Wednesday, January 27, 2010

Underground Cemetery

After namin mag-lunch sa Victoria, tumuloy na kami sa Majayjay Laguna. Sabi nung kasama din namin sa climb na taga-Nagcarlan, mga 2hours pa daw ang byahe galing dun hanggang Majayjay. Aus! Maraming time para matulog! Hehe.

Habang bumabyahe, di naman ako nakatulog. Tsk. tsk. Ang hirap naman kasi matulog ng paupo at walang sandalan yung ulo! Nak ng! Kaya ayun sight seeing nalang ako. Siguro mga 1hr mahigit bigla nakita namin sa daan "No Entry Sira ang tulay"   ???????(katahimikan)???????   Nice! Pagkatapos ng matagal na byahe, wala rin naman pala kaming madadaanan papunta ng Majayjay Falls. Sabi ng mga taga-don, nung bagyong Ondoy pa daw nung bumagsak yung tulay. Eh kung ganon, hanggang ngayon hindi pa gawa??!! Ano ba yan!?!? Ang tagal ng panahon hindi pa rin ayos??? Ano ba ginagawa sa pondo ng gobyerno??? Tsk. Tsk. Ang laki-laki ng tax tapos ganyan?! (Bitter, hehe) Dahil don, plan B kami. Sa Underground Cemetery sa Nagcarlan nalang kami pupunta. Go!

Habang papunta kami don, natatawa ko kay Aldine kasi duwag sa mga ganun. Lalo ko tuloy tinatakot, "(slow version na tonong nananakot) Aldine, patay ka, susunod sayo yung mga yun, awoooooo!" Haha. Pero sa kabila din naman ng isip ko, parang medyo nakakatakot nga kasi sementeryo yun sa ilalim ng lupa, tapos ang mga nakalibing pa eh matagl na panahon na nandun, bukod pa sa mga namatay nung panahon ng hapon. Creeeeeeppyyy.



Nung dumating kami sa site, sobrang natuwa ako kasi ang ganda nung lugar. At kahit pano kita mo na naaalagaan talaga yung site. Habang nasa loob, sobrang naiisip ko yung pagka-historic nung lugar. Sabi dun daw meeting place ng mga katipunero. Sosyal! Sementeryo meeting place! Hehe. Kidding aside, sabi din nila may tunnel daw dun sa underground papuntang Mt. Banahaw, yun daw yung ginamit na daanan ng mga pilipino para ma-evade ang mga spaniards dun sa lugar. Interesting!


(Bricks dated 1983)
 
 

Monday, January 25, 2010

Mt. Kalisungan

Adventurous ka ba? Mahilig lumakad? Mahilig mamasyal? Mahilig sa mga adrenaline rush activities? Hmmm ako gustong-gusto ko talaga ng adventure! Gusto ko ng bungee jumping, rappelling, rock climbing, ziplining, skydiving, rafting at kung anu-ano pa! Gusto kong hinahagis ako, hinuhulog, pinapalipad, pinapaikot, binibitin at kung anu-ano pang maisip nyong pwedeng gawing sports adventure. Hehe. And finally, last weekend natupad na rin ang isa sa mga gusto kong ma-experience na activity...ang mag mountain climb! Wuhuu!

Mga December pa lang last year medyo nagsasabi na sakin si Aldine about sa climb. Ako naman syempre excited hindi na ko nagpa-pilit, OO kaagad ang sagot. Hehe. Wala talaga kong kaalam-alam sa pamumundok. Kaya tadtad sakin ng tanong si Aldine. Ano ba yung isusuot? Anu ba dapat ang mga dala? Anung mga klaseng damit ba ang pwede? Anung mga pagkain ba ang pwede? Mga ganun. At dahil required ang may strap na footwear at wala naman ako non dahil hindi ako mahilig, napabili tuloy ako ng di oras. Pahirapan din mamili ng sandals kasi gusto ko yung parang sapatos para pwede gamitin partner ng jeans pero gusto ko din yung sandals kasi maganda ang kapit sa paa. Haha. Sa huli, yung sandals nalang ang binili ko, naiisip ko naman kasi kaya ako bibili eh para gamitin sa bundok hindi para ipartner sa jeans. Ehe.

Saturday morning umalis kami ng Manila around 10:30AM. At swerte dahil di pa kami nakakalayo sa terminal eh nasira ang aircon ng sinasakyan naming bus. (malapit palang kami sa magallanes intersection) Anu ba yun! At dahil sa paghihintay, ganito nalang ang nangyari...
Syempre picture-picture. Hehe. Di naman nagtagal dumating na rin yung kapalit na bus at parang walang nangyari dahil kung saan kami naka-upo sa unang bus eh dun din kami naka-upo sa pangalawa. Around 1PM na ng dumating kami sa Jump Off sa Eraiz Farm at nag-lunch. Mga 2PM, pray muna then start na kami mag-trek.


Nung nakita ko yung aakyating bundok, ang yabang-yabang ko na "ayan lang ba yung bundok??? sandali lang yan akyatin eh ang baba baba!" pero pagtagal-tagal, "malayo pa ba? parang di ko pa nakikita yung tuktok." Haha. Nagyayabang pa ah.  Medyo mahirap ung trail. Sa bandang simula medyo mabagal lang yung pagtaas ng lupa, pero habang papalapit na kami sa summit nagiging matarik na yung daan. May mga part na halos pagapang ka na umaakyat at parang walang katapusan yung slope. Mga 5 beses din siguro kami nag-rest. At nung medyo tanaw na yung tuktok, talaga namang hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa! Akyat kung akyat! Hehe. At ng marating ko na ang summit...sobrang sarap ng feeling. Hindi ko ma-explain. Mawawala talaga yung pagod mo. Sobrang saya. Napaka-breathtaking ng scenery. At one moment hindi ko mapigilang maging emotional, for at that moment I felt God's love through His creations. He entrusted us a world of such beauty. Wonders of nature shown me the greatness of our God and His sovereignty over all. Simply amazing!


5:30PM na ng dumating kami sa campsite at ayos na ayos lang ang pagdating namin dahil naabutan pa namin ang sunset. Meron na ring 2 grupong nauna sa min don ng makarating kami. Di rin naman nagtagal, nagtayo na rin kami ng mga tents at nag-prepare na ng hapunan. Sobrang lakas ng hangin dun sa tuktok. As in literal na nililipad ako! Haha. Kapag tumalon ka nga hindi ka na babagsak sa tinalunan mo dahil madadala ka talaga ng hangin. Ang lameeeeeggg. Kita din sa summit ang Mt. Cristobal sa Quezon, seven lakes ng San Pablo at standing proud ang Mt. Banahaw at Mt. Makiling. Nakakawala talaga ng pagod. Siguro mga 8PM na ng maka-kain kami, sobrang lamig talaga sa labas. As in nakaka-kilig, kaya lagi nalang kami napasok sa tents. Naalala ko ang paboritong linya ni Monch, "Chill sa aking duyan." with matching panginginig pa ng bibig. Haha. Bago kami natulog, medyo nagbonding muna kami ng group. Tanungan portion habang shuma-shot ng the bar. (para manlang medyo uminit kahit onte, hehe) At ayun, siguro mga 12MN na rin kami nagsi-higa.

Dun ako natulog sa tent ni Monch, 3 kami dun nila Jona. Nung una, medyo ok pa kasi hangin lang. Pero ng mga bandang alas-kwatro ng madaling araw ayan na! Basang-basa na yung 2 katabi ko dahil naulan pala ng malakas at medyo tumatagos na sa tent yung tubig. Bukod pa dun yung sobrang lakas na hangin na bumabayo sa tent. At eto pa! Itong pangalawang SE ko, lumangoy din sa tubig gaya nung una kong SE. Hayyyy buti nalang matibay at nagana pa. Nung time na yun naisipan namin lumipat sa tent nila Aldin dahil mas malaki yun, pero nung sinilip ko yung tent nila sa labas, hala! bagsak na pala! Haha. Sila din pala eh parang na-Ondoy. Hehe. Kaya yun, tiniis nalang namin ang tubig.

Nakatulog pa naman kami after nun. Hindi nalang namin pinansin. Basa kung basa! Mga 7:30AM na rin kami bumangon para kumain, mag-ayos at maghanda na pababa. Kelangan kasi mga 9AM nakababa na kami dahil may mga pupuntahan pa kami. At paglabas namin sa tent, aba! yung tatlo nakakain na pala ng canton! Mga nagsolo! Hmp! Pero pinagbigyan na namin, baka nagutom dahil nasalanta sila nung gabi. Haha. Nagluto na rin kami, kumain, nag-ayos ng gamit, at nag-prepare na bumaba. Nauna na rin samin bumaba yung 2 grupong una ring maka-akyat samin. Mga 30mins. after bumaba nung 2 grupo, naka-ayos na kami, nag-pray at nagsimula na sa pagbaba.

Siguro di pa kami nakakalayo sa summit, naabutan na namin yung 2 grupo na pababa. Nagtaka naman ako kasi bakit ang bagal-bagal nila, siguro may naaksidente o kaya may naka-harang sa daan. Yun pala, ang bagal lang talaga nilang bumaba. Ay hindi pala! Nuknukan ng bagal! Para silang may mga prinsesang kasama. Parang kada-tatlong hakbang tumitigil. Nakakainis talaga! Lalo na may hinahabol kaming oras. Hayyy patience...patience... Dahil sa kabagalan nila, inaliw nalang namin ang mga sarili sa pamamagitan ng pagpi-picture at pinoy henyo. (Oh di ba nakapag-pinoy henyo pa kami habang pababa! Haha) Nakakatawa yung pagbaba kasi paramihan kami ng dulas! Ay sila pala! Haha. Nagpapaligsahan sa pagsaldak si Aldine at Dards. Sabi nila hindi daw masaya kapag hindi nadudulas, eh kung alam ko lang ginagawa lang nilang palusot yun sa mga record-breaking nilang pagsaldak sa putik. Hehe. (Nasaldak din ako 1 bese pero walang nakakita, secret lang. Hehe)

Mga 12NN na kami nakarating ulit sa Jump Off. Ang sarap ng feeling na makarating sa taas at maabot mo uli yung paanan. There is a feeling of fulfillment. I'ts been a great climb! Di na kami nagtagal sa lugar dahil naghahabol kami sa oras. Pupunta pa sana kami sa underground cemetery at Majayjay falls ang kaso kulang na sa time kaya kelangang ma-sacrifice na yung isa. (Kasi naman kabagalan nung unang grupo eh! Grr) Umarkila na kami ng jip para mabilis. At ayun, kumain muna kami sa Victoria ng lunch. Specialty??? ITIK! Sarrraaapp! (^^,)


Monday, January 18, 2010

Fiesta

Hindi ako umuwi ng Bulacan last weekend kasi fiesta ng Tondo. Yearly kasi kami nagsisimba dun ng mga dadi ko kapag fiesta, kumbaga naging devotion na, eh kung uuwe pa ko ng Saturday tapos luluwas din naman kami ng Sunday, eh di parang nagpagod lang ako. Hehe. Kaya kahapon, dun nalang ako tumuloy sa Divisoria, at syempre dahil first time kong pupunta sa Divisoria na manggagaling sa Mandaluyong, sino pa ba ang tatanungin ko kung saan ako sasakay at ano-ano ang mga sasakyan ko papunta don??? Eh di si Alex! Si Alex na pangulo ng lahat ng TODA (Tricycle Operators - Drivers Association) at kung may JODA (Jeepney Operators - Drivers Association *Meron bang ganto?? parang ampangit pakinggan, haha) man sa Mandaluyong! Haha. (Peace lex!)

Umalis ako sa bahay mga 7:30AM. At gaya ng sinabi sakin ni Alex, sumakay ako ng jip papuntang Stop&Shop then jip ulit papuntang Divisoria. Ayus! Medyo nauna lang ako ng konti sa mga dadi ko kaya medyo naglibot-libot muna ko dun, magkikita kasi kami sana sa Tutuban mga 8:30AM, ang kaso tinanghali na sila ng luwas galing Bulacan. Sobrang natutuwa talaga ko sa itsura ng entrance ng Tutuban, hindi talaga kasi nila tinanggal yung dating station na ang ganda-ganda unlike sa napakaraming historical buildings sa Manila na hindi manlang mabigyan ng tamang pag-aalaga ng mga nasa pwesto! Hmp! Sayang tuloy, nasisira lang. (Galit na galit?? haha) Anyway sobrang fascinated kasi talaga ko sa mga old structure sa Manila. Lalo na yung mga spanish-style. Ibang klase!


For more info about Tutuban Railway Station, click here.

Habang hinihintay ko sila dadi, naupo muna ko sa plaza sa harap ng tutuban, sa may monumento ni Bonifacio. Hmmm nakakatuwa yung feeling na nandun ka mismo sa isang napaka-historic na lugar. Ito kasi yung mismong lugar hindi lang ng dating main terminal ng kauna-unahang railroad sa Pilipinas kundi pati ito rin ang lugar kung san sinilang ang bayaning si Andres Bonifacio. Oha! Oha! (Favorite subject ko talaga ang History at Geography. Halata ba?? Haha.)


Sorry, di maganda ang kuha, panakaw na shot lang kasi. Hehe.


Nakakainis lang na may ibang tao na wala manlang respeto sa mga ganitong lugar. Tulad ng mga 'to!



Nilagyan na nga ng rehas para hindi mababoy, pero ganun pa din. Hindi lang ginawang upuan, 
ginagawa pang tapakan with matching kuyakoy pa! Tsk! Tsk!
Kung buhay pa siguro si Bonifacio pinagtataga na 'to. Hehe joke lang!


Pasaway talaga! Sana kahit pano magkaron tayo ng disiplina. Matuto tayong rumespeto.

Di naman nagtagal dumating na rin sila dadi at yun, dumeretso na kami sa simbahan ng Tondo. Katulad pa rin ng dati, saksakan ng dami sa tao. At pahirapan talaga maka-pasok at maka-labas sa simbahan.


Natural nalang satin na sinasamantala ng mga pulitiko ang mga ganitong pagkakataon.
Kahit simbahan hindi pinatawad ng mga posters nila. Hayyy.

Tulad ng nakasanayan, after namin magsimba, dadaan kami sandali sa Divisoria then tuloy na agad sa Quiapo. Tutal kasi, nasa Maynila na kami at kaka-fiesta lang din ng Black Nazarene, nagsisimba na rin kami don.

 
(Quiapo Church Interior)

 (Plaza Lacson view from LRT Carriedo station)

Simula nung maupo si Lim na Mayor ng Maynila, halos lahat ng binago ni Atienza sa lungsod eh binalik nya sa dati. Tulad nalang nitong Plaza Lacson, dati ganito itsura nyan, pero ngayon daanan ulit ng mga sasakyan. Although sabi nila mas maganda daw ngayon na bukas na ulit yan kasi dati nagtatraffic daw sa Sta. Cruz dahil sarado ang plaza sa public vehicles. Isa pang malaking pagbabago sa lugar na 'to eh yung dating Prudential Bank na naging BPI na.

After sa Quiapo eh nage-LRT kami hanggang sa Baclaran, para naman makapunta sa Paranaque. Tondo-Quiapo-Paranaque lagi ang ruta namin kapag fiesta ng Sto. Nino. May mga kamag-anak kasi kami dun sa Sto. Nino sa Paranaque, kaya nagpupunta din kami dun.

Habang nakasakay sa LRT, napansin ko na tanaw pala dun yung Cathedral tsaka Palacio del Gobernador sa Intramuros. Hehe. Sa tinagal-tagal kasi na taon-taon kong pagsakay sa LRT papauntang Baclaran, ngayon ko lang napansin yung mga yun. At ang pinaka-kinatuwa ko eh nakita ko na na bago na ang pintura ng National Museum. Buti at ginawa na nilang cream at gray yung kulay. Dati kasi PINK at gray! Anu ba yun! Ang sagwa! National Museum kulay PINK??? Ang kikay! Hehe. Eye sore talaga. Tapos napansin ko parang may bagong building ang DLSU. Ewan ko kung bago nga yun, hindi ko kasi yun nakikita dati (eh kung ang cathedral nga ang tagal-tagal na dun nun hindi mu rin nakikita dati, hehe) basta before yun ng open field. (ayun meron nga!)

Medyo nakaka-pagod ang maghapong pamimyesta. Pero ok lang naman kasi nagkita-kita ulit kami ng mga kamag-anak namin sa Paranaque. At tulad din ng mga nakakaraang taon, umuwe kami na maraming balot na halaya. Haha. (^^,)