Naranasan mo na ba minsan ang mahirapang pumara sa jip o sa bus? Siguro lahat naman tayo naranasan na 'yung lumagpas sa bababaan dahil sa tulin magpatakbo ni manong, o di naman kaya eh dahil sa lakas ng sounds n'ya na parang may party na sa loob ng sasakyan, o kaya eh dahil lang talaga sa ang lalakas magsipag-daldalan ng mga kasama mong pasahero. May mga pagkakataon din na kapag pumara ka eh halos boses ipis ka na sa hina ng boses dahil sa matagal kang 'di nagsasalita sa haba ng biyahe. Pwede din naman na bingi lang talaga si manong driver. Normal lang ang mga pagkakataon na ganyan para sa'kin, pero ang mahirapang pumara sa tricycle...(
huh?) ibang usapan na 'yan. Halos katabi mo na nga lang si manong sa tricycle mahihirapan ka pang pumara??
Last Friday may fellowship kami ng mga brothers ko sa SFC(
Singles For Christ). 7pm kita-kits sa Pioneer. After office(
6pm) 'di muna ko tumuloy dun, umuwe muna ko samin para sana kumain at mag-ayos ng gamit, pero 'di pa ko nakakababa ng bus eh nag-text na agad 'tong si Mark na pumunta na ko sa kanila para sabay na kami(
ano ba 'yan!)...fast forward... Pagdating sa bahay, binaba ko lang ang gamit ko sabay alis para sumabay nalang nga ako kay Mark dahil unang-una ayoko namang magpunta 'dun mag-isa at 'di ko alam 'yung lugar na pupuntahan namin.
ako: Ano sasakyan natin?
Mark: Sogo para deretso na.
ako: (
kampante)
Pagsakay sa jip...
Mark: San na daw ba sila?
ako: Andun na daw. (
saan nga eh!)
Mark: San don?
ako: Sa -
tootooot-. (
secret, hehe)
Mark: Sino-sino na sila 'don?
ako: Ewan ko, si Aldine lang ang kausap ko eh.
Jip. Pasok sa tunnel, labas, robinsons, metro, madisons square... Si Mark lilingap-lingap...
ako: Alam mo ba kung san 'yon?
Mark: Alam ko dito lang 'yun eh. (
waaaaatt?!?!)
ako: Huh? akala ko alam mo?
Mark: Alam ko 'yon, kaso 'di ko lang makita.
ako: (
taranta na) Hala 'wag ka ngang magloko, 'di ako naniniwala.
Mark: Haha, pwede naman tayo maglakad eh.
ako: (
blanko muka...ano pa kayang say-say na sumakay kami at maglalakad lang din???) Ano? 'san tayo bababa???
Mark: Tara dito na.
Pagbaba..............Robinsons pioneer 'din pala bagsak namin. Haiiiiii. Ok sige move on. Tumawag na lang ulit ako kay Aldine para naman masigurado ko na kung pano nga ba talaga kami pupunta sa -
tootooot-. Sabi nya sakay nalang kami ng tricycle sa pioneer at sabihin namin na ibaba kami sa -
tootooot-. Ok. Kinausap nalang ni Mark si kuyang driver na ibaba kami sa -
tootooot- at sumakay na kami sa tricycle n'ya. Nakaktuwa 'yung mga tricycle dun dahil talikuran 'yung sidecar nila. Bale anim na katao ang pwedeng maka-sakay(
4 sa sidecar, 2 sa likod ng driver). 'Dun kami sa likuran ng sidecar naupo ni Mark. Nakakatawang experience talaga. Para lang kaming naka-sakay sa ferris wheel sa peryaan. Haha. 'Taz basta kakaiba. Dahil traffic sa pioneer, halos naka-dikit na sa tuhod naming dalawa 'yung mga nguso ng mga sasakyan na kasunod ng tricycle na sinasakyan namin. Pati para kaming naka-spot light dahil sa mga headlights nung mga sasakyan na 'yun na nakatutok saming dalawa. Hai, grabe, walang maitago. Haha.
Mark: Si jd kapit na kapit. Haha.
ako: Eh syempre kung mahulog ako dito?! (
tawa ng tawa)
'Di nagtagal, nakita ko na 'yung lugar na pupuntahan namin(
ahmm, nakita ko lang 'yung signage).
ako: Uy Mark dito na ba??
Mark: Ewan ko.
ako: Sabi ni Aldine 'di ba -
tootooot- daw? 'yun un 'di ba?? (
turo sa signange)
Mark: Ewan ko. (
Walang kwenta)
ako: Pumara ka na!
Mark: (
Ngiti lang sakin na parang ewan)
Dahil 'don nataranta na ko dahil palayo na kami sa lugar na pupuntahan namin. Pagtingin ko sa driver, hindi ko siya makita dahil nahaharangan ako ng 2 naka-sakay sa harap ng sidecar. Hala!, pano ko papara??? Sa katarantahan ko, nautusan ko pa si ate na nakasakay sa harap, "Ate pa-para naman." (
Wow Close???) Pero 'di n'ya ko pinansin. (
Grrrrrr) Dahil 'don wla na 'kong choice kundi sumigaw...
ako: Manong para! (
walang nangyari)...
ako: Para! Para! (
asa ka pa!)
ako: Kuya dito na lang! (
wala!, as in walang say-say)
Dahil nga sa walang say-say ang pag-para ng pa-sigaw at mukang 'di manlang nakaka-halata ang mga pasahero sa harap ng sidecar na nasa likod namin, pinilit ko nalang isingit ang braso ko sa masikip na gilid ng tricycle sa loob ng sidecar para lang
mahablot makalabit ang braso ni kuya at ng mapansin manlang kami. At 'yun!, successful! Haizt. Nun ko lang naranasang mahirapang pumara sa tricycle. Grabe! Akala ko masayang sumakay sa likod ng sidecar. Pahirap pala pumara dun(
Ayan ka!, enjoy na enjoy ka pa ah!) Haha. So ayun, buti nalang tumigil na si kuya sa at naibaba na kami. Sa huli, naglakad pa din kami ni Mark.