Nakakapagod. Pero hindi ko naman alam kung bakit kami napagod ng husto eh parang dun lang naman kami nagpunta sa mga usual na lugar na pinupuntahan namin sa pang-araw araw naming buhay. Haha.
Ganito kasi ang itinerary:
7:15AM - 8:15AM Simba (Palaspas)
8:15AM -11AM I-experience ang Ferry sa Pasig (habang hinihintay ang binyag at si Mark na rin na mag-eexam pa. At para din hanapin ang bato ni Bea at Loydi, haha.)
11AM - 1PM Aattend ng binyag sa baptist
1PM - 2PM Pupunta kila Ate Gie
2PM - 7PM Pink Sisters' Convent
Oh di ba busyng-busy! Haha. Eh eto na nga, nung bumangon ako kahapon at pagtingin ko sa phone, hala! 8AM na! Hindi ako nagising sa alarm! Tapos my mga text na 'tong si Mark, "Wer n kau?.d2 n me..", "Uy san n kau?.mgsi2mba pba kau?.hala d n ata ngising t0ng mga to..hmMmp..". WaaaahH! Actually narinig ko naman talagang my nagtetext nung umaga pero di ko nalang pinansin kasi di pa nga nag-aalarm yung fone kaya feeling ko naman maagang-maaga pa. Eh kaya naman pala hindi ako nagising sa alarm eh dahil wala naman pala talagang alarm. Yung na-set ko palang alarm nung Saturday night eh pang Mon-Fri lang. Haha, ang T! Tinext ko nalang 'tong si Mark na 7PM nalang kami magsimba, tutal hindi pa rin naman nya kasama si Bebe. Kawawang Mark, ang aga nya sa skul para sa exam. Hehe.
Tulog nalang ulit ako dahil antok pa talaga. Paggising ko ng 10AM, si Bebe naman ang nagtext, punta na daw ako sa kanila para sabay na kami pumunta sa binyag. Ligpit-Ligo-Bihis-Lakad. Ito namang si Bebe, naka-dalawang misa na pala! (Hindi daw kasi nag-basbas ng palaspas nung unang misa) Hindi daw nya matext si Mark dahil wala na daw palang syang load. Haha.
7:15AM - 11AM schedule, SCRAP!
12PM nagstart yung binyag (sa mga baptist, paghahandog ang term), halos 10mins lang yung ceremony, parang seminar lang yung katumbas sa katoliko. Tapos ayun nakasama na rin namin si Mark sa handaan. Tumagal kami don hanggang 2PM, nakakahiya naman masyado kung mag eat and run kami, ang PG. Haha. Isa pa, hinihintay din naman namin nun si Monching na alas dos na eh nasa Tanay Rizal pa! Hayyy.
1PM - 2PM Pupunta kila Ate Gie, RE-SCHEDULED.
Mga 2:30PM nag-decide nalang kami na sa Paco Park sa Manila nalang kami magpunta via Pasig River Ferry. Atleast matutupad yung isa naming plan na mag-Ferry (hanapin ang bato) at pumunta sa Paco Park (at hanapin sa Lolo Yuri dahil baka makita na rin namin ang soulmate namin, haha).
2PM - 7PM Pink Sisters' Convent, CANCELLED.
Pumunta nalang muna kami sa Kalentong para mamili ng mga paninda nila Bebe for Monday. Mga 3PM nagtext si Monch na nasa Ortigas na sya at naalala kong wala nga palang Ferry kapag Sunday! Nak ng! Dahil don, nag-iba na naman ang plano.
3:30PM - 7PM Paco Park + Ferry, CANCELLED.
Punta nalang kami ng La Mesa Ecopark, pero since halos 4 na yun at baka sarado na kapag nakarating kami, plano nalang naming magsimba sa Antipolo. Mga 4PM nakarating na rin kami sa canteen nila Bebe, then nagtext tong si Monch na baka hindi rin daw kami umabot sa Antipolo dahil hapon na, maraming tao at siguradong traffic. So ano pa ba???
7PM Antipolo, CANCELLED.
Nag-isip nalang kami nila Bebe kung san malapit pumunta na walang gastos. Intramuros? (ok lang di pa ko napupunta don). CCP? (ikaw lang masisiyahan Bebe dahil sa bike mo). Luneta? (mag-Museong Pambata ka nalang Be tapos hihintayin ka nalang namin ni Mark sa labas, haha). Manila Zoo? (huh???). MOA? (Magastos, wag na). Megamall? (Dapat nga walang gastos!). Sa galleria bili ng Belgian Burger? (ok lang, pero hindi exciting). Kila Luriel? (Malayo). Kila Ate Rak? (eh di sana umuwi nalang ako). Barasoain? (Normal nalang saking pangitain yon!).
Dahil sa wala talaga kaming maisip, bigla nalang nasabi ni Lorie, "Eh kung mag MRT nalang tayo dulo sa dulo? tapos LRT!". Hindi ko alam kung ano ba nasinghot nitong si Bebe para maisip nya yung bagay na yon. Medyo nablangko muna yung reaksyon namin ni Mark bago kami natawa ng sobra dahil sa adik na suggestion ni Bebe.
Then naisip namin magsimba nalang sa di pa namin nasisimbahan. Binondo? (gabi na, pati maliit lang don). Quiapo? (Delikado). Manila Cathedral? (ayun sige!). Kaso si Mark parang ayaw. Hmp. Sabagay, sana kanina pa, gabi na namna kasi kaya hindi rin namin ma-eenjoy yung view. Hindi naglaon napagod na rin kami mag-isip, at alam nyo ba kung san kami nakarating??? Bumili kami ng mais at dun namin kinain sa park sa Ilaya facing Pasig river. Sa tinagal-tagal ng pag-iisip namin, dun lang din pala kami babagsak. 6PM na kami nagsimba, san pa ba eh di sa normal na sinisimbahan namin ni Mark every Sunday, sa San Roque. Hehe, Manila-Manila Cathedral pa ah, walang tatalo kay Father Andy!
After ng simba, pupunta sana kami kila Ate Gie dahil nga di kami nakapunta nung 1PM, ang kaso naiba na naman. May pasok yata sya, kaya ayun dun nalang din kami kumain ng hapunan sa Barangka. Pero atleast natupad na rin yung isang pangarap ni Bebe na makakain sa Satur. Hehe.
10PM na ko nakauwe at hindi ko alam kung bakit daig ko pa ang nag-construction worker nung araw na yun sa sobrang pagod. Sa dinami-dami ng gusto naming puntahan eh ni isa wala kaming narating. Mas mabuti pa talaga ang biglaang lakad natutuloy. Ang planado hindi. Haha. (^^,)