Actually napag-usapan na namin yun nung huling nag-household kami, na magbe-bake nga kami ng cake. Pero hindi ko naman alam na kagabi na pala yun, kung alam ko lang eh di sana nagdala ko ng
Oh baka mapasukan ng langaw ang mga bibig nyo, haha (Aldine at Mark). Habang naghahalo si Kuya Jao todo explain sya sa mga ginagawa nya, parang cooking show lang sa TV. Ehe. At kami naman na curious, walang katapusan ang mga tanung. Pero yung mga mas gustong kumain (alam nyo na) ayun at nakatahimik lang at inaabangan nalang na maluto yung cake. Haha.
At syempre kung nasan si Kuya Jao nandun kami't mga nakatanghod. Kanya-kanyang pwesto. Nakakatuwa kasing panoorin. Pero syempre pinapa-try din nya samin yung mga steps para matuto din kami at ma-experience. Buti nga pasensyoso tong si Kuya Jao sa makukulit at maiingay. Hehe.
Di rin naman nagtagal eh hands-on na rin kami sa paggawa. Syempre papayag ba naman kami ng hanggang sulyap lang? Ayun kanya-kanya ng hugas ng kamay. May nagsasala ng itlog, naghahalo, nagsusukat ng ingredient, nagpe-prepare ng lalagyan at kung anu pa! Oh di ba parang T.H.E. subject lang. Haha.
Habang kami naman ay busyng-busy sa mixtures namin para sa brazo, si Cy at Kuya Jao naman eh nandun, sila na nagbabantay ng cake sa oven. Nauna na kasing magawa yung mixture para sa chiffon cake. Naka-dalawa pa nga kaming tray, isang nanay tsaka isang baby. Mga 15mins palang nauna ng maluto si baby chiffon, ang kaso ganito ang nangyare...
...nagmukang brownies. Haha. (sige isipin nyo nalang chocolate cake yan) Pero ok lang dahil masarap naman "DAW". Eh mantakin nyo ba naman, hindi pa man din natatanggal sa tray eh natikman na agad. Haha. Pero nung tinikman ko ok naman nga pala, parang mamon tostado lang. At heto, ang nanay chiffon, dyaraaaaaaan!
...oh di ba bumawi naman si nanay chiffon. Tamang-tama lang ang pagkaka-bake. Medyo na-out of place tuloy si baby chiffon dahil naging mag-kasing kulay sila ni Aldine. Ahaha. Pagkatapos maluto ni nanay chiffon, sinunod na rin namin ang brazo de mercedes. Ginawa na rin nila Kuya Jao yung custard para sa cake. Sila Mark naman eh yung butter icing. Mga 11:30PM na yata nun. Pero sandali lang din naman naluto kaagad yung pinaka-bread ng brazo, and the most exciting part...ang mag-design!
(Dapat naka-ngiti pa habang nagde-design?)
(Tanggapin nyo na... Cy & Chiz yan... Hehe)
(JD & Mark)
...kunyare marunong kaming maglagay ng icing at mag-lettering. Haha. At ayun, pagkatapos ng aming pagkukunwaring mga pastry chef, natapos din namin ang Chiffon Cake at Brazo de Mercedes. Ang ganda kaya ng mga letterings namin. Di ba! Di ba! Bawal tumawa! At syempre, ang pinakahinihintay ng lahat...KAINAN NA!
Hmmmmm... Sarap talaga! Napansin lang namin mas mabilis talaga kainin kesa gawin. Haha. Pero ok lang, it's worth the time and effort. Pwede na kaming magpa-cake raffle. Hehe. Sobrang naging masaya 'tong activity na 'to. And I think first time sa chapter namin ang magkaron ng fellowship na katulad nito. At take note, brothers ang unang gumawa ng baking! Hehe. Thanks kay Kuya Jao sa pagshe-share nya ng knowledge at talent nya at kay Cy sa panggugulo namin sa bahay nila. Hehe. 'Til next time.
No comments:
Post a Comment