Wednesday, March 16, 2011

CamSur Watersports Complex

Nung una akala ko ang CWC eh nasa tabi ng dagat, o ng lake. Yun pala nasa gitna ng Capitol compuond. Hehe. At napa "OH?? (with matching panlalaki ng mata)" talaga ako nung malaman ko na ang first-class complex na 'to eh operated ng local government. Ang galing! (hindi ko naman minamaliit ang gobyerno, nasanay lang kasi ako na kapag ang gobyerno nagpapatakbo ng business, it's either napapabayaan o nebebenta) But really, kudos for the local government of camsur. It is such a wonderful place.


Naisip ko nga, "Dati naririnig ko lang kay Dyan Castillejo ang CWC. Napapanood ko lang dati sa Sports Unlimited and now I'm here! I'm here!". Ang sarap mag-wake. Yun nga lang masakit sa braso sa una. Mantakin mo ba namang hilahin ka ng kable. Tapos dapat sa una mahigpit yung hawak mo sa cable, kasi mabibitawan mo talaga kung hindi. Ok din naman ang price, P160 yata per hour, nakalimutan ko na. Hehe. For 2 hours, you can use the pool for FREE. Oh di ba pwede na!

Ako yan naka blue!
Naks! Ganyan ang tamang pag-ikot.
Meron namang magtuturo how to do wakeboarding. Sa una as beginner, yung naka-luhod muna. Then if you think kaya mo na ng nakatayo, you can try. Yun nga lang I think it's really not that easy as it looks. So 1st hour namin we tried yung nakaluhod, then for the second hour dun naman kami nanggulo sa nakatayo, pero dun kami sa beginner pa rin syempre. Hehe.


Medyo nakakalito sa una kasi hindi mo pa alam ang gagawin. Sasabihin sayo nung trainor na wag daw hilahin yung cable eh ang kaso kapag palubog ka na ang tendency hihilahin mo talaga yun di ba! haha. Pero after several times of trying, nakuha ko na rin sya at tama nga si kuya, "wag hilahin ang cable". Kasi kapag hinila mo sya, lalo kang lulubog. Sayang nga lang na twice lang ako nakatawid. Kung kelan naman kasi kaya na namin ni Monch at nag-eenjoy na kami tsaka lunch break na pala. Hayyy. But atleast we've experienced na nakatayo. Hehe.


It's been a fun-filled day with my friends. Sinulit talaga namin ang bakasyon sa CWC. Sabi nga, minsan lang yun. Maghapon kaming nagbilad sa araw. (kaya pagbalik namin sa Manila para kaming inihaw, hehe) Tinry din namin yung mga activities sa Lago Del Rey. Swimming, Trampoline, Obstacle race, kayaking. Ang saya!

Mayon Volcano

One thing that Mayon can be described - Majestic! Ang ganda talaga ng itsura nya! Para syang Hershey kisses na malaking-malaki! Hehe. God is so great to give us such wonder. Nakaka-tuwa syang tingnan, perfect cone talaga!


Sa pagkaka-tanda ko (Naks! Ikaw na ang henyo!), ang Mayon Volcano o Mt. Mayon ay isang active stratovolcano (nose bleed!). It is the most active of the active volcanoes in the Philippines, having erupted over 49 times in the past 400 years. The most destructive eruption of Mayon occurred on February 1, 1814 bombarding the nearby towns with volcanic rocks, killing 2,200 locals.


Don't judge the book by its cover nga daw. Or let's say, "Don't judge the volcano by its beauty"? Dahil kahit gano ka-ganda itong si Mayon, eh napaka moody naman. Madalas mag-tantrums. Haha. Nung nagpunta kami sa Cagsawa, halos nakatakip ng ulap si Mayon, hindi tuloy masyadong kita yung tuktok. Tapos nung paalis na kami, may mga mayayaman na seniors na dumating, at bigla nawala yung ulap sa tuktok ni Mayon. Bakit ganun?**

**Sabi-sabi, kapag nagpunta ka daw ng Mayon (o nakasakay ka sa airplane at dumaan yung airplane sa gilid ng Mayon) at hindi mo nakita ang core nito (dahil sa ulap) ibig sabihin daw nun eh hindi ka na daw birhen. Sa mga birhen lang daw nagpapakita ng buo si Mayon. Ibig sabihin ba non? hehe. bahala na kayo maghusga

I Stand!

Ang tagal ko na palang hindi nakapag-post. Hehe. Anyway, last February, for the first time nakasama ko sa ICON (International Conference). Sobrang excited ako kasi bukod sa unang beses akong makaka-attend ng ICON, first time ko din pumunta ng Bicol at first time ko din sasakay ng eroplano. Yipee!


This conference, opposite of what I'm expecting, is not so different with Metro Manila Conference. Siguro dahil ang Metro Manila din ang nag-organize kaya halos pareho lang sila ng program. But nonetheless, it leaves us a very clear lesson: to stand for everything we believe - with conviction!

Pero ang pinaka-natutunan ko talaga sa conference na to, is to always be on guard, Jesus should remain my focus. There's a lot of enticing temptation that the enemy is throwing at us, and most of the time we didn't even realize that it is actually from him. Kaya if there's a little bit of doubt in you, even a hint of doubt in your heart about something, then pray. It is our best weapon.

Friday night, dahil nainggit kami sa pictures nila Aldino at Marie sa CWC, pinlano namin ni Monch na mag-CWC din ng Saturday afternoon after ng workshop. So logically, wala namang masama sa plano namin na yun right? Aattend naman kami ng workshop sa umaga then after nun tsaka kami mag wake. Pero kung iisipin mong mabuti, parang may mali. Una, we are there because of the conference. Pangalawa, Saturday is scheduled for our workshops, confessions, counselings etc., Pangatlo, Saturday afternoon, our chapter is the appointed service team for one of the workshop. So there we go, alam ko lahat yan pero tuloy pa din ako sa plano. But God works fast. He is rescuing us even before we ask for Him to do so. Alam mo ba ang ginawa nya? He told the Governor of CamSur to make the wakeboarding free for SFCs. Siguro iniisip nyo, "Oh eh di mas maraming SFC ang magwe-wakeboard nalang kesa umattend ng activities ng conference", well maybe you're right. But come to think of it. Since we are not paying, do you think they will make us their priority? Maraming foreigner dun na willing magbayad. And FREE for six of thousands of people... what will you expect? Mahabang-mahabang pila. One more thing is, (based on my observation, correct me if I'm wrong) the wakeboard facility can only accomodate 10 to 15 persons per hour, depende pa yung kung ilang hours yung binayaran nila. So, siguro makakapag-wakeboard ka kung alas syete o alas otso nakapila ka na. And there you go, dahil makulit kami, tinry pa din namin ni Monch after ng workshop. Pila kami, sige pila! ...and our wakeboard plan for Saturday fails. We fall on number 80+ and they are serving customers number 46. Take note that every customer number can be a group. Baka abutin na kami ng hating-gabi eh hindi pa kami naka-wakeboard.

This is just a simple tactic of the enemy. He uses our weaknesses and insecurities against us. Satan will make us feel defeated. He does not even want us to try. Pero tulad nga ng sabi ko, God is in rescue. Our armor is Christ Himself. Pray. We have already won this victory 2000 years ago. All we have to do is to keep this victory on us. Sabi nga ng isang brother, "If the devil could do anything he wanted, there would not be a single living person left on earth". That is so true.

Keep in mind who you are and whose you are. - You are God's. That is final and true.