Yaaaaaaaakkk! Yak talaga! Ayoko naman talagang tikman nung una, ang kaso parang na-curious lang ako sa lasa, ayun. Nung una medyo nagdadalawang-isip pa ko, pero nung nasa harap ko na sige na bigla ko nalang sinubo. In a few moment para kong masusuka, ang dulas-dulas kasi tapos ang lagkit-lagkit. Nahihiya lang akong iluwa kasi nakatingin sila sakin. Waaahh! Yun na talaga ang una't huling kain ko ng Laing! Haha. Si Lanie naman kasi pinilit ako! (Ows? pinilit ka ba talaga?)
Hindi talaga ko nakain ng Laing ever since. Ang pangit naman kasi ng itsura. Hehe. At syempre lalo na ngayon na nalasahan ko na. Eeee. Lasang gumamela. Haha. (Arte lang) (Nakakain ka na ng gumamela???) Hindi ako nakakain pero kasi di ba nung bata ka nagpapalobo ka ng gumamela, ganun yung lasa! (Alam ko yung mga laking maynila dyan katulad nila Aldino hindi naranasan magpalobo ng gumamela dahil panay bougainvillea[nose bleed] lang ang meron dito. Haha.) Nako pasensya na sa mga mahilig sa Laing ah, pero ayoko lang talaga. Parang kambing kasi. Hehe. Sino ba naman kasi naka-imbento ng Laing??? Ok lang sakin kumain ng dahon ng malunggay o usbong ng sampalok pero yung ginataang dahon ng gabi??? Anyway, bago pa ko kuyugin ng mga mahilig sa Laing, anu ba ang alamat ng dahon ng gabi Aldino? Hehe, 'wag ka na magpanggap dahil alam kong meron kang alamat para dyan. Sige ikwento mo nalang sakin kapag nagkita tayo ah. Ehe.
Meron pa kong hindi kinakain. Yung sisiw sa balot. Ang weird kasi. Mabalahibo tapos may paa pa! Ang weird siguro ng feeling sa bibig non. Hehe. Kayo meron ba kayong hindi kinakain na popular sa mga pagkaing pinoy?
No comments:
Post a Comment