Tuesday, April 27, 2010

Constant Love

Let me take this opportunity to greet my dearest dad...

HaPpY Birthday!

Sobrang swerte ko at ikaw ang tatay ko and I hope I made you to feel the same way as your son. You didn't know how much I appreciate your caring, thoughtfulness, and not to mention your 'kasungitan', hehe, but yeah, I really love the way it is, because I love you. I just wish you pure happiness (cadbury?), good health and God's blessings. Hapi Birthday! (^^,)

*sorry wala akong picture na solo eh.. ehe..

Confirmation

Sabi ko hindi ako iiyak. Sabi ko pa, "hmp napagdaanan ko na naman yun, naka-ilang retreat narin ako noh, malamang hindi na effective sakin yang mga ganyan-ganyan". But I'm wrong.

Last weekend (24-25), sumama ako sa Singles Weekend Retreat 1 (SWR1) sa Tagaytay. Excited ako kasi di pa ko napapasyal don. Although nadaan na ko sa Tagaytay pero hindi pa talaga ko nakakapag-stay dun. Isa pa, excited din ako kung ano yung mae-experience ko sa SWR.

I'm not expecting something extra-ordinary. Wala lang, this is just a usual retreat activity, ganun lang nasa isip ko. Pero there's something happened. Something I never experienced before. Something I'm not expecting. Something I've waited for a long time to feel, to see, to hear and to experience. Ano yon? Bibitinin ko muna kayo. Haha. Hinay lang.

Saturday morning, first few talks, parang wala lang. Although magaganda naman talaga yung mga laman at marami kong natututunan pero, parang may kulang pa rin. Parang hindi naman ganun ka-striking. Well good enough to start the activity. After lunch, syempre mga busog, ayun mga antok na antok. At eto, nakaka-antok na nga yung panahon at yung ugong ng electric fan, dumagdag pa si ateng speaker na nakaka-antok mag talk! Redundant na masyado! Haha. At syempre dahil sa dami na ng nagsama-sama na mga elementong nakaka-antok eh hindi ako na-exempt sa mga nakikinig na pumili ng mga choices sa mga to para hindi halata ang pagka-antok:

A. Medyo humilata sa upuan at isandal ang batok sa sandalan para hindi masyadong halata kapag napapahampas ang ulo dahil sa antok.
B. Idikit ng husto ang upuan sa nasa harapn para maidukduk ang ulo sa sandalan nito at para hindi mahalata ng speaker na natutulog.
C. Pumikit na parang nagre-relax lang at nire-reflect ang sinasabi ng speaker.
D. Pumwesto na parang nage-exam lang na ang ulo ay medyo naka-yuko at naka-sandig ang noo sa kamay para matakpan ang mata na nakapikit, habang ang siko ay nakapatong sa gilid ng upuan o sa sandalan ng katabi o nasa harapan.
E. Tusukin ng bolpen ang katabi para matawa ka sa reaksyon nya.
F. Makipagharutan sa kasama para may kakulitan ka at mawala ang antok mo.
G. At ang pinaka-effective, ikubli ang sarili sa taong nasa harapan mo para hindi makita ng speaker na antok na antok ka na.


Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng iba pero nagawa ko yata lahat yan. Haha.

After ng nakaka-anotk na talk. Here comes my favorite. Medyo nabuhayan na lahat nung si Bro. Bong na ang nag-speaker. Ang galing kasi nya. Ang daming kwento, napapaliwanag ng mabuti yung topic, nakikipag-interact sa audience tapos kwela pa. After ng talk nya, nagkaron kami ng activity. Pinapwesto nya kami sa kung saan kami komportable, pinatingin sa paligid to appreciate God's creation at pinapikit. Dun, we started to imagine that we are beside Jesus...

I haven't imagine myself being with Jesus... because what I saw, what I felt is NOT an imagination. He's there. Standing before me. At that point I started to tell Him everything. The good things, bad. My sins, wrongdoings. My needs, desires. I even tell Him my disappointments, dissatisfaction. But He never say a word to defend himself. He is just listening on all the things I'm saying. Accepting my appeals. After my oh so looong litany, the Lord looked at me in the eyes, embraced me and said, "I will always be here for you". Then I started to cry...

Thursday, April 22, 2010

Allergy

MAY ALLERGY AKO! Nak ng! Hindi ko alam kung dapat ba kong mainis dahil may allergy ako o matuwa dahil sa wakas eh nagka-allergy din ako tulad ng mga normal na tao. Haha. Hindi naman talaga kasi ko nagkaka-allergy. Wala naman talaga kasing arte ang katawan ko kahit anong kinakain ko o kahit san mo pa ko idikit o isiksik. Ewan ko ba kung bakit ngayon naiba na.

Ang naaalala ko kasi, thursday after ng Holy Week, medyo hindi ako makatulog kasi may nangangati sa braso at binti ko, pero di ko rin naman pinansin kasi akala ko kung ano lang. Tapos nung nagsimba kami nila Monch Sunday after non, nun na naglabasan yung mga pantal-pantal na sobrang kati kapag nagagalaw. Waaah! Nung una akala ko joke lang yung yung mga yun, kaso ilang araw na hindi pa nawawala!!!

Tapos nitong linggo, eh di syempre napapansin na rin nung mga kasama ko sa bahay, sa opisina, sa community, kasi meron din nga ako sa braso. Sabi nila may naka-kagat nga sakin na insekto (eh anu ba kasing insekto nga yon!?!), sabi naman ng iba dahil daw sa init. Tapos yung iba tinutukso pa kong may bulutong daw ako (ako naman affected). Huhu. Eh alam ko naman na hindi bulutong 'to dahil nagkaron na ko nun nung bata pa ko.

Nakakainis talaga. 2 weeks na 'to ngayon. Actually yung mga nauna na lumabas na pantal-pantal eh magaling na. Ang kaso may dumagdag pang 2 malaking pantal. At sa kitang-kita pa mga nagsi-pwesto! Grrrr!

Buti na lang nung Tuesday ng gabi pagpunta ko sa birthday ni Ate Rizza nagkita kami ni Ate Sheila. Nung unang kita palang ni Ate Sheila sa mga pantal ko kumuha agad sya ng gamot sa bag nya (Medical Transcriptionist kasi sya kaya may mga baong sample na gamot sa bag, hehe). Sabi nya sakin allergy nga raw yun. Sabi pa nya, meron yan sa magkabilang braso noh? (Tama!) Ayun, 2 beses pa lang ako uminom ng gamot na binigay nya at mukang effective naman. Halos pawala na yung mga naiwang pantal. Nakakainis lang kasi nagpeklat yung iba. Sebo ng de Macho lang ang katapat nito. Hehe.

Wednesday, April 14, 2010

Chiffon Cake

Last night tinuruan kami ni Kuya Jao mag-bake! Kakaiba di ba! Sa totoo lang hindi ko alam na may ganun pala kagabi. Nung pumuna kasi kami kagabi kila Cy, akala ko talaga magha-household kami. Tapos pagdating ko nalang dun biglang may mga harina na, mga itlog, lard(asuuuu, lard. kunyare alam ko yun! hehe), baking pan at kung anu-ano pang parapernalya ni Kuya Jao sa pagluluto. Hehe.

Actually napag-usapan na namin yun nung huling nag-household kami, na magbe-bake nga kami ng cake. Pero hindi ko naman alam na kagabi na pala yun, kung alam ko lang eh di sana nagdala ko ng malaking lalagyan na pang take-out. Ahehe, joke lang.


Oh baka mapasukan ng langaw ang mga bibig nyo, haha (Aldine at Mark). Habang naghahalo si Kuya Jao todo explain sya sa mga ginagawa nya, parang cooking show lang sa TV. Ehe. At kami naman na curious, walang katapusan ang mga tanung. Pero yung mga mas gustong kumain (alam nyo na) ayun at nakatahimik lang at inaabangan nalang na maluto yung cake. Haha.

At syempre kung nasan si Kuya Jao nandun kami't mga nakatanghod. Kanya-kanyang pwesto. Nakakatuwa kasing panoorin. Pero syempre pinapa-try din nya samin yung mga steps para matuto din kami at ma-experience. Buti nga pasensyoso tong si Kuya Jao sa makukulit at maiingay. Hehe.

Di rin naman nagtagal eh hands-on na rin kami sa paggawa. Syempre papayag ba naman kami ng hanggang sulyap lang? Ayun kanya-kanya ng hugas ng kamay. May nagsasala ng itlog, naghahalo, nagsusukat ng ingredient, nagpe-prepare ng lalagyan at kung anu pa! Oh di ba parang T.H.E. subject lang. Haha.


Habang kami naman ay busyng-busy sa mixtures namin para sa brazo, si Cy at Kuya Jao naman eh nandun, sila na nagbabantay ng cake sa oven. Nauna na kasing magawa yung mixture para sa chiffon cake. Naka-dalawa pa nga kaming tray, isang nanay tsaka isang baby. Mga 15mins palang nauna ng maluto si baby chiffon, ang kaso ganito ang nangyare...


...nagmukang brownies. Haha. (sige isipin nyo nalang chocolate cake yan) Pero ok lang dahil masarap naman "DAW". Eh mantakin nyo ba naman, hindi pa man din natatanggal sa tray eh natikman na agad. Haha. Pero nung tinikman ko ok naman nga pala, parang mamon tostado lang. At heto, ang nanay chiffon, dyaraaaaaaan!


...oh di ba bumawi naman si nanay chiffon. Tamang-tama lang ang pagkaka-bake. Medyo na-out of place tuloy si baby chiffon dahil naging mag-kasing kulay sila ni Aldine. Ahaha. Pagkatapos maluto ni nanay chiffon, sinunod na rin namin ang brazo de mercedes. Ginawa na rin nila Kuya Jao yung custard para sa cake. Sila Mark naman eh yung butter icing. Mga 11:30PM na yata nun. Pero sandali lang din naman naluto kaagad yung pinaka-bread ng brazo, and the most exciting part...ang mag-design!

(Dapat naka-ngiti pa habang nagde-design?)

(Singles For Christ - POLA Chapter)
 (Aldine & Jan-Jan)
 (Jap & Jao)
 (Tanggapin nyo na... Cy & Chiz yan... Hehe)
 (JD & Mark)

...kunyare marunong kaming maglagay ng icing at mag-lettering. Haha. At ayun, pagkatapos ng aming pagkukunwaring mga pastry chef, natapos din namin ang Chiffon Cake at Brazo de Mercedes. Ang ganda kaya ng mga letterings namin. Di ba! Di ba! Bawal tumawa! At syempre, ang pinakahinihintay ng lahat...KAINAN NA!


Hmmmmm... Sarap talaga! Napansin lang namin mas mabilis talaga kainin kesa gawin. Haha. Pero ok lang, it's worth the time and effort. Pwede na kaming magpa-cake raffle. Hehe. Sobrang naging masaya 'tong activity na 'to. And I think first time sa chapter namin ang magkaron ng fellowship na katulad nito. At take note, brothers ang unang gumawa ng baking! Hehe. Thanks kay Kuya Jao sa pagshe-share nya ng knowledge at talent nya at kay Cy sa panggugulo namin sa bahay nila. Hehe. 'Til next time.

Thursday, April 8, 2010

MonteMaria

Nung huling nagbakasyon kami sa probinsya nila Bebe sa Batangas nung Holy Week, hindi manlang kami nakapag-bisita iglesia o naka-simba manlang. Tsk tsk. Ewan ko nga ba. Mas inatupag pa namin nun ang pagda-dagat. Byernes santong-byrenes santo andun kami naglalangoy sa dagat. Kaya naman pinlano talaga naming pumunta sa Monte Maria nitong huling pagpunta namin sa Lobo. And God is so gracious na kahit hindi kami natuloy nung Holy Friday, eh pinapunta naman nya kami ng Black Saturday. Siguro sabi nya, Holy Friday ngayon manahimik kayo sa bahay, bukas nalang lumakad! Ehe.

Mga February lang nung unang marinig ko 'tong MonteMaria na project ni Fr. Suarez (healing priest). Sobrang na-excite ako kasi ang ganda ng mga narinig ko about sa project. Isa na dun yung pagkalaki-laking istatwa daw ni Mama Mary na mas malaki pa kay Lady Liberty ng New York at Christ the Redeemer ng Rio yung itatayo dun. Tapos may ilang simbahan, retreat houses, station of the cross atbp. Kaso bago pa man kami lumuwas ng batangas may nabasa kong blog na hindi na daw pala tuloy ang project na 'to sa lugar. At ang nakakainis pa, dahil daw sa sobrang naging mahal na ng presyo ng lupa sa lugar na pagmamay-ari ng isang pulitiko. Nak ng! Sabi daw, kelangan pa kasi ni Fr. Suarez ng dagdag na lupa dahil kulang daw ang 5 hectares sa itatayo nyang project para ma-accommodate ang expected na dami ng tao na dadagsa sa lugar. Ang kaso, nagulat nalang sila ng malamang tumaas na ng P6k - P9k ang presyo ng lupa per sqm na dating P50 lang per sqm! HayyYY! Nakakainis talaga 'tong mga taong 'to. Taking advantage! Ok lang sana kung casino ang itatayo dun o kung anong commercial spaces eh hindi naman! It's a place for spiritual renewal. It's for God's glory! Hindi ba nila naiintindihan yon!!! Nako pigilan nyo ko! Grrr!

Nung naghahanap na kami ng uupahan na jeep para makapunta sa MonteMaria Shrine, parang lahat nalang sinasabi na wala na dun yung simbahan. But we wanted to see it for ourselves kaya nag-pursue pa rin talaga kami na pumunta. On the way, wala na rin naman akong ine-expect na may makikita kong simbahan or what. And sakin nalang, basta we tried to see the site whether there actually a sanctuary or not. We took this journey to MonteMaria as part of our commitment na magkaron manlang kami ng spiritual activity nitong Holy Week in observance of Lent.

Ng makarating kami sa site, yung malaking cross nalang ang naabutan namin sa lugar na pinagmimisahan daw ni Fr. Suarez dati. Then may nakita kaming puting simbahan sa di naman kalayuan kaya dun nalang kami tumuloy. Habang papunta dun may nakita kaming mga rebulto na parang ginawa as part of the planned Station of the Cross sana ng MonteMaria. Nakakalungkot lang makita kasi parang na-abandoned nalang sila. Hayyy.



Anyway, the Church of the Infant Jesus is just a proof of how beautiful this project should have been. Pero dahil sa mga gahaman... hay Lord forgive me. Wala nalang kaming reaksyon ni Bebe nun kundi pumalatak at manghinayang. So sad it may be, meron pa rin namang good news. Sabi hindi na naman daw tatanggalin dun yung simbahan ni Sto. Nino. Pati tuloy pa rin naman yung MonteMaria project, pero sa Tagaytay City nalang. Well that's better than none. Sana nga matuloy na 'to sa Tagaytay. Let's just pray na hindi na naman ma-pulitiko 'tong project ni Fr. Suarez.

Wednesday, April 7, 2010

Holy Week

Tulad ng maraming pinoy na grdauate na sa mga kalokohan sa skwelahan, inaabangan ko talaga ang Holy Week. Bakit kamo??? Dahil sa mahaaaaaaaaaaaaaaaaba ang bakasyon! Wuhuu! Ito lang kasi yung time para makatakas sa stress ng Manila.

Last Holy Week naki-probinsya ulit ako kila Lorie sa Lobo Batangas kasama si Mark. Last yir dun din ako nag-semana santa kasama naman sila Alex at Monch. Nung una medyo nag-aalangan pa ko sumama kasi magpi-pilgrimage sila mami sa Baguio ng Holy Week kaya walang makakasama mga kapatid ko sa bahay, pero sa huli di naman sila natuloy kaya ayun nakasama ko kila Bebe. Unang plan Saturday kami uuwi kasi birthday ni Dugal ng Sunday, baka umuwi sya ng Isabela at my reunion din kasi sila nung linggo na yun, eh ewan ko ba biglang nabago na naman ang ikot ng mundo kaya biglang Sunday nalang kami nauwi.


Unlike before, tanghali ng myerkules santo kami lumuwas papuntang Batangas. Kainitan. Pero kagaya ng dati, nasiraan din yung sasakyan na sinasakyan namin. At grabe! nasa Bicutan palang kami non! Nak ng! Kaya ayun nagtulak kami hanggang sa SM Bicutan. (Imaginin mo nagtutulak ako ng Van sa SLEX!, hehe) Pero it's a blessing in disguise kasi nakapaghulog ako sa BDO. Kelangan ko kasi talaga maghulog nun sa bangko para kila mami, eh naubusan na ko ng time nung umaga dahil may pasok pa ko sa opisina, tapos wala din namang BDO sa bayan sa Lobo. (anu bang klase??) Haha. Actually, that's what I love about this town. Kumbaga, sobrang probinsyang-probinsya yung dating. Simple lang. Tapos nag-carousel pa kami nila Bebe sabay sumakay sa mga animals na umaandar. Medyo nakakahiya pero pinagbigyan na namin ang batang si Bebe, baka maglupasay pa dun mas lalong nakakahiya. Pero ok lang masaya naman pala. (Haha, kunyare pa!)


This time, nagkaron kami ng pagkakataon na makapunta dun sa mga lugar na gusto naming puntahan na hindi namin narating last yir. Syempre sino pa ba ang pasimuno??? Eh di si Bebe the bibe! Narating namin yung dulo sa dulo ng Lobo. Sa Eastern part is yung Parola ng Malabrigo at sa Western part naman eh yung MonteMaria na project ni Fr. Suarez. At syempre, mawawala ba naman ang dagat??? Nakakatuwa kasi ang linis nung dagat na napuntahan namin. Dati kasi mabuhangin tsaka ang daming damo sa ilalim, medyo nakakatakot tuloy lumakad-lakad dahil hindi mo ala kung anung nilalang yung nasa mga damo na yun. Haha. Ang weird.



At the end of the day, sobrang naging masaya nung vacation namin. Relaxing at nakakawala talaga ng stress. Isama mo pa ang kakulitan ng mga tao dun. Thanks kay Bebe at sa family nya na sobrang accomodating. 'Till next time.(^^,)


At ayan, pagkauwi namin ng Manila nognog na ko. Haha. Pero ok lang. It's fun!