Thursday, October 29, 2009

Rubik's Cube

(rubik's cube ni sir pao na sakin na daw at ang kodigo ng moves)


Ayon...Matagal ko ng pinangarap na matutunan ang pagbuo ng Rubik's pero ewan ko ba, tinatamad kasi kong mag-aral. Dati masayang-masaya na ko kapag nakakabuo ng isang side. Hehe. Eh bakit ba! 'yun lang kaya ko eh! Tapos minsan tinuruan na rin ako ni Nath kaso 'di naman talaga pumapasok sa utak ko 'yung mga teknik daw, kaya ayun hindi talaga ko matuto-tuto. Dati naalala ko pa kapag 'di ko talaga mabuo 'yung ribik's, ang ginagawa ko eh binabaklas ko 'yung mga cubes saka ko bubuuin ng magkaka-kulay na para buo na s'ya! Oh 'di ba ang daya!, hehe.

Kahapon habang wala akong ginagawa dito sa opis, nagka-interes ako ulit matuto magbuo ng Rubik's. Ito kasing si Michelle(a.k.a. MAV) masyadong na-adik sa paggulo at pagbuo ng Rubik's, eh katabi ko pa naman kaya lagi kong nakikita. Inggitero ko kaya gusto ko din matuto. Haha. Ayun mabait naman si Michelle kaya tinuruan nya ko ng step-by-step procedures at ng mga techniques tulad ng Y-method, H-method at Fish method. Meron pa palang mga ganun-ganun, dati akala ko talaga pure na logic lang ang kailangan para makabuo ng cube. Hehe.

At ayun, ilang oras din kami nagkulitan at kahit pano eh naintindihan ko naman ang mga pinagsasasabi n'ya. Hehe. Gumawa pa talaga ko ng listahan ng mga moves na ako at lang ang nakaka-intindi para makabisado ko. Si Sir Paolo naman china-challenge ako, dapat daw sa saturday kaya ko na magbuo ng walang kodigo. Aba sure! (wow yabang!) Thanks kay Michelle sa pagtututor, at thanks kay Sir Pao sa rubik's. Hehe.

Monday, October 26, 2009

For the 10th time!

"Ui kukunin kitang ninong sa binyag ng anak ko ah!"

Pa'no mo ba naman matatanggihan 'yan??? Hindi talaga. Hinding-hindi. Sabi nga ng mga nakaka-tanda, bawal tanggihan ang pag-aanak sa binyag dahil mamalasin ka daw. Huh??? anung kinalaman ng pagtanggi sa kamalasan? Itong mga ninuno talaga natin kung ano-anong mga pinapa-uso. Haha, pero sabi nga, wala namang masamang gawin ang mga kasabihan tutal wala namang mawawala. Haiii, Opo sige na.

Katulad ng mga nakakaraang panahon, pag-uwi ko sa bulacan nung weekend, may surprise ulit ako. Invitation. Binyag. Ninong ako. Ok. Officially, pang-sampu ko ng inaanak 'to. Hindi naman ako nagrereklamo, ganun talaga eh. Kasama na rin sa trdisyon ng katolikong pinoy 'yang pagkuha ng ninong at ninang. Eh friendly tayong masyado eh. Ayaw mapahiya sa mga kaibigan at kamag-anak. Sa pagkakataon na 'to, ok lang talaga sa'kin kasi anak naman nung bestfriend ko ang aanakin ko, kumbaga 'yung mga ganun ok lang, pati ako din naman ang nag-prisinta sa kanyang maging ninong ng anak n'ya nung high school palang kami, hehe, pero 'yung kunin kang ninong ng 'di mo naman kamag-anak o ka-close manlang, eh aba! ibang usapan na 'yon!

Nanay: "Kuya kukunin ka daw ninong ni blah blah" (Kuya tawag sa'kin ni mami o kya dhen)
Ako: "Huh? sino ba 'yun?" (alien yata)
Nanay: "'Yung anak ni Manang" (kapit-bahay namin na naka-tira sa apartment)
Ako: "Bakit?" (Bakit nalang ang nasabi ko dahil 'di ko talaga maintindihan kung bakit nila ko kukuning ninong)

Kita mo! Hindi talaga kayang i-proseso ng utak ko kung bakit kukuha ka ng ninong na hindi mo naman kilala. O sige kung kakilala man nila ko eh hindi ko naman sila kakilala. Ang wirdo 'di ba?? Hahaiii. Nakakatawa nalang.

Bebe the Bibe

Birthday ni Lorie last friday (October 23) and 1st time ko maki-celebrate sa kanya. Bakit nga ba 1st time pa lang??? Hmmm... mahabang istorya kaya 'wag mo na 'kong piliting ikwento. Pero sige na nga eto na, (haha, adik) dati kasi, hindi kami close.

Nakilala ko si Lorie sa Pelatis (dati naming opisina sa Ortigas), nauna lang ako dun ng ilang weeks sa kanila. Crush ko yung mata nya non(noon lang???) hehe. Taz una ko silang (ni Sheila) nakasama nung kinuha namin yung ATM namin sa Equitable(BDO) sa Madison. Sikip na sikip pa nga kami sa tricycle kasi pinagkasya talaga namin ang mga sarili namin sa isang tricycle lang. Alam mo na, kuripot eh. Oh 'di ba napaka-meaningful ng una naming pagsasama. 'Di nagtagal, ayun 'di pa rin kami ganung ka-close. Toink! 'Di ko rin masyadong naka-trabaho si Lorie pagdating sa mga projects. Pang-matalino kasi yung sa kanila, Flex, ako php lang. Tapos ayun, dumating din naman yung time na nakasama ko siya, pero 'di naman nagtagal 'yun, basta mahabang istorya na naman, hanggang sa dumating na rin 'yung time na nag-resign na sila dahil sa -tootooot-.

Naging close kami ni Lorie kung kelan hindi ko na s'ya ka-officemate. Ang labo 'di ba! Nung mag-start akong magtrabaho sa Makati, ilang weeks din bago ko nalaman na magkakalapit lang pala kami ng ofis kaya ayun, nagsasabay-sabay kami maglunch minsan hanggang sa naging regular na. Madalas sa Ministop sa Columns kami nagla-lunch, kasi dun malapit yung ofis ni Lorie, kami naman ni Monch bumibili sa Jolly jeep (para s'yang karinderya, marami n'yan sa Makati, makikita mo sa sulok-sulok) kasi mura at dinadala nalang namin dun. Ilang months ding ganun ang setup namin, kwentuhan buong lunch break, hanggang sa lumipat na si Lorie ng ofis (how sad).

Si Lorie din ang nag-invite sa'kin sumali sa SFC(Singles For Christ) nagbigay sa'kin ng phone (businesswoman 'to kung 'di n'yo naitatanong) at ng mga sidelines at nagsama sa'kin sa Batangas(wuhuu!). Haha. Ayun, mabait s'yang "bata" mala-Dora ba! Hehe. Hmmmm, ano nga ba si Lorie?

Si Lorie, mas kilala sa kanila na "Bebe" (muka daw kasing bibe, Ay! hindi pala, joke lang pala 'yon!) wala, ewan ko ba kung bakit. (Bakit nga ba 'bebe' Lorie??) Sweet, matalino, mabait na ate, mahilig super-duper mega-over ADIK kay Sarah Geronimo('wag ka lang magkakamaling magsalita ng 'di maganda tungkol kay Sarah dahil aawayin ka n'yan!), boses ipis ma-cute ang boses, magaling kumanta, mahilig magluto, mahilig din kay Dora at Sakura, tsaka makulit din at CERTIFIED businesswoman! Kung naghahanap kayo ng uupahang bahay, kelangan nyo ng supplier ng hardware (mga bubong, insulator atbp.), kelangan n'yo ng mauutangan, kukuha kayo ng kumot o monoblock chairs, magpapaluto sa handaan, magpapagawa ng website, kukuha ng pahulugan, magrerenta ng truck at kung ano-ano pang pwede n'yong maisip na business eh eto na ang hinahanap n'yo! (Ayos ba bebe?) Hmmm, sa kabilang banda, medyo sensitive, minsan moody, kapag nainis yan sa'yo silent treatment ka, drakula din to minsan umaga na kung matulog(tsk, tsk). Ayun, nakaka-dami na 'ko baka tamaan na'ko kay Lorie n'yan. Hehe.


HaPpY Birthday Lorie!

(Bakit "Bebe the Bibe"??? Mahilig kasi 'yan sa bibe... bakit kaya??? hmmmm...basta! Masama ba? Ako nga mahilig sa kambing eh!)