Ang naaalala ko kasi, thursday after ng Holy Week, medyo hindi ako makatulog kasi may nangangati sa braso at binti ko, pero di ko rin naman pinansin kasi akala ko kung ano lang. Tapos nung nagsimba kami nila Monch Sunday after non, nun na naglabasan yung mga pantal-pantal na sobrang kati kapag nagagalaw. Waaah! Nung una akala ko joke lang yung yung mga yun, kaso ilang araw na hindi pa nawawala!!!
Tapos nitong linggo, eh di syempre napapansin na rin nung mga kasama ko sa bahay, sa opisina, sa community, kasi meron din nga ako sa braso. Sabi nila may naka-kagat nga sakin na insekto (eh anu ba kasing insekto nga yon!?!), sabi naman ng iba dahil daw sa init. Tapos yung iba tinutukso pa kong may bulutong daw ako (ako naman affected). Huhu. Eh alam ko naman na hindi bulutong 'to dahil nagkaron na ko nun nung bata pa ko.
Nakakainis talaga. 2 weeks na 'to ngayon. Actually yung mga nauna na lumabas na pantal-pantal eh magaling na. Ang kaso may dumagdag pang 2 malaking pantal. At sa kitang-kita pa mga nagsi-pwesto! Grrrr!
Buti na lang nung Tuesday ng gabi pagpunta ko sa birthday ni Ate Rizza nagkita kami ni Ate Sheila. Nung unang kita palang ni Ate Sheila sa mga pantal ko kumuha agad sya ng gamot sa bag nya (Medical Transcriptionist kasi sya kaya may mga baong sample na gamot sa bag, hehe). Sabi nya sakin allergy nga raw yun. Sabi pa nya, meron yan sa magkabilang braso noh? (Tama!) Ayun, 2 beses pa lang ako uminom ng gamot na binigay nya at mukang effective naman. Halos pawala na yung mga naiwang pantal. Nakakainis lang kasi nagpeklat yung iba. Sebo
No comments:
Post a Comment