Adventurous ka ba? Mahilig lumakad? Mahilig mamasyal? Mahilig sa mga adrenaline rush activities? Hmmm ako gustong-gusto ko talaga ng adventure! Gusto ko ng bungee jumping, rappelling, rock climbing, ziplining, skydiving, rafting at kung anu-ano pa! Gusto kong hinahagis ako, hinuhulog, pinapalipad, pinapaikot, binibitin at kung anu-ano pang maisip nyong pwedeng gawing sports adventure. Hehe. And finally, last weekend natupad na rin ang isa sa mga gusto kong ma-experience na activity...ang mag mountain climb! Wuhuu!
Mga December pa lang last year medyo nagsasabi na sakin si Aldine about sa climb. Ako naman syempre excited hindi na ko nagpa-pilit, OO kaagad ang sagot. Hehe. Wala talaga kong kaalam-alam sa pamumundok. Kaya tadtad sakin ng tanong si Aldine. Ano ba yung isusuot? Anu ba dapat ang mga dala? Anung mga klaseng damit ba ang pwede? Anung mga pagkain ba ang pwede? Mga ganun. At dahil required ang may strap na footwear at wala naman ako non dahil hindi ako mahilig, napabili tuloy ako ng di oras. Pahirapan din mamili ng sandals kasi gusto ko yung parang sapatos para pwede gamitin partner ng jeans pero gusto ko din yung sandals kasi maganda ang kapit sa paa. Haha. Sa huli, yung sandals nalang ang binili ko, naiisip ko naman kasi kaya ako bibili eh para gamitin sa bundok hindi para ipartner sa jeans. Ehe.
Saturday morning umalis kami ng Manila around 10:30AM. At swerte dahil di pa kami nakakalayo sa terminal eh nasira ang aircon ng sinasakyan naming bus. (
malapit palang kami sa magallanes intersection) Anu ba yun! At dahil sa paghihintay, ganito nalang ang nangyari...
Syempre picture-picture. Hehe. Di naman nagtagal dumating na rin yung kapalit na bus at parang walang nangyari dahil kung saan kami naka-upo sa unang bus eh dun din kami naka-upo sa pangalawa. Around 1PM na ng dumating kami sa Jump Off sa Eraiz Farm at nag-lunch. Mga 2PM, pray muna then start na kami mag-trek.
Nung nakita ko yung aakyating bundok, ang yabang-yabang ko na "
ayan lang ba yung bundok??? sandali lang yan akyatin eh ang baba baba!" pero pagtagal-tagal, "
malayo pa ba? parang di ko pa nakikita yung tuktok." Haha. Nagyayabang pa ah. Medyo mahirap ung trail. Sa bandang simula medyo mabagal lang yung pagtaas ng lupa, pero habang papalapit na kami sa summit nagiging matarik na yung daan. May mga part na halos pagapang ka na umaakyat at parang walang katapusan yung slope. Mga 5 beses din siguro kami nag-rest. At nung medyo tanaw na yung tuktok, talaga namang hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa! Akyat kung akyat! Hehe. At ng marating ko na ang summit...sobrang sarap ng feeling. Hindi ko ma-explain. Mawawala talaga yung pagod mo. Sobrang saya. Napaka-breathtaking ng scenery. At one moment hindi ko mapigilang maging emotional, for at that moment I felt God's love through His creations. He entrusted us a world of such beauty. Wonders of nature shown me the greatness of our God and His sovereignty over all. Simply amazing!
5:30PM na ng dumating kami sa campsite at ayos na ayos lang ang pagdating namin dahil naabutan pa namin ang sunset. Meron na ring 2 grupong nauna sa min don ng makarating kami. Di rin naman nagtagal, nagtayo na rin kami ng mga tents at nag-prepare na ng hapunan. Sobrang lakas ng hangin dun sa tuktok. As in literal na nililipad ako! Haha. Kapag tumalon ka nga hindi ka na babagsak sa tinalunan mo dahil madadala ka talaga ng hangin. Ang lameeeeeggg. Kita din sa summit ang Mt. Cristobal sa Quezon, seven lakes ng San Pablo at standing proud ang Mt. Banahaw at Mt. Makiling. Nakakawala talaga ng pagod. Siguro mga 8PM na ng maka-kain kami, sobrang lamig talaga sa labas. As in nakaka-kilig, kaya lagi nalang kami napasok sa tents. Naalala ko ang paboritong linya ni Monch, "
Chill sa aking duyan." with matching panginginig pa ng bibig. Haha. Bago kami natulog, medyo nagbonding muna kami ng group. Tanungan portion habang shuma-shot ng the bar. (
para manlang medyo uminit kahit onte, hehe) At ayun, siguro mga 12MN na rin kami nagsi-higa.
Dun ako natulog sa tent ni Monch, 3 kami dun nila Jona. Nung una, medyo ok pa kasi hangin lang. Pero ng mga bandang alas-kwatro ng madaling araw ayan na! Basang-basa na yung 2 katabi ko dahil naulan pala ng malakas at medyo tumatagos na sa tent yung tubig. Bukod pa dun yung sobrang lakas na hangin na bumabayo sa tent. At eto pa! Itong pangalawang SE ko, lumangoy din sa tubig gaya nung una kong SE. Hayyyy buti nalang matibay at nagana pa. Nung time na yun naisipan namin lumipat sa tent nila Aldin dahil mas malaki yun, pero nung sinilip ko yung tent nila sa labas, hala! bagsak na pala! Haha. Sila din pala eh parang na-Ondoy. Hehe. Kaya yun, tiniis nalang namin ang tubig.
Nakatulog pa naman kami after nun. Hindi nalang namin pinansin. Basa kung basa! Mga 7:30AM na rin kami bumangon para kumain, mag-ayos at maghanda na pababa. Kelangan kasi mga 9AM nakababa na kami dahil may mga pupuntahan pa kami. At paglabas namin sa tent, aba! yung tatlo nakakain na pala ng canton! Mga nagsolo! Hmp! Pero pinagbigyan na namin, baka nagutom dahil nasalanta sila nung gabi. Haha. Nagluto na rin kami, kumain, nag-ayos ng gamit, at nag-prepare na bumaba. Nauna na rin samin bumaba yung 2 grupong una ring maka-akyat samin. Mga 30mins. after bumaba nung 2 grupo, naka-ayos na kami, nag-pray at nagsimula na sa pagbaba.
Siguro di pa kami nakakalayo sa summit, naabutan na namin yung 2 grupo na pababa. Nagtaka naman ako kasi bakit ang bagal-bagal nila, siguro may naaksidente o kaya may naka-harang sa daan. Yun pala, ang bagal lang talaga nilang bumaba. Ay hindi pala! Nuknukan ng bagal! Para silang may mga prinsesang kasama. Parang kada-tatlong hakbang tumitigil. Nakakainis talaga! Lalo na may hinahabol kaming oras. Hayyy patience...patience... Dahil sa kabagalan nila, inaliw nalang namin ang mga sarili sa pamamagitan ng pagpi-picture at pinoy henyo. (
Oh di ba nakapag-pinoy henyo pa kami habang pababa! Haha) Nakakatawa yung pagbaba kasi paramihan kami ng dulas! Ay sila pala! Haha. Nagpapaligsahan sa pagsaldak si Aldine at Dards. Sabi nila hindi daw masaya kapag hindi nadudulas, eh kung alam ko lang ginagawa lang nilang palusot yun sa mga record-breaking nilang pagsaldak sa putik. Hehe. (
Nasaldak din ako 1 bese pero walang nakakita, secret lang. Hehe)
Mga 12NN na kami nakarating ulit sa Jump Off. Ang sarap ng feeling na makarating sa taas at maabot mo uli yung paanan. There is a feeling of fulfillment. I'ts been a great climb! Di na kami nagtagal sa lugar dahil naghahabol kami sa oras. Pupunta pa sana kami sa underground cemetery at Majayjay falls ang kaso kulang na sa time kaya kelangang ma-sacrifice na yung isa. (
Kasi naman kabagalan nung unang grupo eh! Grr) Umarkila na kami ng jip para mabilis. At ayun, kumain muna kami sa Victoria ng lunch. Specialty??? ITIK! Sarrraaapp! (^^,)