Monday, February 14, 2011

Lady Jewel

We all had a great weekend! Last Saturday (Feb. 12) nag-celebrate kami ng 18th birthday ng kapatid ko - Jewel. Naks! debut na nya! Ang bilis talaga ng panahon. Sobrang saya kasi ang dami dami dami daming tao ang nagpunta para makisaya sa party. Standing ovation talaga! Mga kamag-anak, kaibigan, kaklase, kapitbahays, kasamahan sa trabaho atbp. Nagpapasalamat din ako dahil nagkasya yung pagkain. Haha. Kinakabahan ako nung una dahil baka magkulang sa dami ng tao.

Ang sarap sa pakiramdam makita si amang (lolo), si daddy at mga tito kong makita na sinasayaw si Jewel, minsan lang kasi mangyari yung mga ganon di ba. Nakakatuwa din yung ibang kaibigan nya na halos hindi makapagsalita kapipigil sa luha habang nagsasalita ng wish nila para sa kapatid ko. Ang sarap kasing makita na mahal nila yung mahal mo. Oh teka sumerseryoso na ko. Haha. Sobrang nagpapasalamat ako sa mga tumulong, sumoporta at nagbigay ng oras para sa isang mahalagang event ng pamilya namin. I just can't thank you all enough.


**Salamat kay Tita Cecil, Tita Glo. Sa mga photographer at videographer na naging sobrang mabusisi at matiyaga sa pag-cover ng debut. Sa hosts namin na si Tita Christine at Ate Beth, at kay Ate Carmie na nagluto ng kanin at fried chicken. Yum! Yum! (^^,)

**Wala pa kong kopya ng pictures galing sa nag-shoot kaya yan palang nalagay ko. hehe.

Wednesday, December 22, 2010

Philippine Banknotes: The New Generation

 
Nung malaman kong pinalitan ng Tarsier si Gloria sa likod ng 200 peso bill, natawa talaga ko kasi comedy. Hehe. Isipin mo ba namang palitan ang picture mo ng picture ng Tarsier. Akala ko pati nung una yun lang ang pinalitan, yun pala lahat ng perang papel binago ang design. Although may mga nagki-criticize sa bagong design ng pera, para sakin maganda naman sya. New and improved. Pwedeng pang-marketing dahil ang mga renowned wonders ng bansa ang naka-design sa likod. May pitong enhanced counterfeit features, mapa ng pinas, at pinabatang mga pictures ng mga leaders natin sa harap. Bagets na bagets. Hehe. Nakakainis lang dahil naalala ko yung naipon kong mga perang papel na 'JD' ang code. Nanakaw lahat! Ngayon tuloy mahihirapan na kong makakuha ulit nung mga yon dahil iibahin na nila. Hmp. Anyway, excited na ko makita ang bagong design ng pera ng personal. It's a history. Ang alam ko nagbigay na ang BSP sa mga bangko, at meron pa tayong 3 years bago ma-phase out ang lahat ng mga lumang pera.

T'is the season to be jolly!


Nakakatuwa ang pasko noh? mga ilaw... mga dekorasyon... simoy ng hanging malamig... simbang gabi... mga pagkain... mga party... regalo... caroling... 13th month pay(yun yun eh!, haha)... It's like everyone's happy. Everyone is busy. Everyone is preparing. Ibang excitement talaga ang dala ng pasko. But you know, what I love most about Christmas is the spirit of sharing and giving. Hindi lang of material things but also giving of your time, of your presence, of your forgiveness, thanksgiving and appreciation. Di ba ang saya?! At ang lahat ng ito is brought by LOVE. The word that made flesh, JESUS - the real reason why there's Christmas.

So if you think you don't have any reason to be happy this season, just think of how much love Jesus has for you. More than anything... it's more than enough. He believes that you're to die for.

Have a merry Christmas! ^_^