Sabi ko hindi ako iiyak. Sabi ko pa, "hmp napagdaanan ko na naman yun, naka-ilang retreat narin ako noh, malamang hindi na effective sakin yang mga ganyan-ganyan". But I'm wrong.
Last weekend (24-25), sumama ako sa Singles Weekend Retreat 1 (SWR1) sa Tagaytay. Excited ako kasi di pa ko napapasyal don. Although nadaan na ko sa Tagaytay pero hindi pa talaga ko nakakapag-stay dun. Isa pa, excited din ako kung ano yung mae-experience ko sa SWR.
I'm not expecting something extra-ordinary. Wala lang, this is just a usual retreat activity, ganun lang nasa isip ko. Pero there's something happened. Something I never experienced before. Something I'm not expecting. Something I've waited for a long time to feel, to see, to hear and to experience. Ano yon? Bibitinin ko muna kayo. Haha. Hinay lang.
Saturday morning, first few talks, parang wala lang. Although magaganda naman talaga yung mga laman at marami kong natututunan pero, parang may kulang pa rin. Parang hindi naman ganun ka-striking. Well good enough to start the activity. After lunch, syempre mga busog, ayun mga antok na antok. At eto, nakaka-antok na nga yung panahon at yung ugong ng electric fan, dumagdag pa si ateng speaker na nakaka-antok mag talk! Redundant na masyado! Haha. At syempre dahil sa dami na ng nagsama-sama na mga elementong nakaka-antok eh hindi ako na-exempt sa mga nakikinig na pumili ng mga choices sa mga to para hindi halata ang pagka-antok:
A. Medyo humilata sa upuan at isandal ang batok sa sandalan para hindi masyadong halata kapag napapahampas ang ulo dahil sa antok.
B. Idikit ng husto ang upuan sa nasa harapn para maidukduk ang ulo sa sandalan nito at para hindi mahalata ng speaker na natutulog.
C. Pumikit na parang nagre-relax lang at nire-reflect ang sinasabi ng speaker.
D. Pumwesto na parang nage-exam lang na ang ulo ay medyo naka-yuko at naka-sandig ang noo sa kamay para matakpan ang mata na nakapikit, habang ang siko ay nakapatong sa gilid ng upuan o sa sandalan ng katabi o nasa harapan.
E. Tusukin ng bolpen ang katabi para matawa ka sa reaksyon nya.
F. Makipagharutan sa kasama para may kakulitan ka at mawala ang antok mo.
G. At ang pinaka-effective, ikubli ang sarili sa taong nasa harapan mo para hindi makita ng speaker na antok na antok ka na.
Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng iba pero nagawa ko yata lahat yan. Haha.
After ng nakaka-anotk na talk. Here comes my favorite. Medyo nabuhayan na lahat nung si Bro. Bong na ang nag-speaker. Ang galing kasi nya. Ang daming kwento, napapaliwanag ng mabuti yung topic, nakikipag-interact sa audience tapos kwela pa. After ng talk nya, nagkaron kami ng activity. Pinapwesto nya kami sa kung saan kami komportable, pinatingin sa paligid to appreciate God's creation at pinapikit. Dun, we started to imagine that we are beside Jesus...
I haven't imagine myself being with Jesus... because what I saw, what I felt is NOT an imagination. He's there. Standing before me. At that point I started to tell Him everything. The good things, bad. My sins, wrongdoings. My needs, desires. I even tell Him my disappointments, dissatisfaction. But He never say a word to defend himself. He is just listening on all the things I'm saying. Accepting my appeals. After my oh so looong litany, the Lord looked at me in the eyes, embraced me and said, "I will always be here for you". Then I started to cry...
No comments:
Post a Comment