Last Labor Day, sumama sila Mark at Bebe samin sa Pulilan para maki-fiesta. Well, hindi naman ganun kagarbo ang fiesta samin kasi fiestang baranggay lang yun pati medyo nalilito na ang tao kung kelan ang totoong araw ng fiesta. Minsan kasi August 16 ang fiesta samin, minsan May 1 tulad ngayong taon, depende sa namamahala. Kaya naman ayun, pati mga bisita nalilito na kung kelan sila pupunta. Hehe.
Mga 3PM na yata kami nakarating samin, at sa kagustuhan naming makarating sa Barasoain ng may araw pa, medyo namahinga lang kami ng konti at kumain ng konti tapos lumakad kami kaagad papuntang Malolos. Medyo na-miss ko talaga yung byahe papuntang Malolos, pati Malolos mismo at kapitolyo syempre, hehe, matagal-tagal na din kasi nung huling punta ko dun. At ayun, ganun pa din, walang masyadong pagbabago. May nakita lang akong bagong tayong commercial spaces sa "Little Forest" sa harap ng Capitol Building.
Well anyway, ayun pina-experience ko din kila Bebe ang sumakay sa cute na cute na Jeep sa Malolos na kilala sa lugar na "Karatig". Muka syang owner-type jeep...actually owner-type jeep sya. Haha. Basta maliit lang, para lang sa mga sexyng pasahero. Ganito itsura...
Dumating kami ng Barasoain Church (also known as Our Lady of Mt. Carmel Parish) siguro mga 4:15PM at kasalukuyang may kasal. Ito namang si Bebe Dora kilig na kilig, daig pa yung kinakasal. Haha. Natuwa naman kami kasi since may kasal, bukas yung simbahan at pwede kami makapasok sa loob. Isa sa pinakamahalagang struktura ang simbahan ng Barasoain hindi lamang sa relihiyong katoliko kundi pati na rin sa kasaysayan ng Pilipinas. Dito kasi tinatag ang 1st Republic, ang 1st Congress at ang Malolos Constitution. (Wow history???)
Kahit hindi nyo pa itanong, ipipilit ko pa ring sabihin na itong simbahan ng Barasoain din ang kauna-unahang building na napasukan ko. Sabi kasi nila dadi, pagkalabas ko sa clinic na pinag-panganakan sakin, dito daw nila ko unang pinasok. Wala lang, makapagyabang lang. Haha. At kahit madalas man ako sa Malolos dati, pangatlong beses ko palang 'to makapunta at makapasok sa Barasoain. Ewan ko nga ba, siguro di ba kasi kapag malapit sa inyo ang isang tourist spot eh parang usual na pangitain nalang sa'yo yun??? Kaya hindi mo naman masyado nabibigyan ng importansya. Pero totoong nakaka-amaze talaga kapag nakita mo ng personal 'tong simbahan. Lalo na nung umiikot pa ang 10 pisong papel kung san naka-print sa likod yung picture ng Barasoain Church. (Hanapin nyo yung pusa, hehe)
Pagpasok sa loob, feeling mo bumalik ka sa lumang panahon. Ramdam at kita kasi ang kalumaan ng simbahan. Yung mga makakapal na batong pader, yung mga columns, carvings, paintings, yung mga kahoy na ginamit, yung altar, yung mga bintanang yari pa rin sa capiz shell, yung style mismo ng structure at lahat ng makikita mo sa loob.
Meyo umandar ang kakulitan namin kaya akyat kami agad sa anu bang tawag dun? yung kinakantahan ng mga choir sa taas? sa may bandang likod kapag naka-harap ka sa altar??? Oh basta ayun, akyat kami don tapos picture-picture. Hehe. At hindi pa don nagtatapos. Itong si Mark, pilit kaming inaayang pumasok dun sa masikip na eskinita na parang kweba pa-akyat sa kampanilya, eh nakakatakot kaya kasi ang dilim-dilim, ang sikip-sikip pati parang ang dumi-dumi. Pero kunyari lang na ayaw ko, gusto ko lang magpa-pilit, syempre dapat pakipot muna sa umpisa. Haha. Ayun nauna si Mark pumasok tapos ako, tapos si Bebe. Grabe ang sikip talaga, parang yungib. Tapos parang sapot-sapot pa. Parang pang-horror. Tapos nung nasa hagdan na kami paakyat, itong si Mark sobrang excited madaling-madali. Ako naman parang natatakot na, haha. Hindi naman sa duwag (weh!) pero alam mo yon. Para kasing feeling ko kaming 3 nalang ang tao dun. Tapos ang sikip talaga nya, makikitid yung steps, madilim, tapos pwede ka nang magtanim sa bawat steps ng hagdan sa sobrang kapal ng lupa na parang 50years ng hindi naaakyatan. Ito namang si Bebe takot na takot din, ni hindi nga tumapak sa hagdan. Baka daw kasi bawal pumasok dun. Pati parang sa Sukob daw. Waaahh! Medyo affected naman ako kasi nai-imagine ko yung creature sa Sukob baka biglang hatakin nalang kami don. Haha.
Pero bago pa man kami ma-praning ni Bebe sa loob, lumabas na rin kami at hindi na pinilit ang aming mga sarili na umakyat pa sa taas. Paglabas namin sa yungib, sabay may pumsok na 2 babae, tapos nakita nung bantay sabay sinita na bawal daw pumasok dun. Haha! Bawal pala dun, hindi lang alam ni kuyang caretaker na nakapasok at nakapag-picture na kming 3 sa loob. Hehe.
Pagkatapos nun, sa labas naman kami pumwesto. Hinintay din kasi namin lumabas yung kinasal. Ang cute kaya! Sweet. Mukang mayaman. Andami kasing umaasikaso. May make-up artists, photographers, mga organizers atbp.
Ayun, after namin manggulo sa Malolos bumalik na rin kami sa bahay para manginain at dun naman mangulit.
Address: San Gabriel, Malolos, Bulacan
No comments:
Post a Comment