Kahapon, isa na namang kahindik-hindik na adventure ang nangyari sakin dahil sa may kung ano na pumasok sa kautakan ko at naisipan kong pumunta ng megamall, ng San Juan at di kalaunan ay sa Quiapo. Haha. Ewan ko ba, minsan talaga pabigla-bigla nalang ako mag-decide.
Habang papunta sa Megamall nakasalubong ko pa si Kuya Lucky (officemate sa Pelatis) at sa dinami-dami na lugar na pwede kaming magkita, dun pa sa gitna ng kalsada EDSA corner Shaw habang nananakbo ako at pa-green na ang street lights. Haha. Sa gulat ko nahampas ko nalang tuloy sya. Sori naman kuya Lucky. Hehe.
Ayun, after kong maglaboy sa Megamall, sugod naman ako sa Greenhills para tumingin ng mga polong pamasok at ng kung ano pang pwedeng mabili. Ang kaso, 3 oras na yata akong nagii-ikot dun sa tyanggian at halos kilala na ko ng lahat ng tindera don eh wala manlang akong nabili kundi yung isang pulang T-shirt. Hayy.
Akshuali ganun talaga ko kapag namimili, sobrang lahat ng tindahan titingnan ko muna, tapos pili-pili, tawa-tawad. Matagal talaga ko mamili ng bibilin, kaya nga gusto ko mag-isa lang ako kapag ganun. Ayoko kasi ng may iniisip kang kasama. Nakakahiya pati na mag-ikot-ikot at magtagal kapag may kasama ka. Minsan naman kelangan ko ng kasama, lalo na kapag gusto ko ng second opinion sa mga bibilin ko. Ganun lang, pero kapag personal na mga bagay ang bibilin, I'd rather be alone. (Huwow!)
Ayun nga dahil sa inis ko at wala akong mabiling polo, naalala kong may Bus na byaheng Quiapo sa harap ng GSC (Greenhills Shopping Center), kaya ayun naisip kong mag-Divisoria. Haha.
Nung nasa labas na ko ng GSC, nagdalawang-isip pa ko kung pupunta ko, kasi naman 3:30PM na nun, eh magsisimba pa ko ng 6 or 7PM. Tapos may praktis pa para sa concert, pero nung biglang may bus na na byaheng Quiapo, ewan ko ba bigla nalang akong sumakay. Haha.
First time kong bumyahe papuntang Quiapo galing San Juan kaya medyo excited ako sa mga makikita ko sa byahe. Mahilig kasi talaga ko sa ganung mga trip. Mag-explore kahit hindi naman ako si Dora. (Oh sige na korni na)
At ayun, nung una kabado ako kasi hinding-hinding-hindi talaga pamilyar sakin yung mga dinadaanan nung bus, pero nung makita ko na ang Centerpoint natuwa naman ako kasi pamilyar na sakin yung lugar na yun. Dun kasi kami tumambay ni Jan-jan nung sinamahan nya kong bumili ng gitara. Weee!
Tapos nakakatuwa kasi for the first time nasilayan ko din yung San Sebastian Church na matagal ko ng pangarap mapuntahan. Gusto ko na nga sanang bumaba nung makita ko, ang kaso limited nalang yung time ko para mamili sa Divi, kaya ayun tuloy lang sa byahe.
Medyo kinabahan ako nung biglang nakita ko na sa Ayala bridge dumaan yung bus, eh kabila na yon ng Quiapo!!! Waaah! Tapos nakita ko pa yung sign ng bus nakalagay TAYTAY na at hindi na QUIAPO! Kabog! Kabog! Kabog! Hay nako kaba talaga. Pagbaba ng tulay at bago pa man ako mag-sterical sa sobrang nerbyos at takot maligaw, pinakiramdaman ko muna kung san liliko yung bus. Sa isip-isip ko, dapat kumanan 'to para dadaanan kami ng City Hall. Medyo mapapanatag na rin kasi ko kapag nasa City Hall na ko dahil alam ko na yun at marami na kong masasakyan pauwi ng Mandaluyong.
At ayun, tuloy ang adventure ko dahil kumanan nga si kuyang driver at dumaan kami sa City Hall, tumawid ng Quezon Bridge at ibinaba ako sa Recto. Ok naman, dun naman pala talaga ang ruta nila, liliko muna sa Ayala Bridge, masyado ko lang pinag-alala sarili ko. Haha. Akala ko naman kasi nalagpasan na namin yung babaan ng Quiapo at hindi ko lang narinig nung nasa Ayala Bridge na kami dahil sa sobrang amazement sa San Sebastian Church. Mahilig din talaga kasi ko sa architecture. Wala lang sinabi ko lang. Hehe.
Natuwa naman ako nung naka-baba na ko ng bus. Kasi syempre hindi na ko naliligaw. Hehe. Naisip ko na 'wag na rin magpunta ng Divisoria, nakakatamad na kasi. Magsisimba nalang ako sa Nazareno, at habang iniisip ko yun at naglalakad sa footbridge, bigla nalang may naka-pukaw ng atensyon ko. Sa gitna ng footbridge, sa ilalim ng tirik na tirik na araw ay napaka-dami at sunod-sunod na nakalatag na mga panindang "sex toys"! Waaahh! May mga bata na nakakakita at wala silang paki-alam! Grabe, considering they're in the vicinity of Quiapo Church, which, in history is one of the center of Catholic Church in Manila eh ganito ang makikita mo! Tsk.. Tsk.. Walang modo.
Well anyway, isa pang napansin ko eh sobrang dami na talaga sigurong masasama ang loob at mga halang ang bituka dahil mantakin mo ba namang pati ang simbahang eh punuan mo ng matataas na bakod na may tulis-tulis pa sa taas! Hayyy, sayang ang ganda ng facade ng Quiapo Church at ng Plaza Miranda dahil sa ginawang gate at bakod. (Hindi ko na binalak pa na picturan dahil baka mahablot lang ang phone ko at umuwi akong nguma-ngawa, hehe)
After nun, hindi ko naman alam kung pano babalik ng Mandaluyong. Haha. Naisip ko baka may byaheng jeep na dadaan ng Stop&Shop sa harap ng Isetan kaya naglakad nalang ako papunta dun at nagmasid ng mga bumabyaheng jeep. At ayun binggo! Stop&Shop mismo ang byaheng nakita ko! Hehe. Nakaka-pagod man at nakakapanlagkit, masaya naman ako kasi I Survived! 'Till next trip!
**Ang haba na pala ng post ko, haha.
No comments:
Post a Comment