Monday, February 14, 2011

Puso♥ Puso♥

Sino bang ayaw ng may ka-date kapag Valentines day? Syempre wala naman di ba. Pero sabi ko nga, wala eh, wala, wala! Ganun talaga, single-mode pa rin muna. Haha. Career muna nga sabi nila (naks artista!???) Oh sige na! sige na! Wala na kong date ngayon, wala! but you see, kahit wala akong date ngayong Valentines, I still am one of the most loved man in th world.


Binigyan ulit ako ni Jeana ng Valentines card. Hehe. Ka-sweet na bata. Kung natatandaan nyo, last yir meron din akong Valentine card galing sa kanya. Sobrang nakaka-taba ng puso. Naalala ko dati nung elementary gumagawa din ako ng Valentines card para sa mga dadi ko. Yun kasi di ba ang pinapagawang project kapag Valentines. Gupit-gupit ng puso, drawing dito, drawing don, tapos may sulat-sulat pa. Hehe. Nakaka-tuwa. Nung pinost ko 'to sa workstation ko sa opis ang daming pumansin. Hehe. Thank you Jeana! (^^,)

Happy Valentines Day to all!

Lady Jewel

We all had a great weekend! Last Saturday (Feb. 12) nag-celebrate kami ng 18th birthday ng kapatid ko - Jewel. Naks! debut na nya! Ang bilis talaga ng panahon. Sobrang saya kasi ang dami dami dami daming tao ang nagpunta para makisaya sa party. Standing ovation talaga! Mga kamag-anak, kaibigan, kaklase, kapitbahays, kasamahan sa trabaho atbp. Nagpapasalamat din ako dahil nagkasya yung pagkain. Haha. Kinakabahan ako nung una dahil baka magkulang sa dami ng tao.

Ang sarap sa pakiramdam makita si amang (lolo), si daddy at mga tito kong makita na sinasayaw si Jewel, minsan lang kasi mangyari yung mga ganon di ba. Nakakatuwa din yung ibang kaibigan nya na halos hindi makapagsalita kapipigil sa luha habang nagsasalita ng wish nila para sa kapatid ko. Ang sarap kasing makita na mahal nila yung mahal mo. Oh teka sumerseryoso na ko. Haha. Sobrang nagpapasalamat ako sa mga tumulong, sumoporta at nagbigay ng oras para sa isang mahalagang event ng pamilya namin. I just can't thank you all enough.


**Salamat kay Tita Cecil, Tita Glo. Sa mga photographer at videographer na naging sobrang mabusisi at matiyaga sa pag-cover ng debut. Sa hosts namin na si Tita Christine at Ate Beth, at kay Ate Carmie na nagluto ng kanin at fried chicken. Yum! Yum! (^^,)

**Wala pa kong kopya ng pictures galing sa nag-shoot kaya yan palang nalagay ko. hehe.