linis talaga ng tubig! Pati sobrang lammeeeeggg. Naaalala ko pa nga lang ngayon nagiginaw na ko. Haha. Sa sobrang lamig, dun na kami nagpapalamig ng mga inumin. Oh nai-imagine nyo na kung gano kalamig yon??? Pero ang kagandahan dito, kahit sobrang lamig sya, kapag nilubog mo na yung katawan mo, hindi ka na manginginig sa ginaw. Pati kapag umahon ka sa tubig hindi mo na rin mararamdaman na maginaw pala. Hindi katulad kapag nasa swimming pool ka, nanginginig ka pa rin kahit nakalubog ka na sa tubig at mas lalamigin ka kapag umahon ka na.
It was a really a fun nature tripping at sa sobrang pag-eenjoy namin eh ang akala namin 5PM na eh alas dos palang pala! Haha. Kahit ang oras nadaya kami sa sobrang pagka-aliw namin sa lugar. Sa lahat ng mga naging gala ko dito sa Manila, medyo kakaiba 'to. Kasi for the first time, nakasama ko sila Ate Cecil na kasama sila Bebe na kasama si Aldino na kasama si Dave at the same time. Whew! Housemates + SFC's + Pelatis. Cute! Sobrang masaya ko kasi bihira lang mangyari yon. I know everyone had a great time at sobrang nag-enjoy talaga. I'm already excited for the next trip! (^^,)
No comments:
Post a Comment