Tuesday, August 24, 2010

Gloomy Monday

Yesterday, the Philippines has once again got the attention of the world. I was truly sadden as I've seen the images of the tragedy happened last night. I know everyone does. I almost cried when I see this woman crying in despair, and the police trying to gain her trust and escort her to the emergency exit of the bus. It really broke my heart. I do not understand why such thing has to happen. All I know is, everyone of us wanted these hostages to be freed safely.

For our Chinese friends, we shared your bereavement. The sorrow that you are feeling right now is the same sorrow we Filipinos are also going through for what had happened. We are sorry. We never wanted anything like this to happen.

Our deepest condolences to our Chinese friends.

Let's continue to pray for the soul of those who lost their lives in the tragedy, for the comfort of the departed, for the healing of the casualties, for justice and for the restoration of world trust, especially the damaged friendship of the two nations.

Tuesday, August 17, 2010

A Dream within a Dream within a Dream...


inception\in-ˈsep-shən\ n.
The beginning of something, such as an undertaking; a commencement.

Q: What is inception?

A: Inception is the act of invading someone's dreams for the sole purpose of planting an idea. It is the opposite of extraction, which is the process by which one gathers important information from the subject’s subconcious. Inception is thought by some to be impossible because the inceptee's mind has an uncanny ability to trace the planted idea back to the person who planted it. For example, if someone tells you “Don’t think about elephants,” you may think of elephants, but this fails as inception because the originator—the person who ordered you not to think about elephants—can be traced as the source too easily.

Last Thursday, after one month of hitting the silver screen, I got a chance to watch Inception in Shangri-La. Yehey! Hehe. What makes me interested in this movie is the concept of having the ability to penetrate into other people's dream. And if you think that is not so mind-blowing, in this movie, Leo DiCaprio did actually penetrate into Cillian Murphy's dream within a dream whithin a dream. How genius is that?!

The movie is a little complicated but understandable. It has been delivered in a motion picture that is easy to follow. It was great! Really. What I love most in this movie is, you really have to think. At ang nakaka-aliw pa eh sabay kayong nag-iisip nung mga characters to solve the puzzle and to unveil what is ahead. Sabay kayong magugulat at maiinis sa mga revelations. It has a lot of twist from the beginning til the end, mapapa-isip ka talaga.

It was very new and unusual story for me, that you can actually change people's mindset and/or perception by planting an idea into his mind, by penetrating into his dream and do your mess into it. And what's interesting is, they can draw a world that breaks the law of gravity and physics. Cool!

 

It's my first time to watch in Shang Cineplex, dahil akala ko eh sobrang mahal ng sinehan sa kanila. Syempre naman kung higit na mas mura sa SM eh di dun ka na! di ba! But last thursday, hindi nakisama si SM. Only one of their 12 cinemas ang alloted for Inception. *sigh* Ok sige! Hindi na ko magrereklamo! Alam ko namang 1 month ng pinapalabas ang Inception kaya ganon. Sori naman! Hehe. Ang kaso, 9:30PM pa yung susunod na screening! eh mag aalas-syete palang! My gulay! Anong gagawin ko sa mall for 2 hours eh wala naman akong interes nung gabing yon kundi manood! (Arte lang, hehe)

So ayun, since inimbayt daw si Aldino nung friend nya sa Shang para manood ng awarding ng Ateneo Art Gallery for Contemporary Arts (wushuuu, parang tunay!), dun muna kami tumuloy. At sa di inaasahang pagkakataon eh tinanong na din namin si ate na hindi ko alam kung bantay ba talaga sya sa customer service o isa syang agent ng colcenter dahil hindi matigil sa kachi-chismis sa telepono habang kami ay nakatunga-nga sa harap nya at naghihintay, kung magkano yung ticket nila at anong oras yung susunod na screening. Sa sobrang importante nung chinichismis nya sa kaibigan nya eh hindi na nya nakuhang ibaba yung phone at basta sinenyas nalang nya na P185 yung ticket. Wow! akala ko mga P350 ang mga tickets nila! Hehe. At ayun, since mas maaga ng 30mins ang showing sa kanila kesa sa megamol, dun nalang kami nanood. Atleast yung 2hrs na bakante namin (7PM palang non) eh ipapanood nalang namin ng awarding nga nung fren ni Aldino.

Ateneo Art Gallery: Ang yayaman ng tao. Bagay na bagay kaming 2 ni Aldino sa lugar. Haha. Bakit kaya kapag mayaman, makikita mo agad sa balat nila na mayaman sila. Tapos kakaiba yung mga damit.Pati iba yung aura.
Shang Premiere Theatre: Sobrang naaliw ako dito. Sa Premiere theatre ng Shangri-La yung Inception, at nung pumasok kami ni Aldino, ang nasabi ko nalang ay, "wow pang-mayaman!" hehe. 88 seats lang meron ang Premiere theatre, at nung nanood pa kami eh halos 1/4 lang yata yung occupied. It would really make you feel na ikaw lang at yung screen sa harap mo yung nasa room. And not to mention, the image quality and the sounds! Superb!

Tuesday, August 3, 2010

So quick!

Nadukot sakin yung phone ko just this morning. My first time na manakawan...and I'm not proud.

Hindi ko ba alam kung bakit sa dinami-rami ng mga naririnig kong mga nadudukutan eh hindi pa rin ako naging alerto. Sa dinami-rami rin ng mga modus na napapakinggan ko sa TV eh hindi ko pa rin natandaan. Siguro dahil na rin sa hindi pa nga ako nawawalan kaya din siguro hindi ko pa natututunan ang mag-ingat sa gamit kapag nasa public places. And now it happened...

Kaninang umaga, bago ko umalis ng bahay, madeded-bat na yung phone ko. Pero naisip ko na wag ko na lang i-charge at sa opisina nalang para tuloy-tuloy ang pagcha-charge ko at para na rin tipid kami ng kuryente sa bahay, haha. Bago ko lumabas ng pinto, muntik ko pang makalimutan dalin dahil naaliw ako sa pinapanood ni ate Lez, hehe, pero ayun nga nakita ko at nilagay ko sa kaliwang bulsa ng pantalon ko na usually dun ko talaga nilalagay (oh, may idea na yung mga mandurukot dyan).

Habang nag-aabang sa crossing ng bus pa-Ayala, may 2 bus na rin siguro akong hindi sinakayan dahil sobrang siksikan. Pero nung pangatlo na eh sumakay na rin ako dahil baka ma-late na naman ako. Usually, kapag tayuan, gusto ko talagang mapunta sa gawing dulo, kasi medyo maluwag-luwag dun kumapara sa harap na ang sikip-sikip na eh ang dami pang bumababa at sumasakay. Pero this time, hindi ako maka-diskarte na makapunta sa bandang likod dahil sa sobrang dami ng tao sa may harapan. Nung nagba-baba na yung bus sa Boni, medyo madami yung pasaherong bumaba. Tapos merong lalaki sa likod ko na medyo sumiksik sakin akmang para makapag-bigay ng daan sa mga baba. Then medyo na-wirduhan ako kasi bigla nalang syang sumabay sa mga bumababang pasahero.

Dahil marami na nga ang nakababa, nagkaron na rin ako ng pagkakataon na makapunta sa bandang likuran ng bus kung san maluwag. Tapos kinuha ko yung wallet ko sa bag para kumuha ng pambayad at nilagay ko nalang sa kaliwang bulsa ng pantalon ko. Nagulat ako kasi ang bilis ko lang malagay yung wallet sa bulsa ko. Dahil usually mahirap yun isuksuk dun dahil nandun yung phone ko. At yun, kinapa-kapa ko. Until I realized...nawala na yung cellphone ko.

Bigla-bigla naalala ko yung lalaking bumaba sa Boni. Kaya siguro sya sumiksik nung una eh para i-distract ako. At nung time na bigla nalang syang naki-sabay sa mga bumababa eh nagtagumpay na sya sa pagkuha ng phone ko. Na-amaze lang ako of how he have done it so quick. Hindi ko manlang naisip.

Nalungkot lang ako dahil may mga taong kailangang magnakaw o manggulang sa kapwa nila. I didn't know kung ako man ang dahilan niya. Naawa nalang ako. He might gain something out of stealing, but in fact, he lose himself by doing such thing. Hindi ko na pinanghinayangan yung phone ko, well it's just a phone. Mahigit 1 year ko na rin naman gamit yun, at medyo hindi na ko natutuwa sa mga bugs ni Ericsson. Hehe.

Swerte na rin ako at ganun lang ang nangyari, wala ng panunutok ng baril o patalim. Pasalamat na rin talaga ko at hindi yun snatch, dahil baka ma-trauma ko kapag ganun. Buti na lang din at ma-dededbat na yun. Atleast kelangan pa nya ng technician para mabuksan yun dahil my security code. Ehehe. Nakakainis lang dahil kung kelan nakabisado ko na yung number ko sa sun tsaka pa nawala. Haha. Tapos kaloload ko lang nun na 1month unlimited nung Friday. Huhu.

Now I've learned my lesson. Hindi ko na ilalagay sa kaliwang bulsa ko yung phone...sa kanan na. Haha, joke! Basta alert lang kapag madaming tao. Pero mas maging alerto kapag walang tao. Di ba! Di ba! Phone lang yun. Mapapalitan at mapapalitan. Makabili nga bukas ng BB. Wow!