Monday, November 23, 2009

That's my boy!

It's birthday again! Talaga naman, ang daming nagbe-birthday kapag patapos na ang taon and this time it's Kua Leo's! Who's Kua Leo?

Hmmm, nakilala ko si Kua Leo through SFC(Singles For Christ) Community. Nung time na yun isa pa sya sa di ko pa masyadong napapansin kasi iba ang hawak nyang participants, ang mga kakilala ko lang syempre eh yung mga madalas kumausap sakin. First impression ko kay kua Leo, parang suplado. Kasi nga di nya ko pinapansin napapansin. Haha.

Habang tumatagal syempre mas lalo kong nakikilala si kua Leo. Hindi naman pala sya suplado. In fact, may sapi din pala to, may topak din kagaya namin. Haha. Sa totoo lang, tumaas ang repect ko dito kay kua Leo nung mga panahong nakikilala ko na sya, kasi sobrang dedicated sya sa pagse-serve sa community(He is already 7 years in the community) and he never complain. Pati basta nakakatuwa sya, hindi ka maiilang sa kanya. Mabait, matalino, masipag, masarap kasama, maraming napapansin, magaling makaramdam, songer, mahilig mang-asar, kengkoy, thoughtful... other side naman, hmmm... (nahirapan? haha) Meron bang bad side si Kua Leo??? Siguro dahil sa hindi pa talaga kami ganun nagkakakilala ng lubusan, wala pa kong nakikitang bad side, well tingnan natin...hehe..


HaPpY Birthday Kuya Leo!

(That's my boy ang title dahil muka syang kasali lang sa "That's My Boy" dun sa favorite nyang picture nya 
na wallpaper nya sa phone at primary picture nya sa facebook, hehe)

Friday, November 13, 2009

Harry Potter Movie Mistakes

Just got these photos from moviemistakes.com. Funny as I haven't noticed these mistakes when I've already watched these movies many times. (hindi observant, hehe)



 

 


Nice!.. hehe.. (^^,)

Monday, November 9, 2009

Music Min for CFC

hmmm, wala namang masyadong importante sa blog na 'to. Gusto ko lang ikwento na nag-music min kami(nila Gail at Aldine) sa assembly ng CFC(Couples For Christ) last friday. Wala lang, nakakatuwa kasi bagong experience. Kasama ko sa Music Ministry ng SFC. Last friday, ewan ko ba, kulang ang Music Min ng CFC ng POLA(Parish of Our Lady of the Abandoned) kaya kumuha sila sa SFC. Ayun pagdating ko sa chapel hinila agad ako ni Gail sa harap, ni hindi ko manlang na-experience na umupo muna. Haha. Pero ok lang, gusto ko talagang kumakanta. Pati masaya talaga kasi andaming tao (so pasikat ka?!). Hindi naman, hindi kaya maganda boses ko, alam ko naman 'yun, pero masaya kasi 'yung feeling na ikaw 'yung nagli-lead ng maraming tao sa worship songs, 'yun lang.

Thursday, November 5, 2009

Banidoso

Birthday po ulet!, this time its Alex's.

Sino ba si Alex??? Tulad ni Lorie at Monch, nakilala ko si Alex sa Pelatis. Nung una, ilag ako dito, kasi naman sobrang misteryoso ng dating, ang arte! Haha. Hindi nya kasi masyadong kinakausap 'yung mga 'di nya ka-close (tulad ko), ang kakilala lang nya eh 'yung mga ka-close nya kaya ayun. Tapos ang napansin ko pa dito kay Alex laging bulong ng bulong sa mga kaibigan nya, feeling ko tuloy laging may issue. Ewan ko ba, basta parang laging may nalalaman syang showbiz chikka. Haha. Isa pang naalala ko kay Alex nung hindi pa kami ganung ka-close eh nung naka-sama ko sya sa isang project. Tapos ang bilis nyang nagawa yung binigay kong task sa kanya (Integrator kasi ko dati sa AOR, eh kinailangan namin ng tulong kaya kasama si Alex sa backup), napahanga tuloy nya talaga ko nun(magaling! magaling!). Mabilis! Hehe.

I can say na medyo nakilala ko si Alex nung nagresign na ang halos lahat ng naka-close nya sa Pelatis. Syempre, alangan namang 'di pa nya ko masyadong pansinin eh apat nalang kaming natira don. Hehe. Ilang months din kami nagkasama ng ganun lang kami kadami kakonti, kaya ayun medyo naging kampante na 'yung loob ko sa kanya hanggang sa ayun nga, nagsara na 'yung company. 'Di din naman nagtagal after namin mawala sa Pelatis, lagi na ulit kami nagkikita ni Alex. Una, dahil kila Lorie at pangalawa, dahil sa SFC(Singles For Christ).

Si Alex na ata ang pinaka-badingdoso banidosong nakilala ko sa tanang buhay ko. Haha. Hay nako, natural nalang sa kanya ang pagiging maarte. Ayaw nya ng mainit, mga mumurahin, at ayaw nyang nagpapagupit sa tig-P40 na pagupitan. Ang nakakatuwa kay Alex, halos kabisado nya ang mga malls malapit sa mandaluyong, lahat ng puntahan, lahat ng simbahan, skwelahan, palengke, talipapa, sementeryo, PUJ at TODA, kaya kapag may hindi ako alam na lugar o kung may pupuntahan ako si Alex talaga ang tanungan ko, in short para syang Google map ng mandaluyong. Ano pa ba? medyo generous naman din to kapag mapera, madaldal, matanong, mahilig maki-usyoso, matalino kaso tamad lang. Haha.


 HaPpY Birthday Alex!

 One more thing, mahilig din pala to magpa-picture. Haha.

Wednesday, November 4, 2009

Almost!

1:30AM naglalakad kami ni Mark sa Barangka Drive pauwi ng biglang...

Mark: Ui jd! (sabay hatak sa kamay ko at dali-daling nag-shift ng paglakad pabalik sa pinanggalingan namin)
Ako: Bakit? (nabigla, taranta, pero sumunod naman ako sa kanya)

Bago mangyari yun, may pinag-uusapan kami ni Mark na medyo seryoso, kaya nagulat ako nung bigla nya kong in-interrupt sa sinasabi ko dahil nga bigla nya kong tinawag sabay hatak. Nung hinatak nya ko, dun ko nakita na may lalaki pala sa likod namin na kahina-hinala ang itsura. Siguro mga 2 steps nalang talaga 'yung layo nya samin nung napalingon ako sa kanya. Grabe! kinabahan talaga ko nung nakita ko yung lalaki. Hindi ko kasi sya napansin na sumusunod samin. Sabi sakin ni Mark, bigla nalang daw talagang sumulpot 'yun sa likod namin. Bali 'di pa kasi kami nakakalayo sa Mcdo nun, tapos sabi nya, nung dumaan daw kami sa kanto(Sulatan St.), may nakita syang lalaki dun na nakatayo. Maya-maya lang after namin makalampas dun, napansin na daw nya na sumusunod na samin hanggang sa palapit na ng palapit. Wala kaming kasabay na naglalakad nun sa kalye, wala din masyadong nagdadaan na sasakyan, kaya kung iisipin mo na baka normal lang sya eh bakit sa likod pa namin sya dumidikit eh ang luwag-luwag ng kalye, pwede naman sya sa kabila, o kaya 'wag naman syang masyadong malapit samin. Kinakabahan na daw si Mark nung time na napansin  na nga nya na sinusundan kami nung lalaki, ako naman walang kamalay-malay. Nung nakita ko 'yung lalaki nung paglingon ko nakita kong parang kinabahan din s'ya. Tsaka halata sa kanyang may gagawin talaga s'yang 'di maganda. Bigla kasi syang nataranta. Basta, hirap paliwanag nung reaksyon nya. Nung bigla kaming lumiko pabalik, ayun nga parang nangilag yung lalaki. Kami naman ni Mark lakad ng mabilis pabalik sa Mcdo, marami kasing tricycle driver dun, atleast ma-tao. Habang naglalakad kami pabalik, tinitingnan-tingnan ni Mark kung san pupunta 'yung lalaki, tapos maya-maya sabi ni Mark pinara daw 'yung tricycle na pabalik sa Boni tsaka sumakay papuntang crossing. Kita mo, bakit naman bigla syang sumakay after namin umalis? Para hindi mapansin na holdaper nga sya? Patay malisya? Eh kung nung una palang plano na nyang sumakay ng tricycle, eh d sana sa pila nalang sya sumakay. O kaya 'yung sinakyan nyang tricycle eh 'yung papuntang crossing talaga. At tsaka ano naman ang tinatayo n'ya sa kanto bago kami madaan don? At kailangan pagdaan namin sasabayan nya kami? Kaya ayun, thank God talaga at walang nangyari samin. Pasalamat din talaga kong kasama ko si Mark nun, minsan kasi ako lang mag-isa naglalakad. Isa pa, sanay naman talaga kami ni Mark na naglalakad dun, wala namang nagyayari. Tsaka maliwanag sa gawi na 'yun. Ang lakas ng pakiramdam ni Mark. Ang galing. Hehe.

Tuesday, November 3, 2009

Simoy ng Gastos


Ayun, nag-aayos na sa kahabaan ng Ayala Ave. ng christmas decor. At ang pinaka-nagustuhan ko talaga eh ang pagtatanim nila ng poinsettia sa island. Cute 'di ba? Hehe.

Naamoy ko na ang simoy ng gastos, ilang tulog nalang pasko na! Yipee! (^^,)

Hapi Berday to me!




Pagbukas ko ng pinto ng bahay kahapon ng umaga paggising ko ito agad ang nakita ko. Balloons. At purple* ah! Hehe. Wala bang party hats??? Ang hilig talaga sa surprise nila dadi.

Naalala ko last yir plano ko konti lang ang bisita ko. Mga close friends nung high school, college at sa work lang. At ganun din, paggising ko ng umaga at paglabas ko sa pinto, aba! bakit may lona sa bakuran namin?!? Ang inaakala kong close friends lang na bisita ay naging buong baranggay na. Simula sa mga kapit-bahay namin, mga kamag-anak, mga kumare ni mami at family friends, ayun naki-celebrate sakin. Sabi tuloy ng mga classmates ko, "wala palang bisita ah!" haiii, sori ah, ako din akala ko konti lang bisita ko. Hehe. Pero 'di naman ako nagko-complain. Masyado lang akong na-surprised. Pati ok lang naman sakin. Masaya ko syempre. Tapos andami-dami palang niluto nila mami (kinailangan ba naman ng 3 cook at mga katulong sa kusina, anu pa!). Merong pang order na ice-cream. Simula gate namin hanggang sala hanggang sa likod ng bahay may bisita. Akala tuloy nila 21 na 'ko. Hehe.

This yir, 21 na talaga ko. Actually wala talaga kong balak maghanda. Eh kaso ayun, bigla nalang. Mga close friends na available sa bulacan lang ang bisita ko, eh anu pa nga ba? eh di syempre naiba na naman. Hehe. Nagluto ako ng 2 kilong carbonara (Nung undas dapat ako magluluto ng carbonara, pero 'yung pinsan ko na kasi nagdala ng mga pagkain). First time ko. Hehe. Nagpaturo ako kay lorie, tsaka dito sa kasama ko sa opisina. Kinakabahan pa ko nung una kasi 'di ako sigurado kung ano magiging lasa nun kapag ako ang nagluto.

Nung nasa grocery na 'ko eh di ayun kuha ng kuha ng mga kailangan. Napag-isip-isip ko ang mamahal pala ng ingredients, 1k lang budget ko (eh bakit ba kasi naisipan mo 'yang carbonara?!). Gusto ko carbonara kasi para maiba naman. Lagi nalang palabok at spaghetti. Tapos ayun nga, binigyan din ako ni dadi ng 120 para sa tatlong 2litro ng softdrinks. Nung malapit na ko sa cashier, sabi ko kay God, "Lord sana magkasya pera ko dito(sa binili ko)" Then nung magbabayad na ko, ang bill ko ay dyaaraaaann!... P1,123.65. Sabi ko kay God, "Lord sakto nga, wala manlang akong sukli, hehe" (Nagreklamo pa!).

Tapos ayun nung nagluluto na'ko:

Nanay: (tingin sa niluluto 'ko) Ganyan ba talaga lutuin 'yan?
Ako: Ou ganito. (sa totoo lang kinakabahan na'ko nun dahil 'di ako sigurado, haha)

Maya-maya:

Jewel: (tingin sa niluluto 'ko) Bakit ganyan kuya?
Ako: Bakit?
Jewel: Parang sauce ng lumpia.
Ako: Hindi noh! Ang bango nga eh.
Jewel: Ganyan ba talaga lutuin 'yan?
Ako: (Naiiyak na dahil 'di ko rin alam kung ganun nga ba lutuin 'yun, haha)

'Di nagtagal, halos luto na 'yung carbonara. At nung tinikman ko...wuhuu lasang carbonara na nga s'ya! Hehe, tinimpla ko nalang at nilagay 'yung ham, bacon at mushroom. Pagkalagay ko ng sahog...mukang napadami. Hala! parang naging ulam! Hehe, napadami ang ham at bacon. Hay 'di bali na, basta masarap naman s'ya. Nung time na nagluluto ako wala manlang nagrereply sa mga invited ko, akala ko tuloy wala na kong magiging bisita. Sayang naman 'yung effort ko, huhu. Pero ayun pagdating ng mga 4pm nagsimulang magdatingan na ang mga hinayupak. Mga hindi nagrereply akala ko tuloy hindi na sila pupunta.

At 'yun nga andami ko na naman bisita, pero 'di na kasing dami nung dati. Nagpaluto din pala si mami ng palabok, at nagluto din ng maja blanca. Kaya pala busyng-busy sila. Nasorpresa na naman ako, hehe. Nakaktuwa kasi maraming nasarapan sa luto ko, well...tinatanong pa ba 'yon? Kapag ako nagluto, understood na. (Yabang, haha) At the end of the day, It's been a great day indeed!

Salamat sa mga bumati sakin sa text, facebook at fs!
Sa mga tumawag at nag-abala sobrang salamat din!

*kaya purple 'yung balloons eh galing pala 'yun sa debut at hindi talaga pinagawa para sa birthday ko.

Undas


Tradisyon na ng pinoy ang pagdalaw sa sementeryo twing November 1. Pero bakit nga ba november 1 eh ang araw naman talaga ng mga kaluluwa eh november 2?? Dahil ba sa halloween eh October 31?? (anong konek?) Basta November 1!, meron din namang ibang family na November 2 dumadalaw sa mga patay nila para daw konti nalang ang tao. (Takot kaya sila sa tao???) Mas masaya kaya kapag maraming tao!, Hehe.

Hmmm, sa panahon ngayon iba-iba na dahilan ng mga pinoy sa pagpunta sa sementeryo. Mayrong para maka-gala lang, maka-tambay, magnegosyo, magtinda-tinda, mag-chicks gazing, boys gazing, merong para makipag-yabangan sa mga matagal ng 'di nakikitang kamag-anak, mayron naman para makipag-chismisan lang, para makipag-magandahan ng puntod, meron para makita 'yung mga classmates nung elementary high school o college, meron din naman na talagang para sumunod sa tradisyon at iba pang mga kadahilanan.

Nung bata pa 'ko maghapon talaga kami sa panchon. Umaga palang nandun na kami hanggang gabi. Wala naman kaming ginagawa kundi naka-upo sa harap ng nitso. Kung hindi nakikipag-daldalan sa katabi, nanginginain o kaya nangongolekta ng kandila. Hehe. 'Di ko rin ma-gets bakit nga ba ganun. Maghapon ka naka-bantay dun. Basta ang alam ko lang, gustong-gusto ko kapag sa st. james kami nagpupunta, kasi madaming tindahan dun pati laging may perya. Hehe. Tsaka maluwag dun kasi sa lupa naka-libing 'yung mga patay. Haiii, those old days. Ngayon kasi hapon nalang ako nagpupunta sa panchon, mainit kasi sa tanghali. Mainit na nga 'yung mga kandila mainit pa 'yung sikat ng araw. Redundant. Pati nanlilimahid na rin ang mga tao nun, problema pa masisilungan kung walang bubungan 'yung nitso n'yo o kaya wala kang dalang payong. Kaya ayun, hapon nalang ako nagpupunta para malamig na. Pati matagal na 2 oras ngayon pag dumalaw ako ng sementeryo. "Everything's changed now, isn't it?" - Hermione Granger, Goblet of Fire

Welcome Home

Naiyak talaga ko nung binigay bigla ni Jeana(bunso kong kapatid, 9yrs old) sa'kin to...


(Front)


(Back)

Huhu, hindi ko talaga ma-explain 'yung feeling na 'yun. Sobrang surprised at overwhelmed talaga ko. Sabi nila mami lagi daw n'ya titatanung kung kelan daw ako uuwe. Pati sabi sa'kin ni Jewel(kapatid kong pangalawa, 16yrs old) nakatulog na daw si Jeana nung saturday kakahintay sa'kin sa pag-uwe ko. Nung nabasa ko talaga 'yung "Welcome HOME Kuya" parang sasabog 'yung dibdib ko (this is true) sa sobrang love na pinaramdam n'ya. Tapos kinukwento pa n'ya sa'kin pano n'ya ginawa 'to. Nakakatuwa. Ito talaga 'yung mga bagay na hindi mapapalitan ng kahit ano pa sa mundo. And I thank God for giving me my sibling and the opportunity to experience this kind of Love and joy. I'm definitely Home.

But wait, there's more! (parang TV shopping lang)



(Sulat n'ya sa'kin)


(Cake ko)

No words.

Pila sa terminal



(ES Terminal sa Cubao)

Nagdesyd ako na saturday ng tanghali nalang umuwe (Oct. 31) ng bulacan dahil alam kong uumagahin na naman ang uwe ko kung friday ng gabi ako luluwas. Pero ayun, pagdating ko sa terminal....pagkahaba-habang pila din ang naabutan ko. *sigh*

Usually sa ES Transport ako sumasakay pauwe ng bulacan. Last yir, sa Ortigas pa ko pumapasok, umuwe ako ng bulacan ng friday night. Malakas pa loob ko nun na umuwe dahil 'di ko pa nararanasan ang pumila sa terminal. Pati wala naman akong choice kasi uwian talaga ko (si jd, patawa). Hehe. 5pm ako umalis ng opis at grabe!, mag-aalas syete na ko dumating ng Cubao! (Ayos talaga ang kalye ng EDSA) Ayun, sige patawad na 'yun. Pagbaba ko sa Cubao...naknakan ng dami ng tao sa terminals! Pero wala din naman ako magagawa kundi maki-pila sa kanila, syempre kelangan ko ding umuwe. Kaya 'yun, pumila na nga ako at ng maka-uwe na. Nung nasa pila na 'ko, nun ko lang narealize na umabot na sa terminal ng Baliwag ang balu-baluktot na  pila sa ES at take note, walang bus ang ES sa terminal nila! Waaaaaaaaaa!!!!!!! Gusto ko ng umuwe... huhu... Lahat daw ng bus nila eh nasa biyahe na at 'yung iba pauwe palang. Ilang minuto lang nakalipas, may mga dumating na Kellen bus sa terminal nila. (ES din pala may-ari ng Kellen dito sa Manila). Mas okay ang Kellen kasi mas marami ang capacity. May tatluhang upuan kasi sila, eh ang usual bus ng ES eh panay dalawahan lang. Akala ko magiging mabilis na ang pag-usad ng pila dahil medyo sunod-sunod na pagdating ng mga bus sa terminal, pero ayun pinaasa ko lang ang sarili ko. Hehe, from 7pm 'til 12:30mn ako nakatayo sa pila ng walang kainan. Grabe!, 2am na ko nakauwe sa bahay. 'Di ko inaasahan na magiging ganun katagal ang byahe ko pauwe. Hai, Now I've learned my lesson. Pero ok lang, atleast nakauwe. Hehe.

Since last wik, napag-desisyunan ko na rin na saturday nalang umuwe, naglaba nalang ako nung friday night, para kako paggising ko sa umaga eh tuyo na at uuwe nalang ako. Pero tulad din ng paghihintay ko dati sa pila sa terminal, pinaasa ko lang din ang sarili ko. Paggising ko ng saturday at pag-check ko sa sampay ko, basa lahat. Haaaaaaaa!!!!!! Huhu, na-anggihan pala sa sobrang lakas ni Santi (bagyo) nung gabi na 'yun. Kainis talaga. Ayun dinryer ko ulit. Pagtingin ko labas napaka-makulimlim at punong-puno ng ulap sa langit. Sa isip-isip ko imposibleng umaraw kaya pano kaya ako makakauwe kung 'di ako makaktuyo ng sampay??? Then kinilabutan talaga ko nung pagsilip ko sa veranda(wow mayaman, may veranda!) sumisikat ang araw!!! Napahiya ako ke God, wala nga palang imposible. (Sori po) Ayun sa sobrang tuwa ko hinablot ko na lahat ng sampay ko at pinaarawan sa takas na sikat ng araw. Whew!, Thank God! At 'yun ilang minuto lang naman natuyo na din ang sinampay ko at nakaluwas na nga ako pauwe.