Monday, February 15, 2010

Jewel

It's a very special day for my younger sister celebrating her 17th birthday! Wuhuu!

Nung bata pa kami madalas talaga kami mag-away, ganun naman talaga yata kapag magkasunod. Di ba sabi nila ganon. Hehe. Pero syempre habang lumalaki medyo nasasanay na rin kami sa mga saltik sa utak nagma-mature na rin kami at syempre medyo nagkakaintindihan na. Sobrang mahiyain nitong batang to. Period. sumagot lang ng telepono hindi pa magawa dahil nahihiya. Kapag may mga tao sa bahay nandun lang sya sa kwarto, o kaya pangiti-ngiti lang. Hindi ka nya kakausapin hanggat hindi ikaw ang unang mag-approach sa kanya. Pero gaya ng ibang nakikilala kong pinanganak sa buwan ng Feb-ibig, madaldal din naman 'to at maraming kwento kapag napalagayan ka na nya ng loob. Minsan lang magalit pero kapag nagtampo, tampo talaga!

I wish you all the best in life. I'm always here for you and May God bless you and guide you always.

HaPpY Birthday Jewel!

Valentine's

Kung Hei Fat Choi!

Wow! It's been a while nung huli akong mag-blog. Sobrang busy ng mga nakakaraang linggo. *sigh* Actually kahit ngayon busy din dahil my deadline kami, pero basta magsusulat muna ko dahil baka makalimutan ko na naman at makatamaran. Hehe.

Ayon pagkatapos ng apag-akyat namin sa Laguna sumama naman ako sa pagba-badminton nila kuya yellow. Kunyari sporty. Haha. Pero ayun, nanakit talaga katawan ko after. Mas grabe pa kesa nung umakyat kami. (Ayan kasi hindi nag-eexercise!, hehe)

Last valentine naman, ayun the usual...... Sa bahay lang ako maghapon, dahil nasa bulacan ako nun. Then mga 4PM lumuwas na ulit ako ng Mandaluyong at katulad ng dati magsisimba sana kami ni Mark. Kaso pagdating sa bahay pupunta daw pala kami ng mga housemates sa MOA, haha, may lakad pala kami pero hindi ko alam. Buti nalang at mga 6:15PM ako nakarating sa apartment, 7PM daw kasi yung Pyromusical. Natuwa naman ako kasi first time ko manuod nun. Dati kasi nung manunuod sana kami ng pyrolympics nila Doc Anna sa Taguig eh hindi na pala tuloy yung competition! Anu ba yun! Hehe. At ayun nga, dahil sa pupunta nga kami ng MOA, sinabihan ko nalang 'tong si Dugal na hindi na ko makakapagsimba (sorry Lord inuna ko pa yung pyro). At dahil traffic na traffic sa EDSA, hindi na namin naabutan yung entry ng Philippines. Nakanuod nalang kami sa loob ng taxi. Tsk tsk. Sayang, mukang maganda pa naman. Di nagtagal naglakad nalang din kami from Macapagal Blvd., di na naman kasi umaandar yung traffic, tsaka medyo malapit na rin naman.

Pagdating namin sa MOA, may harang pala yung kahabaan ng Ocean Drive, tapos yung ticket namin nandun sa isa naming housemate na nasa loob na. Di rin naman nya kami mapuntahan sa labas kasi sila na yung nakasalang sa stage (singer kasi sya sa band). So panu na??? Hindi naman namin pwedeng sabihin sa guard na yung ticket namin eh nandun sa kasama namin sa loob dahil pwede namang sabihin ng lahat yon. Buti nalang at pinayagan yung isa naming kasama na pumasok at kuhanin yung ticket, at ayun, successful.
(Photo Credit: http://outoftownblog.com)

Sakto yung pagdating namin sa loob dahil paumpisa na yung entry ng USA. At ayun, natahimik nalang kami sa panonood at nawala na ang init ng ulo dahil sa sunod-sunod na pagka-delay. Hehe. Mga 20mins din siguro tumagal yung pyro display and after nun, kumain na kami dun sa restobar na kinakantahan nung isa namin housemate.


Sa napansin ko mas maganda talaga yung entry ng Philippines, sayang nga lang at hindi namin nakita ng malapitan. Ang nakita ko lang kasi na kakaiba sa entry ng USA eh yung mga fireworks na sinisindihan nila sa ibabaw mismo ng tubig. Ang galing! Hehe. Nakaka-aliw. Since valentines din non, ang daming lovers sa paligid, at ang dami dami dami dami ng tao! May mga dalang flowers, stuffed toys at mga gifts. Sa taxi pa nga lang ang dami-dami na naming nakitang sweet-sweetan. Hmmm, buti nalang ako pati yung 2 kong housemate hindi naman kami lonely. Bakit ba naman kasi nauso pa ang valentines! Nakaka-stress tuloy at bitter bitteran kapag wala kang pakner. Haha.

P.S. May natanggap akong Valentine's Card...
 
sweet! (^^,)