Humanap ako ng mauupan sa bandang gitna at ng makakita na ko, nag-excuse ako sa babae na nasa dulo ng upuan. Hindi ko maintindihan kung bakit nung mapansin ako ng babae eh napa-tingin sya sakin ng matagal. Ayee, moment ito! Mali! Hindi yung parang may gusto na tingin ang ibig kong sabihin! Yung wirdong tingin na parang may mali sakin. Ewan ko ba, naka-damit naman ako. Nagsuklay din naman ako. Hindi naman ako mukang basahan. Ano bang mali?? For a moment napatingin lang sya sakin then after some time she finally gave way para makadaan na ko at maka-upo. Hayy salamat naman, akala ko kelangan ko pa ng access pass para makidaan sa kanya.
Homily na nung pari nung dumating ako. And he's discussing about how to make a community relationship healthier and stronger. Wow! Since I'm part of SFC, sobrang naka-relate ako. After ng homily, dun ko na napansin na parang may mali. They skipped the part of proclamation of faith in a usual mass which is the recitation of the Apostle's Creed. Why? Hindi ko din alam. Then nung part na na itinaas na nung pari yung bread and wine at magre-respond yung mga tao ng Amen, aba bigla nalang nila itinaas lahat ng kamay nila tsaka sila kumanta ng "Amen"! What's happening??? That time I'm not sure kung bagong culture ba yun sa Catholic Mass pero naguluhan talaga ko. As if I'm from the outside world. Weird. Isa pang napansin ko eh lagi may dagdag yung pari in between sa mga line-up ng mga ginagawa sa mass. Lagi syang nagpapayo at nagpapa-alala about being a good christian and being an essential part of the community.
The strangest part is this. The time na magbibigay na to everyone the sign of peace, nabigla ako dahil bigla nalang sila, as in silang "lahat" nagyakapan, nagkamayan, at yung iba umaalis pa sa upuan nila para puntahan yung gusto nilang i-kiss at yakapin, they're calling each other by name and saying "hi". As if everyone in that chapel knew one another except me. No!, I mean Yes! They knew each other. Pero hindi naman ako ganong na-out of place kasi yung mga nasa pali-paligid ko kinamayan naman nila ko but the thing is... what's happening??? Tama ba 'tong napasukan ko??? I don't know. Naguguluhan talaga ko.
After ng communion, hindi pa muna tinapos nung pari yung mass. Kumanta pa sila ng tatlong praise song. One of which is hindi naman bago sakin, they sang God of This City na kinakanta din namin sa SFC. Then nung kinanta na nila yung last song, dun na nila tinaas yung mga kamay nila ang yes, it is a praise and worship. Even that is not new to me. Ginagawa din namin yun sa SFC. But the thing is... this is not usual in a mass.
After singing, nag-announce ng mga announcements. At sa lahat ng announcement lagi kong naririnig ang ministry. That time I'm pretty sure that this mass isn't ordinary. Alam ko na that is catholic pero it is a special mass for a specific catholic community. Kaya ayun naglakas-loob na kong tanungin yung katabi ko na tumingin sakin ng wirdo kanina:
Ako: Ate, community ba 'to?
Ate: Oo. (naka-ngiti)
Ako: Ahhh. Ano pong communtiy. (sabi na nga ba!)
Ate: Spirit of the Living Water (sabay pakita nya ng ID nya. Sya pala si Ate Mely.)
Ako: Ahhh. Hehe. Akala ko po ordinaryong misa lang 'to. Pumasok tuloy ako, nakakahiya.
Ate Mely: Hindi, okay lang naman. Okay lang naman na sumimba din kahit hindi namin member.
Ako: Part din po ako ng community....sa Singles For Christ.
(Mukang hindi nya naintindihan ang sinabi ko, medyo maingay kasi. Siguro ang pagkakaintindi nya sa sinabi ko eh "akala ko Singles For Christ")
Ate Mely: Ay hindi, sa Couples For Christ yata yun eh.
After ng ilang announcements dun na tinapos nung pari yung mass. Then kinausap ku ulit si Ate Mely kasi nakalimutan ko yung name nya:
Ako: Ate ano ulit pangalan nyo?
Ate Mely: Mely. Ikaw?
Ako: (pinakita ko yung ID ko ng SFC para maintindihan nya yung sinabi ko kanina na part ako ng SFC) JD po. Sige po nice meeting you.
Ate Mely: Ikaw din.Ayun lumabas na ko. Meron pa kasi silang presentation. Ayoko na din magtagal, bukod sa gutom na ko nun eh nahihiya na talaga ko kasi feeling ko ako lang naiiba. Haha. Kaya naman pala siguro ako tiningnan ni kanina ni Ate Mely ng wirdo eh dahil hindi nya ko kakilala. Hehe.
No comments:
Post a Comment