Thursday, June 3, 2010

Let's face it!

Yesterday, nagpunta ko sa Megamall after office and got my very first full body massage! Aw! Ilang linggo ko na rin kasi iniinda ang sakit ng likod ko. Hindi ko nga alam kung ngawit lang. Akshuali, matagal ko na rin talaga plano magpa-massage. Kaso nahihiya naman ako magpunta sa mga spa. Hehe. Alam nyo na, first time. Meron nga isang beses dapat pupunta na ko sa isang spa sa mandaluyong, tapos nung malapit na ko nakita ko sa loob may mga naghihintay na customer! Kaya ayun back-out ako. (takot sa tao???) Eh kahapon, naiba na yung pakiramdam ko, feeling ko talaga lalagnatin na ko dahil pakiramdam ko eh may pilay ako sa likod (arte lang). Sa Bulacan kasi, kapag ganon nagpapahilot na ako, eh dito wala namang ganun!

Bago ang lahat, syempre nagbasa-basa muna ko sa forums ng kung ano ba ang culture sa mga spa. Ayoko naman syempre magmukang eengot-engot kapag nagpa-service na ko 'di ba. Hehe. At ayun, pumunta na nga ako ng Megamall at tumingin-tingin sa mga spa center dun kung magkano mga services nila, pero sa totoo lang meron na talaga kong target puntahan. Wala lang baka mamaya may discount yung iba o kaya promo.

At eto na, nung nakita ko na yung store ng Let's Face It, nakita ko ang daming waiting na customer! Ayun na naman ako, nagdalawng-isip na naman dahil nahihiya! Hayy. Pero nilakasan ko nalang ang loob ko dahil nung time na yun eh masama na rin ang timpla ko dahil sa nag-iinarteng likod. Diretso lang ako at lumapit ako sa babae sa counter at buti nalang sya ang naunang nagsalita at tinanung ako, "Yes sir?". At ako naman, medyo kabado pa pero naka-ngiti naman, "Ahmm, body massage?". Hay Thank God nasabi ko din! Haha. Medyo challenging talaga yung part na yun. But I'm happy na na-conquer ko yung hiya ko. At ayun pinagfill-up na nila ko ng form then hintay ng konti tapos pinapasok na ko sa treatment room.

The room was okay. Candlelit. Mint essence. Relaxing music. May maliit na locker sa corner para sa gamit mo, may sink at syempre yung bed. Yung wall, muka syang room pang couple kasi may divider and it was not air tight kapag sinara. But I was lucky na walang tao sa kabilang room so okay lang. After nun lalabas muna yung masseuse (nose-bleed!) para mag-ready ka for the massage. Syempre dapat undies lang ang ititira mo. But no worries kasi may shorts naman sila na provided and they're very professional and wholesome naman.

After about 3minutes siguro bumalik na yung masseuse and she started her therapy. Nung una medyo nailang lang ako kasi hindi ako sanay na hinahawakan ng iba ang mala-Derek Ramsey kong katawan. Tapos ang ganda pa nung therapist, kamuka sya ni Tricia ng PBB Teen Clash, nakakaself-conscious tuloy. Hehe. Pero after sometime ok na rin naman. Bring it babeh!

The masseuse will occasionally ask you kung ok lang sayo yung pressure na ginagawa nya and it's good. May mga times na natatawa ko kapag natatanggi nya yung tagiliran ko. Pero buti nalang naka-dapa ako nun at di nakikita nung nagma-massage sakin na napapa-ngiti ako. Kaso medyo nahirapan akong pigilin yung tawa ko nung  naka-higa na ko. May kiliti kasi ko sa tuhod, tapos hindi ko alam na may kiliti din pala ko malapit sa singit. Ahaha. Pero ok lang, tingin ko naman lahat ng lalaki may kiliti sa hita malapit sa singit. Wala, palagay ko lang. Meron nga ba? Subukan ko nga sa mga kaibigan kong lalaki para mapatunayan. Haha.

After ng treatment, feeling ko close na kami ni ate dahil sya palang ang nakahimas sa buong pagkatao ko. Haha. Lumabas sya ng room tapos binigyan nya ko ng 3 towel para makapagbihis na. Hayyy ang sarap ng feeling. Heaven. Parang natanggalan ako ng ilang kilong buhat-buhat sa katawan. Natanggal talaga ang mga stress ko sa muscles. Sa sobrang katuwaan ko eh nakalimutan ko nga na nasa mall nga pala ko at kelangan ko pang maglakad para sumakay ng tricycle sa crossing para maka-uwi. Hehe. This is my first and will definitely not be the last.

Pahabol:
Pagkalabas ko ng Lets Face It, may bading na lumapit sakin na naka-necktie....necktie lang ang suot. Haha Joke!.. Naka-formal syempre (alam na) at sigurado kapag ganon ang porma sa loob ng mall, kung hindi yan nag-aalok ng condo eh nag-aalok yan ng credit card. At tumpak!

Guy: Sir may credit card ka na?
Ako: (Direcho sa paglalakad. Ngiti lang sabay iling.)
Guy: Sir hindi po ako nag-aalok ng credit card pansinin mo naman ako!
Ako: (Wow may nakaraan tayo pansinin naman kita??? Kung makapag-demand ah!)
Ako: Wala.
Guy: Ok thank you.

Natawa lang ako kasi kung makapagdemand sya na pansinin ko naman sya akala mo nakikipagbalikan sa boyfriend. Haha.

2 comments:

Anonymous said...

hahah!!!! Nkakatuwa ka :) U made me smile today :P

Anonymous said...

continue making stoories.. u make people smile! u have sense of naturality in story telling :)

Post a Comment